Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at pakiramdam niya napakatagal na niyang nakahiga sa kamang iyon. Pinakiramdaman niya ang buong katawan niya. Nanghihina siya at hindi niya halos maigalaw ang buong katawan. Marahang inilibot ng kanyang mga mata ang kabuuan ng silid na kanyang kinaroroonan at napagtanto niya kung nasaan siya. Napatingin siya ng marinig niyang bumukas ang pinto. Iniluwa doon ang isang kaibigan kasunod nito si Hunter na sambakol ang mukha. Nakangiting lumapit ito sa kanya. Sinuri nito ang kanyang mga vital signs at mukhang magiging okey na siya base sa itsura ng mukha nito. "Kung magtutuloy-tuloy ang paggaling mo, maaari ka nang ma-discharge the day after tomorrow." Nakangiti ang doktora sa kanya ng sabihin iyon subalit nagbago ang itsura nito ng malingunan

