bc

Kent Nathaniel

book_age16+
10.9K
FOLLOW
50.2K
READ
possessive
pregnant
kickass heroine
versatile
drama
sweet
bxg
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

(COMPLETED)

(R18)

"Tell me the truth! Bakit nandito ka pa rin sa tabi ko kahit harapharapan na kitang niloloko?Tell me,damn it!" Nanatiling tikom ang labi ng dalaga kahit ramdam niya ang marahas na paghawak ni Kent sa kanyang mga braso.

KENT NATHANIEL GUEVARA, owner of his own chains of bars and resto all over the Philippines. Considered as one of the most sought after bachelor of his generation. Matangkad, gwapo at cleaned-cut.There are lots of rumors that he has a gender preference but the hell he care about it. Later didn't they know how he strained and preserved himself for the woman who'd been hunting him for a couple of years already. Paano nga ba niya hahanapin ang dalaga kung maski pangalan nito ay hindi niya alam?

"Even if it pained me seeing you with another woman, kakayanin ko. I'll endure everything, maging ligtas ka lang. That's all I can do for you." Nanatiling bulong ang mga katagang iyon na tanging siya lang ang nakakarinig.-JESSICA

Stubborn and asshole as he was, Kent wouldn't want her to let go.Sa kanya lang si Jessica.

She's doomed...

Her mission must be done well...and then maybe,theres a chance for them to be together.

chap-preview
Free preview
Chapter One
 Ilang beses nang napatingin si Kent sa kanyang relo. Pasado alas singko na at alam niyang anumang oras ay lalabas na ng unibersidad si Jessica. Kahapon niya lang natanggap ang full report ng kanyang private investigator na inupahan para hanapin ang dalaga. Ilang taon din ang ginugol nito bago nahanap ang dalaga. Malaki na rin ang kanyang nagagastos mahanap lang ito. But money for him was not an issue. Handa siyang gumastos kahit magkano para makita lang ulit ang maganda nitong mukha. Mukha tuloy siyang stalker at animo isang binatilyo na walang lakas ng loob humarap sa dalagang napupusuan. Nakita niyang naglalakad ang dalaga papunta sa parking space ng school at nagulat siya sa klase ng sasakyan nito.        "Really?A ducati?" bulalas niya sa sarili. Manghang-mangha siya ng sumakay ang dalaga sa motor nito. She puts on the helmet and all her protective gear. She looks very hot in there. Maski ang ibang kalalakihan ay napapalingon dito. The woman was stunning even with her simple attire. Pakiramdam niya, lalo niyang nagugustuhan ang dalaga pati na rin ang motor nito. He also had that thing on his garage.  He watch her as she maneuvered his bike away from school. Sinundan niya ito. Sana lang ay hindi mapansin nito ang ginagawa niyang pagsunod. Kakaibang kaligayahan ang kanyang nararamdaman niya ngayon. Hindi na siya makapaghihintay ng isang araw pa ngunit kailangan niyang pigilin ang sarili at baka matakot ang dalaga kapag bigla nalang niya itong lalapitan. Habang sinusundan niya ang sasakyan nito, hindi niya mapigilan ang humanga sa dalaga. Na-amaze at proud siya na nakamotor ito. Isang malaking turn on sa kanya iyon. Pakiramdam niya, proud boyfriend siya nito. Lihim siyang napangiti sa kaisipan na sila na officially ng dalaga.  Nakita niya na huminto ito sa tapat ng isang malaking bahay. Napakunot-noo siya? Gano'n ito kayaman? Bumaba ito sa sasakyan nito at lumapit sa may gate. Shock was on his face.        "F*ck?Ganun kayaman ang dalaga at nakafingerprint scanner pa ang bahay nito? Ang hirap umakyat ng ligaw dito," naiiling niyang bulong sa sarili.  Pumasok ng gate ang dalaga ng bumukas ito. Agad siyang nanlumo ng hindi na niya ito makita. Mukhang mahihirapan siya na makapasok sa buhay nito ng hindi ito naghihinala. Base nga lang sa obserbasyon niya kanina, parang ilang at malayo sa ibang tao ang dalaga. Kailangan niya ng magandang plano upang mapalapit sa dalaga ng hindi man lang ito naghihinala. A playful smirk was on his face.         "Now that I found you woman, you can't get rid of me. I'll do everthing for you. No matter what it takes." Desidido niyang sabi sa sarili.  Agad siyang bumalik sa kanyang opisina. Kailangan niyang ayusin ang mga dapat ayusin doon upang mapagtuunan ang kanyang mga plano tungkol sa dalaga.  Agad na dumiretso si Jessica sa kanyang library. Someone has been tailing her from school. Wala man siyang nakitang kahina-hinala ngunit alam niyang may sumusunod sa kanya. Kailangan niyang malaman kung sino iyon. Hindi siya dapat magpakakampante. Nasa paligid lang ang mga kalaban at anumang oras ay handang makipag-giyera. Isa sa bookshelve sa library ang susi upang makapunta sa secret room na tanging siya lang ang nakakaalam. Siya din ang nag-design noon. Pagkatulak niya sa isang bookshelve, makikita ang isang pintuan. Nahantad ang isang hagdanan papunta sa isang basement. Kusang bumalik sa dati ang bookshelve nang makalampas siya rito. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa may bandang kanan niya at biglang nagliwanag ang buong paligid. Sa loob noon ay makikita mo ang iba't ibang makabagong teknolohiya. Bawat kagamitan at kasangkapan ay state of the art ang quality. Nakaroon ang iba't ibang laki ng computer screen at magkakakonekta ang mga ito. Alam niya ang pasikot-sikot at gagawin doon. She can have all the information she wants with just her typing skills. She can dig deeper without going anywhere. She pressed a key at isa-isang umilaw ang mga screen. Bawat isa ay sinuri kung saan nakatutok ang kanyang mga camera.Napasinghap siya ng may mahagip ang ang camera niya ngunit dahil medyo malayo na iyon at kakaunting liwanag meron doon, malabo na ang reception ng isang sasakyan doon. Kahit naka-zoom na, hindi pa rin matukoy kung sino iyon. Pati plate number noon ay hindi rin nakuhanan.Ngunit batid niyang isa itong lalake batay na din sa pigura nito.     Sino ang taong iyon? Kasama ba ito sa iniimbestigahan niya ngayon. Kalaban ba niya ito o kasamahan sa agency? Ngunit alam niyang hindi niya ito kasamahan. Kailangan niyang malaman kung sino ito. Isang buton ang kanyang pinindot at namatay lahat ng mga computer at agad na lumabas doon. Napangiti siya habang naglalakad papunta sa isang kwarto kung saan naroon ang kanyang mga laruan. Naroon ang collection niya ng iba't ibang klase ng mga baril at mga kutsilyo. Maraming taon din ng pagsasanay ang ginugol niya maging eksperto lang sa paggamit ng mga iyon. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat isa noon bago nagpasyang lumabas at magtungo sa kusina. Nagsimula na kasing mag-alburuto ang kanyang tiyan. Tinatamad na siyang magluto kaya pinagtiyagaan nalang niya 'yong pizza na nasa ref. Ininit muna niya iyon bago kumuha ng fresh milk tsaka nagpunta sa sala at doon nagpasyang kumain.  Hindi niya maiwasang makaramdam ng kalungkutan habang kumakain. Malaki nga ang kanyang bahay ngunit mag-isa lang naman siya. Nakakapagod din minsan ang kanyang mga ginagawa. Masaya naman siya kaya lang naroon ang kahungkagan sa kanyang buhay. Para saan naman ang lahat ng meron siya kung wala naman siyang kasama. Gusto rin naman niya ng may nag-aalaga at nag-aasikaso sa kanya. Kaya lang ay natatakot siyang pumasok sa isang relasyon sa uri ng mundong ginagalawan niya. Tuluyan na siyang nawalan ng gana sa pagkain. Napabuntunghininga nalang siya ng malalim. Napagpasyahan niyang lumabas na lang tutal wala naman siyang pakialam kung sino iyong sumusunod sa kanya kanina. Hindi naman siya natatakot kung sino man iyon. She was born ready as a woman and as a fighter. Naligo lang siya at nagpalit ng damit bago lumabas ng bahay. Naalala niya ang isang bar na nadaan niya before. It's not just an ordinary bar,meron itong live band jamming. It also serves a variety of foods, perfect for couple who are dating. She had checked it's background at pambihira ang rating na natatanggap nito mula sa mga tao. Marami ng tao sa loob ng bar ng makarating siya as expected from a highly recommended resto bar. Maganda ang naisip na concept ng may-ari. Napaka-cozy at maaliwalas ang loob kahit pa madaming tao.  She made her way to the counter. Napapalingon ang mga lalake ng dumaan siya sa gitna. Bakit hindi?Napagpasyahan niyang mag-ayos ng gabing iyon, mapagbigyan naman ang kanyang sarili paminsan-minsan. Ang madalas na nakalugay niyang buhok ay kinulot-kulot niya ngayon habang ang kanyang salamin ay tinanggal niya muna at nagsuot na lang ng contact lens. Nag-apply din siya ng make-up making her looked more beautiful. Hindi niya masisisi ang mga ito kung mahumaling man sa kanya.      "Isang tequila please," sabi niya sa bartender. Saglit itong natigilan ngunit agad din namang tumalima sa kanyang sinabi. Nakakatatlong shot pa lamang siya nang maramdaman niyang may tumabi sa kanyang inuupuan. Hindi na sana niya ito papansinin kung hindi lang siya sinisiksik nito nang pilit. Unang tingin palang niya rito ay mukhang m******s na. Pinigil niya ang sarili na magalit, ayaw niya ng gulo. Akma na siyang tatayo ng pigilan siya nito habang hawak ang kanyang pupulsuhan.             "Sandali lang naman, Ms. Maganda. Hindi pa tayo nagkakakilala eh."  Amoy niya ang alak sa hininga nito.             "Get your filthy hands off of me!" nanggigigil niyang sabi dito.             "Taray naman ni ganda. Alam ko naman na ang mga katulad mo ay hindi na virgin kaya huwag kang magmalinis." Nakakaloko ang ngisi nito habang unti-unting lumalapit sa kanya. Sinampal niya ito ng malakas. Mga singhap sa kanyang paligid ang narinig niya ngunit wala na siyang pakialam. The commotion had drawn attention from everybody. Sasampalin na din sana siya ng lalake ng may pumigil dito.             "If the woman say's no, then it's diffinitely a no!" Firmness and anguish was in his voice. Madilim ang mukha nito subalit mababanaag mo pa rin ang kagwapuhan nito. Takot ang nakita niya sa mata ng m******s na iyon. Sino kaya ang lalakeng ito na tumulong sa kanya at bakit parang takot ito roon? Maski ang lahat ay natahimik ng magsalita ito. Authority was in him at nag-uumapaw iyon. Bumaling ito sa kanya, "Are you okey, princess?"             "Oh my gosh! Bakit ang sexy ng boses nito?" sa isip niya She couldn't deny the fact that the man in front of him is damn good looking. Ayaw man niyang aminin pero apektado siya sa presensiya nito lalo na ng matiim siyang titigan nito. Those eyes that stares at her as if she was his prey, adds mystery to the man.     Nakadama ng pagkamangha si Jess ng maramdaman ang paggapang ng init sa kanyang mukha ng kindatan siya ng lalake.     The nerve!    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.0K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
633.1K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook