Halos paliparin ng dalaga ang dala niyang sasakyan makarating lang sa MSA HQ. Hindi na niya alintana ang mga kasabayang sasakyan dahil sa sobrang pagmamadali at halos literal na lumipad na iyon dahil sa sobrang pagmamadali niya. She must have gone crazy driving like that, but she doesn't care anymore. She gripped the steering wheel so hard and she steeped on the accelerator without realizing her current speed. Sh*t! Sh*t! Hindi na niya napigilang magmura ng maalala si Kent. Kanina lang ay halos isumpa niya ang binata ngunit ngayong nalaman niyang hawak ito ng mag-amang Pineda ay hindi na siya mapakali. Pakiramdam niya ay makakapatay siya ng mga oras na iyon. Hindi na rin niya namalayan na nakarating na pala siya sa HQ ng hindi niya namamalayan. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at

