Mahigpit ang kapit ng dalaga sa manibela ng minamaneho niyang sasakyan. Literal na halos lumipad na iyon sa sobrang bilis niyang magmaneho. Kung hindi lamang sa pakiusap na isang kaibigan, nungkang gawin niya ang magtrabaho ulit sa labas. She missed her son already. And of course, her husband. Hindi rin siya mapakali dahil magmula ng malaman ng asawa ang klase ng trabaho na meron siya, naging involve na ito. And it irritates her sometimes. Masyadong seloso at possessive. "Itikom mo 'yang bibig mo, Kent! I'll swear to God na kapag hindi ka pa tumigil diyan, hahalikan ko ang unang lalakeng makakasalubong ko pagkababa ko!" yamot niyang sabi sa asawa na kasalukuyang naghuhuramentado sa kabilang linya. Hindi na niya ito hinintay na sumagot at pinatay na ang linyang nagkokonekta sa

