2 "Hope"

1295 Words
“Daisy.” Napangiti ako. Boses kasi ni Sir Onse ang narinig ko, pero hindi ako lumingon. Instead, I looked down at his hand resting on my arm. Banayad ang paghawak niya, klase na nagpapalakas lalo ng tíbok nitong puso kong nasasaktan . Sandali rin akong pumikit, at kasabay ng pagbuka ng mga mata ko ay ang pag-angat ko ng kamay niya na nakalapat pa rin sa braso ko. Para na kasing nanonoot ang init ng palad niya sa balat ko, saka ako naglakas loob na salubungin ang titig niya. Humakbang pa siya palapit sa akin at inabot ang payong na hindi ko pinansin. "Bakit mo ako sinundan, sir?" Pinilit kong maging mahinahon sa kabila ng nararamdaman kong sakit. Kaya lang, hindi siya sumagot nanatili lang siyang tumitig sa akin at paminsan-minsang sumulyap kay Vincent na naghihintay pa rin sa akin. Tinulak ko siya palayo sa akin. Ngayon ay malayo na ang agwat namin sa isa't-isa. Agwat na katulad ng ilang taon na paghihintay na gustuhin niya. Matapos ko siyang itulak ay tumingin naman ako sa entrance ng condo, hoping na maintindihan niya kung ako ang gusto kong ipahiwatig. Pero wala, hindi siya nagsasalita o gumalaw man lang. "Sir, sige na po, bumalik ka na sa condo." Pinilit kong ngumiti habang nagsasalita—ngiting may nakatagong pait. "Hindi mo na po dapat ako sinundan, sir. Baka magalit pa lalo si Ms. Althea.” Hindi pa rin siya sumagot. Hindi ko na alam ko mabasa ang laman ng utak niya. Parang siya tuod na nakatayo sa harap ko bitbit ang payong na in-offer niya sa akin na hindi ko tinanggap. “Sige na, bumalik ka na.” Taboy ko pa sa kanya. “Baka kung magtagal ka pa rito, lalala lang ang away niyo." Totoong concern ako. Ayaw kong mag-away pa sila at ako ang dahilan. Hindi baling magdusa ako. Kaya ko namang tiisin ang sakit. Huhupa din 'to. 'Wag lang magulo ang buhay ko. Bahagyang umawang ang labi niya, akmang magsasalita, pero nanatiling tumahimik, hindi yata alam kung ano ang sasabihin. For that, nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko, hindi lang sa puso ko, pati na rin ng ulo ko na parang mabibiyak na. Ano ba kasi ang gusto niya? Bakit niya pa ako sinundan? Ano ang gusto niyang gawin? Bakit parang hirap na hirap siya?” "Ang labo mo, sir," dismaya kong sabi at tatalikod na sana, pero hinawakan na naman niya ang braso ko na agad ko ko namang binawi. “Ihahatid na kita—” 'Yon lang pala ang gusto niyang sabihin, pinatagal pa. Napangiti ako—ngiting pilit at may halong inis. “Hindi na po kailangan, sir.” Nilingon ko si Vincent may sundo na ako. Kaagad namang lumabas si Vincent sa kotse, at patakbo na lumapit sa akin at pinayungan ako. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko napansin na basang-basa na pala ako. "Basang-basa ka na tuloy," sabi ni Vincent sabay ang paghapit sa baywang ko na parang pinu-protektahan, hindi ko alam kung sa ulan, o kay Sir Onse na lalong sumama ang timpla. Kumunot ang noo at humigpit ang paghawak sa payong na hawak niya, habang ang mga mata ay nakatutok sa kamay ni Vincent na maharang humaplos-haplos sa baywang ko. I knew what he was thinking. Binabastos ako ni Vincent sa ginagawa nito. Kaya galit siya. Kaya tumiim ang panga niya. Sa ilang buwan na lagi kaming magkasama, ramdam ko naman na concern din siya sa akin. Best friend ko nga kasi ang kapatid niya, kaya parang kapatid na rin ang tingin niya sa akin. Which is, ipinagpapasalamat ko ng sobrang. Dati kasi, ang tingin niya sa akin, is just an annoying girl who had shamelessly flaunted my feelings for him for years. Parang tanga na umaasa at naghihintay na magustuhan niya ako. "Sino siya?" Ako ang tinatanong niya, pero ang matalim na tingin ay na kay Vincent naman. Hindi naman nagpatinag si Vincent na nakuha pa akong ngitian, at saka binalik ang tingin kay Sir Onse. "Manliligaw po ako ni Daisy," sagot nito sa boses na puno ng kumpyansa. "Don’t worry, I’ll take care of her, sir. You don’t have to concern yourself with her safety." Napalingon naman ako kay Vincent. Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit ako sa sinabi niya, pero totoo ang sinasabi niya, manliligaw ko nga siya. Hindi ko lang pinapansin. At ewan kung anong pumasok sa utak niya na pakiramdam ko ay ginagalit niya si Sir Onse. Parang hinahamon niya. Lalong namang nag-iba ang timpla no Sir Onse. Nagsalubong na ang kilay tumiim pa ang panga. Sira din 'to si Sir Onse, kaya ako umasa ng sobra dahil sa ginagawa niyang 'to. Umaastang nagseselos Pinapaasa niya ako. "Sir Onse, okay lang po ako. Hindi mo na kailangan mag-alala," mahinahon ko pa ring sabi. " Kung ang inaalala mo ay ang nangyari kanina, 'wag mo na isipin 'yon. Naiintindihan ko po." Imbes na sumagot, tumiim na naman ang panga niya na mapait ko namang ikinangiti. "Sir Onse, ako na po ang bahala kay, Daisy," sabi ni Vincent na lalong humigpit ang pagyakap sa bawyang ko. "I can take care of her," dagdag nito, pero ang tingin ay nasa akin na naman. Gumalaw ang mga insekto ko tiyan, hindi dahil kinilig ako, kung dahil hindi ko na gusto ang tagpong 'to. Ramdam ko na tension. Ramdam na ang inis ni Sir Onse kay Vincent. Tumalbog pa ang puso ko nang lumapit sa amin si Sir Onse, hinawakan na naman ang braso ko. "Come with me." Bakas sa boses nito ang galit. "If you want to go home, ako ang maghahatid sa’yo. Not him." Akmang hihilahin niya ako palayo kay Vincent, pero natigilan nang hinablot ko ang braso ko, at saka napisil ko ang noo ko. Hindi ko na naitago ang pagkadismaya. Ang kasi niya. What was he trying to do? Protect me from Vincent? O ginagawa niya lang 'to kasi nasanay siya na siya lang ang laging kasama ko, at lahat ng gusto niya ay sinusunod ko. "Sir Onse, hindi mo na nga po ako kailangan ihatid. "Bumalik ka na kay Ms. Althea. Relasyon n’yo po ang ayusin mo. Siya dapat ang kinakausap mo, hindi ako." Ayon at hindi na nga napigil ang sarili at inilabas ko na ang inis. Ang kulit 'e! Nanliit naman ang mga mata niya. Ngayon ka nga lang siya sinagot-sagot ng ganito. Ang bait-bait ko sa kanya. Ang gentle ko, lagi ko siyang pinapatawa, at pinapasaya, sinisiguro kong wala siyang makikitang kapintasan kapag kasama niya ako. Pero ngayon, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Dahil yata sa sakit, kaya nagawa kong sagot-sagutin siya at itaboy papunta kay Althea. For years, I had hoped that maybe, he’d see me differently. Maybe he’d realize that the girl who always stood by his side was the one he needed. But life had other plans, and I had learned that sometimes love wasn’t enough to change a person’s heart. "Daisy, gabi na. Baka..." Pinigil ko ang pagsasalita niya, paulit-ulit akong umiling. "Sir Onse naman ‘e! Ayaw ko po ng gulo. Kapag hinatid mo ako, lalo lang mag-iisip ng masama si Ms. Althea. Alam mo naman kung gaano siya kagalit, 'di ba? Kaya ‘wag na matigas ang ulo. Ang sakit na ng sinabi niya kanina, ‘ayaw kong madagdagan pa 'yon." Kahit anong pigil ko, pumiyok pa rin ang boses ko. "Bumalik ka na, siguradong hinihintay ka na no'n," dagdag ko, sabay lingon kay Vincent na nanatiling nakahawak sa baywang ko. "Kasama ko naman si Vincent, 'wag kang mag-alala. Mabait siya." Vincent gently squeezed my waist. Nagustuhan yata ang sinabi kong mabait siya. Totoo namang mabait siya. "Let’s go, Daisy. Ihahatid na kita," malambing nitong sabi, pero ang tingin ay na kay Onse, na akmang pipigilan kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD