LAST TIME PAGDILAT ng aking mata kinaumagahan ay agad na umikot ang aking paningin at parang hinalukay akng aking tiyan. Nanakbo ako patungo sa bathroom at dumuwal sa toilet bowl. Sapo ko ang aking tiyan habang unti-unting bumigay ang mga tuhod ko. Napasalampak ako sa bathroom tiles. Para akong lalagnatin na ewan. Kumikirot pati sentido ko. Anong nangyayari sa akin? Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya......... "Nagdadalang-tao ka." Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Manang Celia sa bathroom. Agad na lumapit ito sa akin. Sinalikop nito ang buhok ko at tinalian. Kumuha ito ng malinis na pamunas at binigay sa akin. "Saglit at ikukuha kita ng maligamgam na tubig." Tumango ako. "Salamat po." Nang mawala ito sa paningin ko ay gumapang ako para makasandal sa bathroom w

