ONSE Nang matanggap ko ang tawag mula sa ospital na aksidente si Althea, hindi na ako nagsayang ng oras na puntahan siya. Iniwan ko ang kliyente na ka-meeting ko. Mabuti na lang at naintindihan naman nito ang sitwasyon ko. Nagpaalam ako at nangakong e-reschedule na lang ang aming meeting at pumayag naman siya. Gusto ko na agad makita si Althea. Gusto kung alamin ang lagay niya. Hindi ako mapakali habang papunta sa ospital, utak ko kung ano-ano na ang naiisip na posibleng nangyari. Hindi ko na rin halos mahabol ang hininga ko. Kabadong-kabado ako. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang pag-alala sa kalagayan ni Althea. Dahil nga sa pag-aalala ko, sumakit na ang batok. Nanlamig ang mga kamay ko. Ang sabi kasi ng tumawag ay may sugat sa ulo si Althea, tumama raw ang ulo dahilan kung bakit ito

