Chapter Two

2034 Words
Kanina pa hindi mapakali si Kent sa kanyang opisina. Madami siyang kailangang gawin pero heto siya at nakatunganga sa kawalan. Dapat ay kanina pa niya tapos basahin at pag-aralan ang mga papeles na nasa kanyang harapan pero hindi niya magawa. Paulit ulit na umuukilkil sa kanyang imahinasyon ang babaeng ilan taon ding nagpagulo ng kanyang isipan. Kanina pa niya hawak ang mga domumento tungkol sa dalaga at wala namang kakaiba tungkol dito. Bukod sa mayaman ito dahil sa kayamanang iniwan ng mga magulang nito, wala na itong ibang kasama sa buhay buhat ng ma-ambush ang mga magulang nito dalawang taon na ang nakakalipas. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga dahil sa sinapit nito. Kaya siguro naging aloof ito pagdating sa ibang tao. Padarag na tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at bahagyang hinilot ang sentido niya. Isa pang nakadagdag sa isipin niya ay ang pagtawag ng kanyang bunsong kapatid. Hindi basta-bastang tumatawag ang kapatid niyang iyon kung hindi ito nag-aalala. Wala man itong binanggit na kung anong kahinahinala, alam niya ang likaw ng bituka nito. Kunwari pang nakikibalita tungkol sa kasal ni Ethan. Hindi siya maloloko nito. He maybe weak when it comes to hand in hand combat, but he's smart enough para makagawa ng paraan at malaman niya kung ano ang ikinababahala nito. Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha at nagpasyang lumabas na-lang ng kanyang opisina. Titingnan na lang niya kung ano ang nangyayari sa labas. Agad niyang nilibot ng tingin ang loob ng bar. As usual, madami na naman itong customers at hindi magkamayaw ang lahat. Different people from different aspects of life. Each are known in their chosen fields. Kaya mahal ang bayad ng entrance ng bawat isa doon dahil  ang kini-cater nila ay ang mga taong nasa upper class lang. Hindi sa binababa niya ang hindi gaanong maka-afford sa kanyang bar. 'Yon lang talaga ang pamantayan niya. Meron din naman siyang mga bars na all walk's of life ay welcome pwera lang itong nasa Quezon City. Kadalasan kasi ay kilala niya lahat ang nagpupunta roon. It's either mga business associates nila ng pamilya o mga kaibigan. Tumuon ang pansin niya sa isang babaeng nakaupo sa may counter. Mukhang pamilyar ito ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Nakakahalina ang ganda nito at pakiramdam niya matagal na niya itong kilala. Nakasuot ito ng isang knee length dress na humakab sa magandang hubog nito. Buti nalang at simple lang ang make up nito. Higit sa lahat, ayaw niya sa babaeng makapal ang kolorete sa mukha. Nag-isang linya ang kanyang kilay ng mapansin ang isang lalake sa tabi nito. Aninag niya ang hayok nitong tingin sa dalaga. Kung paano magtaas baba at hagurin ng tingin nito ang katawan ng dalaga. Lalong nag-init ang kanyang ulo ng mapansin niyang bahagyang ikiniskis ng lalake ang braso nito sa tagiliran ng dalaga. Napasinghap siya ng bigla itong sampalin ng dalaga. Inilang hakbang niya lang papunta sa mga ito. Ayaw niyang lumikha ng gulo at issue ang mga ito. Napatda siya sa kanyang kinatatayuan ng lumingon ang dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang lahat ng nasa paligid niya ng masilayan ng malapitan ang mukha nito. Those captivating eyes...those luscious lips and that beautiful face. Hinding hindi niya makakalimutan iyon kahit pa mag-iba ang bihis at anyo nito. Ilang taon ding ginulo nito ang kanyang puso at diwa. Hinawakan niya ng mariin ang lalake sa balikat. Napalingon ito sa kanya at nakita niya ang pag-iiba ng anyo nito. Naroon ang takot sa mga mata nito ng makilala siya.             "When a woman says no, it's definitely a no!" untag niya sa lalake. Kaagad namang tumango ito, animo isang maamong tupa. Sinenyasan niya ang isa sa mga security officer niya at kaagad itong lumapit at inakay ang lalake palabas ng bar. Bumaling siya sa dalaga kapagkuwan. "Are you okey, princess? Hindi pa rin makapaniwala ang binata sa kanyang nakikita. Ang babaeng matagal ng niyang hinahanap ay nasa kanyang harapan na. Ibig sabihin noon, iisang hangin na ang kanilang nilalanghap.  Shit! Para akong timang!  sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras dahil sa kapraningan ng kanyang utak.         "May nakakatawa ba, Mister? Besides, why did you call me princess? I don't even know you," tanong sa kanya ng dalaga. Bahagya pang nakataas ang isang kilay kaya nagmukha itong mataray. Tumikhim muna ang binata bago nagsalita. "Oh I'm so sorry if i offended you in any way. It wasn't my intention. Ako nga pala si Kent. Kent Guevara... " Inilahad niya ang kamay sa dalaga. Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga bago nagkibit balikat. She eyed him from head to toe. "I'm Jessica..." Kent Nathaniel Guevarra.....Piping sigaw ng isip niya.             "Nice to meet you, Jess. Sorry nga pala sa nangyari kanina. I'll make sure na hindi na mangyayari ulit ang ganong eksena dito sa loob." Kent narrowed his eyes on the woman infront of her. Mukhang hindi na siya mahihirapan na mapalapit sa dalaga. Tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkakilala sila ng personal. "Mag-isa ka lang ba? Pinakatitigan ni Jessica ang binata sa kanyang harapan. Alam niyang hindi ito masamang tao. Hindi naman masama na pagbigyan niya paminsan-minsan ang sarili. The man infront of her is undeniably handsome. Nag-uumapaw ang s*x appeal nito. Ngunit ang nakaagaw ng pansin sa kanya ay ang mga mata nito. Tagos kung makatingin sa kanya. Samut-sari ang emosyon doon. Nakakapangilabot ang titig nito sa kanya. Animo matagal na siyang kakilala.  Bakit may pagbabadya ng panganib sa mga mata nito? Pero bakit imbes na matakot siya, anticipation and excitement runs all over her?         "Mag-isa ka lang ba? Is it okey if I give you company?" untag ng binata.         "Sure, thank you," sagot ng dalaga. Inilibot niya ang paningin sa loob. "Nice...you drink a lot?" Napangiti ang lalake. "Yeah, but not too much. I had to make sure everything's alright here. Ayoko ng magulo." Nilingon nito ang waiter sabay sabing, "Margarita for this beautiful lady, please."         "Thank you...so, you own this?" Kunwari ay hindi niya alam na ito ang may-ari.         "Yeah...so, what do you do? I mean working or still studying?"         "Still studying.." Hindi niya akalain na matagal na pala silang nag-uusap ng binata. Kent was fun to talk with. She ended up enjoying their conversation about random things. Hindi na niya napansin na napadami na pala ang inom niya. Napakapit siya bigla sa braso nito ng bahagyang umikot ang kanyang paningin. Tinamaan na siya.             "Excuse me, I need to go to the ladies' room," paalam niya.             "Whoa!" Maagap na inalalayan siya ng binata ng maging mabuhay ang lakad niya. "I think I need to accompany you to the ladies room. Napagikhik ang dalaga. "Flirt!...style mo, bulok! And besides, kaya ko pa ang sarili ko." Pagdating niya sa banyo ay bahagya niyang binasa ang mukha para mahimasmasan. Inayos niya ang nakalugay niyang buhok at ang suot niyang dress. Nang masiyahan sa itsura ay saka lumabas. Wala na siyang balak bumalik sa loob kaya dumiretso na siya sa labas upang mag-abang ng taksi. Hindi naman siya natatakot na sumakay doon. Alam niya kung ano ang kakayahan niya. She had done much more than just by riding on a taxi. Feared that they might do something bad is the last thing on her mind at that time. She'd been in a much worse situation.A situation you would wish you haven't been. Marahas siyang huminga ng ilang minuto na siyang nakatayo roon ay wala pa ring dumaraang taxi. She was about to call someone when a car stopped in front of her. Kumunot ang kanyang noo.Who could this be?" Nasagot ang kanyang tanong bumukas ang pintuan ng kotse at iniluwa noon si Kent. Salubong ang kilay nito. "Bakit hindi mo sinabing uuwi ka na?" She was taken abacked by his sudden question. "Bakit? Kailangan ba na magpaalam ako sa'yo?" Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita ng malumanay, "I was worried about you.Alam ko na marami ka ng nainom."         "You don't have to. Kaya ko ang sarili ko." Katwiran niya rito.         "Alam kong bago lang tayong magkakilala pero nag-aalala talaga ako sayo. Baka kung mapaano ka sa daan. I'd like to take you home it that's okey with you." mabilis na paliwanag ng binata.         "But...."         "Stop it, Jessica! Besides walang gaanong dumadaan na taxi sa part na ito kaya mahihirapan kang humanap ng masasakyan." Wala na siyang nagawa kundi pumayag sa suhestiyon ng binata. Inalalayan siya nitong makasakay bago ito pumasok at umupo sa driver's side. He turned the engine on and slowly he maneuvered the car. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. There's an awkward silence in between them.         "Where to?" tanong ng binata.         "Huh?...Tumikhim siya.Bakit naman bigla bigla ay naging dry ang kanyang lalamunan. She made her expression blank. Sinabi niya rito kung saan siya nakatira pagkatapos ay hindi na ito kinibo. Nanatili siyang nakatingin sa labas at sa mga nadaraanan nila. Isang mahabang katahimikan ang pumuno sa kanilang biyahe. Nahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay marating nila ang bahay niya. Akmang lalabas na siya ng sasakyan ng unahan siya ng binata. Kaagad na lumabas ito at pinagbuksan siya ng pintuan. Lumingon siya dito bago niya binuksan ang date. "Do you want something to drink?" Nagulat marahil ito sa tanong niya. Nagtataka siguro ito kung bakit magpapatuloy siya sa kanyang bahay ng isang lalake na bago pa lamang niyang nakikilala. Pero wala aiyang pakialam kung anong iisipin nito. Nakahinga siya ng maluwag ng magsalita ito. "Coffee, please...black." Iginiya niya ang binata papasok ng bahay niya. Pinaupo niya ito sa sala bago dumiretso ng kusina. Coffee was already brewing in the coffee maker kaya madali na siyang nakapaghanda ng kape. Dinala niya ito sa naghihintay na binata sa sala. Hindi niya mawari kung ano ang tumatakbo sa utak ng binata habang papalapit siya dito. She's good in reading emotions pero hindi niya mabasa ang sa binata.Hindi niya mapangalanan ang emosyon sa mga mata nito.         "Living alone?" tanong ng binata habang marahang sumisipsip ng kape.         "Yeah...tatlong taon na." May bahagyang pait sa kanyang tinig. She tried to suppress the hurt. Ayaw niyang pag-usapan ang parteng iyon ng buhay niya. Marahil ay naramdaman ng binata ang hindi niya pagiging komportable sa usaping iyon kaya hindi na ito nagtanong pa. Kung anu ano lang din ang napagkwentuhan nila ng binata bago ito nagpaalam na aalis na. Inihatid niya ito sa may gate. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Thank you for the coffee... "         "No, I should be the one thanking you. Sa paghahatid at pasensya na sa abala." He just waved his hand in the air bago umikot papunta sa driver's side .He smiled and winked at her before leaving.             Flirt. Sa isip ng dalaga. Kaagad niyang kinuha ang susi ng kanyang motor bago sumakay roon at pinaharurot. She had to make sure na maayos na makakauwi ang binata. Kaagad niyang nakita ang sasakyan ng binata. Umagapay lang siya sa takbo nito upang hindi ito makahalata. Bumalik muna ito ng bar. May isang oras din ito doon bago niya nakita na umalis uli ito. Pauwi na sa condo nito ang daang tinatahak nito. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag ng makitang nakarating ito ng maayos. Nang makita na wala namang kahinahinala sa paligid, nagpaaya siyang umalis na. Buti na lang at katatapos lang ng finals nila, wala siyang pasok kinabukasan kaya pwedeng tanghali na siyang gumising. Tinawagan na lang niya si Hunter, upang bantayan si Kent ngayong gabi.         "Morphin, marami ka ng utang sa akin. Mahal pa naman ako maningil," bulong niya. Kung hindi lang talaga nakiusap ang taong ito, hinding hindi niya hahawakan ang kaso ni Kent..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD