Nahirapan akong kumuha ng pagkakataon upang kausapin at lapitan si Diana. Wala kasi sa mood si Papa dahil sa iritasyon niya sa mga performance ng players. Minsan pa, sinubukan kong gamitin ang laptop ko at umusad sa mga school works na dapat sana ay tinatapos ko na sa mga oras na ito. Pero hindi ko rin natagalan dahil sa mga gantong sitwasyon, kinailangan kong mag-focus sa training nila at mag-abang ng mga utos. Kailangang maging alerto dahil kung hindi, abot-abot na naman ang sermon na mapapala ko. Pero sa kabila nito, lihim ko pa ring sinusulyapan si Diana. Minamatyagan ko siya sa bleachers kung saan ay kausap niya sina Eira, Jen, at iba pa nitong kasama sa grupo. Kahit nasa malayo ako, kitang kita sa mga mata niya na hindi siya kumportable sa usapan. Knowing Eira na ex ni Kahlil, ma

