I can sense his disappointment. Wala man siyang sabihin sa akin, nahahalata ko na iyon sa guhit ng kaniyang ekspresyon. Gustong gusto ko na nga siyang umuwi dahil kung ano-ano na ang nasasabi sa kaniya ni Kuya. Pero sa impluwensya na siguro ng mga narinig niya, nanatili siya at uminom pa ng alak. Sa mga sumunod na sandali, hindi ako umalis dito sa sofa. Pinili kong makinig sa usapan nila kahit wala naman akong ambag. Patuloy na nagkomento si Kuya tungkol sa mga nabasa niya sa phone ko habang ako ay walang imik at hindi man lang magawang magpaliwanag. Paano ko ba naman kasi iyon magagawa kung sarado na ang isip niya? He seemed so convinced na may namamagitan na sa amin ni Jen kaya ganoon na ang datingan ng text. Hindi ko mapigilan ang inis ko ngunit hindi ko rin masisisi si Kahlil.

