Nang makapasok kami sa bahay, panay ang tuon ng pansin ko sa kilos at ekspresyon ni Kuya. Hangga’t maaari, nais kong malaman kung may nais ba siyang hulihin sa amin ni Kahlil. Sa tanang buhay ko kasi, batid kong napansin niya na ngayon lang ako halos nagkaroon ng mas malapit na koneksyon dito. Noon, kahit na medyo madalas ito sa bahay dahil sa mga paanyaya ni Papa, ni hindi ako halos lumalabas ng kwarto dahil nahihiya. Iniwan ko silang dalawa sa sala. Tumungo ako sa kusina at sa mismong kwarto ni Papa upang hanapin siya ngunit hindi ko pa rin makita. Medyo nakahinga-hinga ako nang maluwag nang dahil doon. Good thing na si Kuya pa lang ang nakakaalam na ganito ang oras na inabot ko sa labas nang hindi nagpapaalam. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sakaling malaman niya na nakasama ko

