Malinaw pa rin sa ala-ala ko kung paano ko siya iniwan sa court. Hinding hindi ko malilimot kung paano ko pinanindigan ang kasinungalingan ko para lang lumayo na ang loob niya sa akin. Patago kong dinamdam ang lahat at hindi kailanman pinahalata kina Kuya at Papa. Wala ni kahit sino sa kanila ang nakakaalam sa totoong nararamdaman ko dahil sa gabi ko mas pinipiling umiyak. Isang buwan na ang lumipas matapos kong ideklara na hiwalay na kami. Mula nang araw na iyon, pahirapan sa akin ang umusad dahil sa training. Inabot ng tatlong araw ang absent niya at kamuntikan pang mapalitan ni Mack sa pagka-team captain. Bumalik na lang siya sa ensayo nang hindi na ako pinapansin at tinitingnan gaya dati. Kahit isang buwan pa lang ay sobrang dami ng nangyari. Nanibago ako sa mga pagbabago, lalo

