ALAS dose ng hatinggabi ay pareho nang tulog ang dalawa. Ang himbing ng kanilang tulog. Alas diyes naman ng umaga nang unang magising si Aljur kay Delaney. Pinagmasdan niya ang kanilang posisyon. Napagtanto niyang pareho silang nakatagilid ng higa ngunit nakaharap sa isa't isa habang nasa bandang baywang ni Delaney ang kaniyang kamay. Namalayan niya ang sarili na nakangiti sa ganoong posisyon. Hindi niya lubos mapaniwalaan kung totoo nga ba ang nangyari na katabi niya itong natulog sa napakahabang oras. Nakilala pa niya ito nang tuluyan kagabi at ganoon din ang dalaga sa kaniya. "We look like a married couple. Sana ganito tayo lagi, Delaney," sabi niya sa isip. Dahil sa nagustuhan niya ang posisyon nilang dalawa, mas nilapit pa niya ang sarili rito. At labag man sa loob niyang haplusin a

