Kahit presko akong nakabalik ng bench, pakiramdam ko ay may hindi pa rin tama. I get the good intention from Jen pero bakit may nararamdaman akong mali? Is it because of the way how she looks? The way how she wiped my sweat? Or the way how she said her words? Pinilit kong kalimutan iyon dahil hangga’t maaari, ayaw kong magpataw ng malisya. Dahil kung makikitaan na sobra akong apektado roon, paano pa kaya iyong makakakita? Umupo ako sa player’s bench hanggang sa matapos ang kanilang laban. Kagaya ng inaasahan, natalo ang team ni Kahlil nang napakalaki ng kalamangan. Nagkakasiyahan sila Mack at mga kasama niya habang ang mga rookie naman at si Kahlil ay tahimik. Gustuhin ko man siyang lapitan ngayon at i-uplift, batid kong hindi niya iyon magugustuhan. Nakasimangot siya habang naglal

