Chapter 02

1328 Words
Mukha akong tanga habang tinatahak ang tahimik na pathway. Panay ang sipa ko sa mumunting mga bato na nakaharang sa sementadong daanan. Makulimlim ang paligid dahil katatapos lang ng isang malakas na ulan. Maaari na ulit magpatuloy ang sino man mula sa matagal na pagsilong. Bitbit ko sa kanan kong kamay ang water jug na katumbas ng dalawang gallon ng tubig ang kayang punan. Nang yumuko ako upang tingnan ito, abot-abot ang kabang namayani sa dibdib ko. Sa halos kalahating oras ko kasing paghihintay upang tumigil ang malakas na bagsak ng ulan, nasisiguro kong trenta minutos na ring naghihintay ang team ni Papa para sa ire-refill kong tubig. Dapat na talaga akong kabahan dahil isang katakot-takot na pamamahiya na naman ang nag-aabang. “K-kuya, pakibilisan po sana…” nanginginig kong pakiusap nang marating ang refilling station. Ngunit sa halip na sundin iyong request ko, isinantabi niya ang water jug na inabot ko. “May pila. Baka naman may balak kang maghintay?” patuya niyang sagot sa akin. Saglit akong pumikit nang mariin dahil lalo lang pala itong magtatagal. “Magkano po ba ang kailangan para unahin po ninyo ‘yong akin?” Umiling siya. “Hindi namin ginagawa iyon. Bawal.” “Pero—” Hindi ko na natuloy iyon dahil pinulot niya ang jug at hinagis sa akin. Nawindang ako ngunit kaagad din namang nasapo. “Sa iba ka magpa-refill kung ‘yan ang gusto mong mangyari. Huwag dito.” “Kuya…” “Alis!” Halos umusok ang ilong ko’t tenga sa inis ngunit kailangan kong magtimpi. Kailangan kong maghanap ng bagong water station dahil aabutan na ako ng dilim kung hihintayin ko pa ang pila. Sa ilang lakad pa, laking tuwa ko nang makahanap ng bago. Sakto at walang pila kaya agaran ang pag-refill ng jug. Habang pinagmamasdan ko ang crew na in-charge dito, hindi ko napigilang mapatitig sa pangangatawan niya. Itinuon ko ang mga mata ko sa matipuno niyang braso kung saan bakat na bakat sa manggas ang malulusog na biceps nito. His hair is almost dishevelled as his face is paired by dark and upturned eyes. Naghurumentado sa kakaibang paraan ang puso ko ngunit hindi ito matatawag na pag-ibig. Ito ay libog. Nagsimula akong makaramdam ng ganito sa kapwa ko lalaki nang tumuntong ako ng sixteen. Noon, malaki lang ang interes ko sa mga pambabaeng kagamitan pero habang tumatanda ako, tumataas din ang lebel ng pithaya ko. Naranasan ko rin naman magkagusto sa isang babae pero madalas ay sa lalaki ako mas nahuhumaling. Sa tuwing makakakita ako ng gwapo, may umaahong init sa sistema ko. Noong una’y nangilabot ako pero katagalan ay unti-unti ring natanggap. Naging tahimik lang ako upang maitago ang tunay na katauhang ito lalo't sa buong angkan ng mga Fabular, walang ipinanganak at lumaking… bakla. Hindi ko masasabing purong bakla ako dahil may pagkakataon din naman na nagkakagusto ako sa babae. Ayon sa mga nababasa ko, bisexual daw ang tamang katawagan dito. Mulat na akong hindi ito maganda sa paningin ng ilang sektor sa lipunan. But who am I to dress this fragile heart? Nadidiktahan ko man ang aking utak pero hindi ko kayang kontrolin ang sigaw ng puso. “Bro, heto. Medyo mabigat lang,” nakangiting sabi sa akin ng crew. Ngumiti ako at binuhat ang water jug na inabot niya. “S-salamat. Balik na lang ulit ako bukas.” “Uh sige, ‘yong bayad mo pala?” “Ay oo nga, wait.” Binaba ko muna saglit ang jug sabay dukot ng pera sa bulsa. Malaki pa sana ang magiging sukli nito pero tinanggihan kong tanggapin. “Keep the change. Bait mo eh.” “Naks! ‘yon oh. Salamat bro.” Tumango-tango ako saka pinulot ang dalawa. Umalis na ako roon nang dala-dala ang masayang ngiti sa labi. Hindi ko na siguro mabilang sa daliri kung pang-ilang lalaki na ‘yong crew sa mga nagustuhan ko. Minsan, pinandidirihan ko ang sarili ko pero ang sarap kasi sa feeling kapag hinahayaan na lang yakapin. Kung patuloy kong kamumuhian ang sarili ko dahil lang nalilibugan ako sa kapwa ko lalaki, sino pa ang tatanggap sa akin? May family has been so hard for me. Hindi lang si Papa, kundi pati na rin si Kuya. Siguro kung buhay lang si Mama, baka siya na lang ang kakampi ko. Kung hindi lang siya na-aksidente noong bata pa ako, baka siya lang ang kayang yumakap sa akin ngayon. Walang nakakaalam ng totoong identidad ko, wala akong pinagsasabihan hanggang sa nagsumbong noon si Kuya kay Papa. Ang basehan? Nahuli ako ng kapatid kong nanonod ng x-rated videos. Natatandaan ko pa nga noon habang nakatutok ako sa laptop ko, literal niyang tinanong kung sinong p-orn actress iyong involved sa palabas. Pero isang katakot-takot na sapak ang inabot ko nang makita niyang lalaki din pala iyong umuulos sa lalaki. I really watched those videos out of curiosity pero hindi ko alam na iyon din pala ang maghahatid sa akin sa sitwasyong kinahaharap ko ngayon. That was a month ago. Isang buwan na ngunit tandang tanda ko pa rin kung paano niya ako pinatakbo sa court at sa mga hurdles nang walang hinto. Anim na oras iyon kaya halos mamatay-matay ako sa hirap. Kung napwersa ko pa siguro ang sarili ko noong araw na iyon, baka tuluyan na talagang sumabog sa pagod ang baga ko. Halos tatlong araw din akong absent dahil tatlong araw din akong na-confine sa hospital. Mabuti na lang daw at hindi napuruhan ang utak ko sa malakas na pagkaka-untog nang subukan kong ipagpatuloy noon ang ikapitong hakbang. That time, I was really determined. Lalo’t sa mga huling sandali ay nagpakita ang lalaking hindi libog ang hatid sa akin— kundi pag-ibig. Alam kong mahal ko. Matagal na. Grade twelve pa lang kami noon, patay na patay na ako sa kaniya. We were schoolmates in all-boys school pero dahil mailap ako at hindi extrovert gaya niya, hindi niya ako nakilala. Masaya na ako basta’t nakikita siya. Kuntento na ako kahit nagmamasid lang mula sa malayo. Mayamaya’y narating ko na rin ang court. Namalayan ko na lang ang sariling nakatayo sa harap ng saradong main entrance at nagdalawang isip kung papasok na ba o hindi. Ngunit mas pinili ko munang ibaba ang jug upang makapagpahinga at makahugot ng lakas ng loob. Hindi ko pa man nasusubukan, nakikita ko na agad sa isipan ko kung ano ang mangyayari. Ngayon pa lang ay sigurado na akong sesermonan ako ni Papa sa harap ng mga players niya. Matitiis ko kaya iyon gayong naroon din si Kahlil? Mas pipiliin ko pa yatang masuntok sa bahay kaysa mapahiya nang basta-basta. Sa ilan pang mga minuto ay tuluyan na akong nakahinga nang maluwag. Muli kong binuhat ang jug nang taas-noo at para bang walang kinatatakutan. Akma ko na sanang itutulak ang pinto ngunit kusa itong bumukas. Nang mailuwa nito ang lalaking kinahuhumalingan ko, kagyat na namilog ang mga mata ko. Pawisan ang athletic niyang katawan, magulo ang buhok, at sukbit sa isang balikat ang black duffle bag. Nadepina ng pagiging mestiso niya ang angking kagwapuhan at wala na yata akong maipipintas pa. Literal yata talaga akong matutunaw kung kapwa kami magtititigan nang matagal. With his lips set in a hard line, my fingers had a carnal urge to wipe his dripping sweat— mula noo, leeg, tiyan, at kahit pa kaniyang paa. Bagaman galing sa marubdob na basketball training, amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na lalo pang nagpabaliw sa natitira kong katinuan. “Hey,” aniya sa malalim at nakanginginig na boses. Natulala ako at natigalgal sa kinatatayuan. “Hmm? Bakit?” tugon ko sa nakalalaking paraan. Lihim akong napangiwi sa likod ng pilit at tila nangangawit kong ngiti. “Kanina ka pa hinihintay… ng papa mo." Iniwan niya akong nakatulala matapos itong sabihin. At sa paglisan niya nang walang sabi-sabi, huli na nang malaman kong kanina pa pala nakatitig sa akin si Papa at mukhang handa na ulit ang bibig upang talakan ako nang talakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD