Aligaga ako nang mas titigan ko pa siya sa kaniyang mga mata. I can see pain, love, wrath, and worry all at once. Gustuhin ko mang galit lang ang makita sa kaniya, wala ng kapigil-pigil pa kung mismong tingin na niya ang nagmamakaawa. Bakit ganito siya bigla? “Cap! Tawag ka!” sigaw ng isang senior mula sa huddle. Kusa akong lumingon doon at nakita silang lahat na nakatingin sa amin ngayon. Iyong iba ay kuryoso ngunit mas marami ang tila nagmamadali sa pagbalik ni Kahlil. Nang bumaling muli ako kay Kahlil, nananatili pa rin ang tingin niya sa akin. “Mamaya na tayo mag-usap. Mag-focus ka muna sa traning,” sabi ko sa kaniya gamit ang malamig na boses. Wala itong kaemo-emosyon dahil ayaw kong mahinuha niyang may pakialam pa ako sa relasyon namin. Pero may pakialam ako, na gusto k

