Prologue
Being lost in a place wherein sadness are hard to overcome, being heartbroken is something that no one can understand the pain, the torn and how it affects our system emotionally and mentally
"Andon ako noong panahong kailangan na kailangan mo ako, pero bakit namang ngayon ikaw ang kailangan ko parang kailangan ko pang lumuhod para lang huwag mo akong iwan Amer! Napagod din naman ako ah, pero hindi ko piniling sumuko kasi alam ko na laban naten to" sigaw ko sakanya habang nakatitig sa mukha niyang halos walang emosyon ni awa o ano wala akong mabasa na kahit ano sa kanyang mga mata. Wala na yung kislap ng mga mata niya habang nakatingin sa akin noon.
"Tapos ka na ba sa drama mo? Maari ka ng umalis sa harapan ko at huwag na huwag ka ng magpapakita pa kahit kailan. Huwag mong isumbat mga ginawa mo sa akin, walang pumipigil sayong iwan ako walang pumipilit sayong mag stay ka. Bullshit!" para akong nagising sa mga sinabe niyang mga salita, sobrang sakit na yung mga effort ko yung mga sakripisyo ko sa taong gusto kong makasama sa habang buhay ganito nalang ako kung itrato
"Sana Amer wala kang pagsisihan sa mga salitang binitawan mo, kasi oras na umalis na ako sa harapan mo ngayon walang wala ka ng babalikan, kahit na magmaka awa ka pa, kahit lumuhod ka pa man sa harapan ko wala na. Hanggang dito na nga lang siguro tayong dalawa pagod na pagod na din ako. Maraming salamat sa lahat at mag iingat ka parati" nanghihina na ako, wala na akong maramdaman naghalo halo na ang sakit, galit at poot na nararamdaman ko sakanya.
Pagkatapos kong titigan ang kanyang mukha ng mga sampung segundo ay nagsimula na akong maglakad palabas ng condo na tinutuluyan nya habang palapit ako ng palapit sa pintuan lalo kong nararamdaman ang pagbiyak ng aking puso, na sa ganitong paraan kami nasira. Ipinapangako ko sa sarili ko na sa susunod tayong magkita lahat ng pagmamahal ko sayo ay wala na, ni katiting wala akong ititira.