"Eh gago pala kayo eh! Alis nga jan!" Sigaw ko sa mga taong pahara hara at pinagkakaguluhan si Kai.
Natumba kasi sya dahil sa mga kagaguhan ng mga lalaking kaklase namin. Pinagtripan na naman sya. Tinulungan ko syang pulutin ang mga gamit nyang nagkalat sa sahig at inalalayan syang tumayo. Ramdam ko naman ang titig nya habang inaalalayan ko syang tumayo.
Pagtayo nya sinenyasan ko syang umupo na at naiwan ako sa harap ng mga lalaking nantrip sa kanya.
"Sinong nagpasimula?!!" Sigaw ko. Galit na galit ako. Sobra!
Nagsimula na silang magturuan kaya nainis ako lalo.
"Eh puta! Walang aamin?!!" Sigaw ko uli
Nagtaas ng kanang kamay ang isa sa mga lalaking kaharap ko. At walang kaabog abog na sinapak ko ang mukha nyang mapimples at oily. Ew!
Sinikmuraan ko naman ang mga kasama nya at binalaan.
"Di lang yan matatamo nyo pag pinagtripan nyo pa si Kai!" Nanggigigil na sabi ko. Nagtakbuhan naman sila palabas ng room.
I was about to sit beside Kai ng bigla syang tumayo at naglakad din palabas ng room. Sinundan ko sya. Hindi ko ugali ang sundan ang kahit na sino man pag nagwawalk out, pero ginagawa ko na ngayon. Sa kanya. Sa kanya lang
Hinila ko ang kanang kamay nya at iniharap sakin. Nakita ko ang mukha nyang natatakot at naguguluhan kaya napakunot ang noo ko.
"May problema ba?" Tanong ko
"Ano ba tayo Diara? Ano ba ko sayo?" Nanginginig na boses na tanong nya
"Boyfriend. Boyfriend kita Kai, kahapon pa diba?" Sagot ko
Umiling sya ay humakbang ng isa patalikod.
"Hindi. Wala akong girlfriend. Wala akong girlfriend Diara! Nahihibang ka na!" Ika nya
Mukhang takot na takot talaga sya.
Hahawakan ko sana uli ang braso nya pero nilayo nya ito.
"Layuan mo ko. Hindi kita gusto"
At matapos iyon ay tumakbo na sya palayo sakin. Napahiya na naman ako. Na naman.
Umuwi ako ng tulala at wala sa sarili. Dumiretsyo ako ng kwarto at umupo sa Study Table ko. Binuksan ko ang drawer sa gilid at kinuha ang isang box. Inalis ko ang takip non at bumungad sakin ang mga gamit pang lalaki.
May Dalawang scarf, white and black. May ballpen, lapis, piraso ng papel na nakatupi, notebook, mineral water, picture at eye glasses.
Binuklat ko ang piraso ng papel na nakatupi. At doon nagform ang ngiti saking labi. Nakasulat doon ang buong pangalan nya.
Kai Clifford Emirate
Naalala ko pa nang mga panahon kung paano ko kinuha ang mga gamit nya. Ang hirap pa naman kasi hindi kami magkaklase nung una. Nakakasama ko lang sya sa ibang subject na bagsak ako.
Ung Scarf na white, kinuha ko un nung nagrerehears sila para sa Play nila. Pumunta ako sa Back stage at inabangan ang pagbalik nya dun. Para sana iabot ang tubig. Halata kasing pagod na pagod sya, pero napako ata ung paa ko nang makita ko sya na pawis na pawis pero he still wearing his genuine smile. Enjoy na enjoy nya siguro. Nakita kong may kinuha sya sa bulsa nya at lumabas ang White Scarf. Pinunas nya iyon sa pawis nya, tinawag sya ng kaklase nya kaya inihagis nya ung scarf sa lamesa nya at lumabas na uli.
Tumayo naman ako sa tinataguan ko at kinuha ang scarf na un. Inamoy ko pa un. At grabe! Nabaliw ako sa amoy nya. Pawis na pawis pero grabe ang scent. Hindi man lang mahaluan ng amoy pawis! Kaya ayun. Iniuwi ko un
Sunod naman ay ung Scarf na black. Nung mga time na un, may nakaaway ako at puro dugo ung mukha ko dahil sa kalmot at gasgas. Nakalakad pa ako nun papunta sa room pero nasalubong ko sya at biglang bumilis ung t***k ng puso ko. Nag slowmo lahat at hindi ko na napansin ang pagdating ng mga lalaking nagtatakbuhan kaya nabangga nila ako. Nagulat naman ako ng bigla syang lumapit at inalalayan ako. Nilabas nya ang black scarf na iyon mula sa bulsa nya at ipinahid sa mga dugo sa mukha, labi at braso ko.
Sobrang saya ko nung araw na iyon! Dahil kahit papaano, nawala ang sakit ng mga sugat ko.
Ung ballpen nya, ung time na may inaabot silang papel at nakikiusap na sagutan iyon para sa project nila. Nilapitan nya ako at inabutan ng isa. Hiniram ko ang ballpen nya at inilabas naman nya ito agad. Nang matapos ko ng sagutin hiningi ko na at ang palusot ko "Akin nalang! Wala akong ballpen eh"
Sumunod ung Lapis. Ung time na un may drawing class kami. Walang wala akong ballpen. Pati sina Avery at Anton wala ng mga extra mga impaktita! Kaya napatakbo ako palabas ng room at natagpuan sya. Wala na kong choice. Si Diara ako, makapal ang mukha ko kaya nanghiram ako ng lapis sa kanya kahit pa crush ko sya. Pinahiram naman nya ako. Hindi ko na nga ibinalik. Ilang araw din akong nagtago nun sakanya baka kasi bawiin nya.
Ung piraso ng papel naman na may nakasulat na pangalan nya ay pinakuha ko sa kaklase nya. Matapos nyang sulatan ang Yellow Pad ng pangalan nya, pinilas iyon ng kaklase nyang inutusan ko at itinupi. Nagalit nga daw si Kai non pero pinilas nalang ang papel na napunitan na.
Ung notebook nya, naiwan nya iyon sa library. Sakto kasing papasok ako ng library, lumabas sya. Oo sakto talaga, hindi ako stalker no. Inutusan naman ng librarian na isauli ung notebook nyang naiwan doon sa lalaking katabi ni Kai bago sya umalis. Pero hinarangan ko iyon at kinuha. Sabi ko, ako na ang magsasauli pero hindi ko iyon sinauli. Naghanap tuloy sya. Pero wala akong paki.
Napapamura nga ako sa twing binubuklat ko iyon. Dahil bukod sa napaka ganda ng sulat ay napakalinis pa! Nag assume nga ako na sana sinusulat nya ang pangalan ko sa likod ng Notebook nya. Pero mas makinis at maputi pa ung mga pahina ng notebook nya sa likod kesa sa kilikili ko! Naistress ako!
Ung mineral water, binili nya sa canteen at ininum. Natira ay medyo konti at iniwan na nya sa lamesa. And to the rescue naman ako sa mineral bottle nyang naiwan. I kept it.
Ung picture nya, un ung nakadikit sa bulletin board dahil nasa Rank 1 na naman sya. Wala lang ninakaw ko. Kaya nagalit ung head dahil nga sa nawala ung picture nya. Pero paki ko? Basta nakuha ko!
At last, ung eye glasses nya .. I remember that moment na magkabangga kami at inilahad nya ang palad nya, pero minura ko sya.
Ganun naman ako maglabas ng nararamdaman eh. Masaya man o malungkot. Eh kinilig ako ng sandaling iyon kaya namura ko sya ..
"F*ck off Nerd!"
At tinabig ko ang kamay nya. Para hindi ma-obvious. Un din ung sandaling natitigan ko sya ng malapitan. Napakagwapo talaga nya!
At dahan dahan kong inalis ung salamin nya, i almost drop my jaw pero hindi ko pinahalata. NAPAKA GWAPO kasi talaga nya!
At un na nga, tinakbo ko na ung salamin nya ng hindi nya namamalayan. Mas masaya pa ako sa masaya nung time na un!
Napagsapok ko nga si Avery dahil sa saya. Pero thankful ako sa Gaga dahil kung hindi sya pabagal bagal hindi ko mababangga ang Baby ko.
Sounds corny right? But the f**k who cares?! I love calling him my Baby .. Although he doesn't know that I'm calling him like that.
I like him. I like the way he stand, talk, walk, smile, laugh, pout. I like the way he gets angry, I like the way he take serious on his study, I like his fashion. I like his hair, eyebrow, gray eyes, perfect pointed nose, red and small lips, his neck, his chest, his body, abs, his *toot* hihihi, his long legs, his feet, and even his butt! I like all of him! I like him.
And I think he's perfect for me. Yes he's perfect for me.
Kaya naman naglakas ako ng loob na hilahin sya sa eskinita kahapon at halikan sya. To be honest, that's my first. He is my first.
Tinakot ko sya at sinabing Boyfriend ko sya. Wala kasi akong ibang alam na paraan para mainlove sya sakin. Bukod kasi sa masama ang ugali ko sa panginin nya ay masama talaga. Masahol pa!
Pero ngayon, nasasaktan ako. Hindi talaga nya ako gusto. Inayos ko na ang box at itinago uli sa kinalalagyan nito. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.
Masyadong makapal ang eyeliner ko. Lipstick, blush on, pati ang hikaw ko sa tenga apat na. May hikaw pa ako sa Dila ko.
Pumasok ako sa banyo at hinubad ang pangalawang hikaw sa tenga ko pati ung nasa dila ko. Tinapon ko iyon at naghilamos. Binura ko lahat lahat at tumambad sa harap ko. Ang repleksyon kong simple at walang kung anong kalandian sa mukha! Baka ganitong itsura, ang gusto nya.
Pinunasan ko ang mukha ko at itinali ang buhok. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ko drawer ko. Inalis ko lahat sa hanger ang mga damit na karaniwang isinusuot ko. Mga pokpokin ang iba. Pinili ko ang mga dresses ko at mga formal. Kumuha rin ako ng simple at kagalang galang na pandamit babae at iyon ang hinanger ko sa drawer ko. Pero ung mga high heels? Stay there lang yan!
Itinago ko na ang mga damit na karaniwan kong suotin. Humarap uli ako sa salamin at huminga ng malalim.
I'm willing to give up every f*****g single thing I have just for him .. Because you know what?
I'm secretly ..
Loving him since the first day I saw him ..