NO ONE I ROLLED my eyes for the nth time. Nag-init na ang cellphone sa tainga ko. Mag-iisang oras na yata ang nakalipas mula nang tawagan ko si Girlie. At ang babae, hindi maubos-ubusan ng mga tanong. Nahihirapan akong magpaliwanag sa kanya dahil hindi pa nga ako tapos magsalita, magtatanong na naman ulit. Umupo ako sa couch habang pinagmamasdan si Gavin na busy sa kanyang paglalaro. Nandito kami sa playroom na sadyang pinagawa ni James buhat nang pumayag akong magpakasal sa kanya. Talagang pinaghandaan niya ang lahat ng ito noon pa. Napangiti ako sa sarili. Sa tuwing sumasagi si James sa isipan ko'y hindi ko maiwasang ngumiti at mamula. But then, there was never a minute a did not think of him. The man had finally gotten under my skin. And there was no way I could get him out

