Parang tuod si Kent habang nakatanaw sa papalayong dalaga. He couldn't get to her because of his current situation. Animo linta kung makalingkis si Scarlet sa kanya na sa totoo lang ay kanina pa niya gustong baklasin ang mga kamay nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil sa sobrang galit at pagkainis. Nasaktan na naman niya ang dalaga. Damn it! Ngunit naroon ang pagtataka sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay sinusundan siya ng dalaga. Bakit kung nasaan siya ay nagkakataon na naroon din ito. Besides, pakiramdam niya may ibang katauhan ang dalaga. Base sa pagkakakilala niya rito, malambing at mahinahon ang dalaga ngunit iba naman ang nakita niya rito ng magkaharap ang dalawa ni Scarlet. Looks like she could take Scarlet and her men in an instant at that time. She was freaking hot like a l

