LUMITAW sa harapan ni Delaney ang hindi inaasahang tao kaya labis siyang nagulantang. "Hi, Ate!" nakangiting bati ng kapatid ni Aljur. "Sabi ko nga ba, eh. Ito nga 'yong apartment mo." Napahagikhik ito. Narinig naman ng binata sa kusina ang boses ng kapatid kaya dali-dali nitong kinuha ang suit jacket, necktie at iba pang bakas na makapagsabing narito ito sa apartment ni Delaney. Napasulyap naman si Delaney kay Aljur at sinenyasan siya nitong huwag papasukin ang kapatid at magtatago rin ito. Kita niyang pumasok ang lalaki sa kaniyang silid. Humarap siyang muli kay Madel at pilit na ngumiti. "H-hello, Madel. Ano'ng ginagawa mo rito?" kabadong tanong niya. Sumilip pa ito sa loob mula sa awang ng pinto at tila hinahanap ng mga mata nito ang isang tao. "Nand'yan ba si Kuya sa loob, Ate?"

