Kahlil is silently driving the car. Kapwa na kami nakabihis at nakalabas ng campus upang tumungo sa bahay na tinitir'han niya. Sinuhestyon ko kasi kanina na mag-date kami o gumala pero siya na ang nagsabi na medyo pagod na siya at kinailangan na magpahinga. But he doesn’t mean that I have to go home too. Nais niyang sumama ako sa kaniya dahil pwede naman daw niyang gastahin ang oras ng pahinga nang kasama ako. Noong una, napaisip ako rito, bahagyang kinabahan. Sumagi kasi kaagad sa isip ko na baka may tao sa kanila at kung anong maaaring isipin sa amin. Nang tanungin ko siya ukol rito, sinabi niyang dalawang kasambahay lang ang kasama niyang naninirahan doon. Iyong mga guardian niya ay nasa Switzerland dahil doon daw naka-base ang mga trabaho nito. “Matagal mo na ba silang hindi na

