Gusto ko siyang kausapin mamaya. Nais kong tanungin kung ano ba talaga ang turing niya kay Diana at nang matahimik na ako. Ang hirap naman kasi nito. Ilang beses ko nang isiniksik sa isip ko na dapat ay wala na akong pakialam dito. Ilang beses na ngunit nananatili pa ring palaisipan sa akin, nakukuryoso ako. Sa party na ito, kanina ko pa napansin ang pagiging intimate nilang dalawa sa mesang ito. Ako lang talaga ang tahimik dahil ang tatlo ay nag-uusap tungkol sa game plan nila sa Sabado. Naisin ko mang makisali sa kanilang usapan, batid kong ma-a-out-of-place lang ako. Ano ba kasing alam ko sa basketball? Oo’t lagi ko silang nakikitang maglaro ngunit kakarampot pa lang ang nauunawaan ko sa mga sistema nila. Mula kay Diana, nakisali na ngayon sa tatlo si Kahlil. Sila-silang apat na

