Daisy His Remedy 49

1675 Words

Nagising ako na mag-isa lang sa kwarto, at ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng bahay ang naririnig ko. Mapait akong napangiti. Iniwan na lang kasi ako basta ni Daisy. Hindi man lang sinagot ang sinabi ko sa kanya. Kaya itinulog ko na lang ang sakit sa loob. Ang saklap. Bagong kasal nga ako, pero heto, mag-isa at iniwan naman ng asawa ko. Mas masakit pa sa mga sugat at pasa na natamo ko ang pagiging indifferent niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi ang magtiis at maghintay hanggang sa matanggap niya ako. “Kuya, gising ka na?” mapait na ngiti ang sagot ko sa kapatid ko. Bumangon ako at sumandal sa headboard. Umupo naman si Charmaine sa tabi ko. “Inumin mo ‘to, Kuya.” Binigay niya sa akin ang gamot at tubig na tinanggap ko naman agad. “Si Daisy?” tanong ko matapos ininum ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD