Instant Girlfriend

1770 Words
"Kuya, May pasok ka ba? Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Mama mula sa Labas ng kwarto ko "Wala ho akong pasok ma! Pupunta ako mamaya sa Opisina para bisitahin si Lolo at Dad." Sagot ko. "Okay kuya" sagot nya Tumayo na ako't naglakad papasok ng Banyo. Maliligo na ako. Inalis ko ang salamin ko saka humarap sa salamin. Maraming nagsasabi, kahawig ko raw si Superman pag walang salamin. Tch alam ko namang binobola lang nila ako para makapanggaya sila. Nang makatapos na ako maligo, bumaba na ako para mag almusal naabutan ko pa si Juka na namamapak ng gatas "Hoy! Magtimpla ka, wag kang mamapak. Sayang lang" sabi ko na ikinagulat nya "Luuh naman kuya eh! Ginulat mo ko dun uh! Wag ka maingay kay mama ha?" Sagot nya sabay nag pout "Wala ka bang pasok?" Tanong ko "Wala ho." Nag nod nalang ako't kumain na ng almusal. Nagpaalam narin ako kay mama na aalis na at pupunta sa opisina. Sa twing papara ako ng taxi, may mga sakay sila kaya naman napagdesisyonan ko nang maglakad nalang muna habang wala pang dumadaan. Habang naglalakad, may napansin akong babaeng naninigarilyo sa kanto. Tsk tsk grabe na talaga ngayon! At habang papalapit ako, namumukhaan ko na sya. Sya ung seatmate ko sa school! Si Diara. May mga kasama sya. Mga kaibigan nya. Dalwang babae at apat na lalaki. Napabaling sya ng tingin sakin. Napayuko naman ako. Iiwasan ko na sana ung landas nila ng bigla syang sumigaw. "Nerd!" Napatingin ako at tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" I mouthed. Nag nod naman sya Lumapit ako't medyo nanlaki ang mata ko ng akbayan nya ko. Grabe halos ibuga pa nya ung sigarilyo nya sa mukha ko! Nakakainis! "Guys! Boyfriend ko!" Proud na sabi nya Te-teka? Anong sinasabi nito?! "Lol!" "Naaks!" "Ayiiieee" "Ang impakta na-inlove sa anghel!" Mga komento nila. Halos alisin ko na ang kamay nya at nang magawa ko iyon ay napatingin sakin si Diara. "What?" Tanong nya "Wa-wala akong girlfriend." Sagot ko at naglakad na palayo. Nagtawanan naman ang mga kasama nya. Hindi ko na sya nilingon pa. Alam kong napahiya sya pero- wala akong paki. Aaminin ko, maganda sya. Oo. Halos perfect na nga eh, maganda ang hubog ng pangangatawan. Hindi kapayatan, hindi katabaan. Matangos ang ilong. Pantay ang kulay. Maganda at malalim ang mga mata. Maliit at mapula ang labi. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit sinasayang nya ang ganung ganda sa walang kwentang bagay. Kung hindi sya sana ganun, at ipinagkalat nya na boyfriend nya ako, okay lang sakin. Pero bukod sa ganun ang ugali nya, nakakairita pa ang magkagirlfriend. Alam ko ang pakiramdam na yun. Dahil kinukwento rin sakin ng mga kaibigan ko na nagtatrabaho sa opisina ni Lolo. At ngayon, makikita ko uli sila. Nang makahanap na ako ng taxi ay madali akong nakarating sa building at sumakay na sa elevator. Naririnig ko pa ang bulong bulungan ng mga nagtatrabaho dito. Ako daw yung susunod na CEO. At may narinig pa akong ang gwapo ko daw pala. Sana nga'y totoo. Nang makarating ako sa floor kung saan naka-assign ang opisina ni papa at ni lolo ay una kong pinuntahan si papa. Busy sya sa pag tatype sa Laptop nya. "Ehem" Napatingin sya at ngumiti. "Kuya, napadaan ka?" Nakangiti nyang sabi Ngumiti din ako. "Namimiss lang kita Dad." "Sus, kaw naman Kuya. Kamusta sa bahay? Pasensya na hindi ako makauwi. Masyadong madaming gawain dito" "Okay lang naman Dad. Namimiss ka narin ng tatlong anghel mo" sagot ko "Apat kayong anghel ko Kuya. Lagi mong isasama ang sarili mo" Minsan nagtataka rin ako, bakit napaka babait ng magulang ko? Pero ung mga pinanggalingan nila .. Kakaiba! "Okay Dad." Tatawa tawa kong sagot "Kung pwede lang na tulungan ko ikaw, ginawa ko na" dagdag ko pa "Haha. Ayos lang Kuya. Mararanasan mo narin naman ito. Konting hintay nalang. Bisitahin mo na ang Lolo mo" sagot nya "Okat dad" tumayo ako't akmang lalabas na ng bigla syang nagsalita uli "Pero mas mabuting maranasan mo na muna ang lahat, bago ka pumasok dito. Dahil imposible ng makalabas dito hanggat wala kang papamanahan." Seryosong sabi nya Hindi na ako sumagot at dumiretsyo ng lumabas. Naalala ko pa, kwento ni Dad. Hindi nya tinanggap ang pagiging CEO dahil nakilala nya si Mama at ayaw din nyang mapako habang buhay sa pagtatrabaho. Kaya mas pinili nalang nyang maging Vice president. Naalala ko na naman tuloy ang posibilidad na tumandang binata ako. Napabuntong hininga ako bago pumasok sa Opisina ni Lolo. Natagpuan ko syang tulala. Kitang kita dito ang buong siyudad. Dahil clear window ang buong opisina ni Lolo. At eto ang magiging opisina ko. "Lo" pag agaw ko ng atensyon nya Bigla naman syang lumingon at napangiti. I smiled back. "Kamusta apo?" Tanong nya. Sya lang ang taong nakilala ko na galit man o hindi ay matapang ang boses at alam mong makapangyarihan. Siguro'y kung maririnig ng bata ang boses nya'y mapapaiyak ito sa takot. "Ayos naman po Lo. Kayo po ba? Ang kumpanya po?" Pagtatanong ko "Ayos naman. Hinihintay ka na." Sagot nya Ngumiti ako't yumuko. Sobrang taas ng pangarap ko. Gusto kong abutin ang narating ni Lolo. Gusto ko ring palaguin pa ang kumpanya. Sana lang talaga ay mapatakbo ko ito ng maayos pag ako na ang naging CEO. "Maglalakad lakad lang po ako Lo" paalam ko. Nag nod naman sya kaya lumabas na ako ng opisina. Pinagtitinginan ako. Sanay na ako dahil sa tuwing pupunta ako ay ganito ang pangyayari. Binabati rin nila ako at magalang na ngumingiti. Ginagantihan ko naman iyon. Nang makarating na ako kung saan ako madalas tumambay dito sa Building ay natagpuan ng mga mata ko ang dalwang lalaking kaibigan ko. Nakita nila ako kaya namuo ang ngiti sa kanilang labi. "Nice to see you here, soon to be CEO" bati ni Lennon Nginitian ko sila at pumagitan sa gitna nila at inakbayan sila pareho. "Napadaan ka. Wala ka bang pasok?" Tanong naman ni Rol. Sila lang ang kaibigan ko. Noon at ngayon. Mas ahead nga lang sila ng isang taon kaya nagtatrabaho na sila ngayon at sa Kumpanya pa namin. "Namiss ko kayo Guys!" Sagot ko "Yuck! Nababakla ka na naman samin Kai ha!" Natatawang sabi ni Lennon "Loko! Assuming ka pre" sagot ko At tumawa naman sila. Naupo kami at nagsimula ng magkwentuhan "Kamusta na nga pala ang pagiging Rank 1?" Tanong ni Rol "Ayun. Ganun parin. Walang pagbabago. Pero may isang babae na nakakainis, ang lakas ng loob manggaya sakin!" Inis na sagot ko "Woah! Babae ang kumakalaban kay Mr. Emirate! Sino yan sino yan? At sasambahin ko sa sobrang lakas ng loob manggaya sayo" sagot naman ni Lennon "Kahit kelan loko loko ka talaga no?" Sagot ko "Ahaha. Di ka pa nasanay dyan. Eh sino nga ba sya ha?" Tanong ni Rol "Diara Shiward" simpleng sagot ko Napatayo naman si Lennon at pumalakpak "Di mo na nakikilala un? Hindi na ba ganun kasikat ang Gang nila?" Tanong ni Lennon Ano daw? Anong sinasabi nito? "Ay! Oo! Ang mga Gangster!" Dagdag pa ni rol Mga gangster? Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang dalwa. Nahalata naman nilang hindi ako maka-gets sa pinaguusapan nila kaya mahinang binatukan ni Lennon ang ulo ko "Hindi mo na talaga sya maalala? Si Diara Shiward, Kai! Yung sabi mong kumuha ng Salamin mo at isang linggo kang naghirap sa pag-aaral dahil sa labo ng mata mo at hindi pa mapaltan agad dahil di mo masabing kinuha ng Babae, at hindi lang basta babae. Halimaw pa! Hahahahaha" sabi ni Lennon Pagkatapos noon ay biglang may pumasok na pangyayari sa isip ko. Ang babaeng nabangga ko dahil hindi tumitingin sa dinadaanan .. Minura ako, pero sinabihan ako ng gwapo sabay tinakbo ang salamin ko .......... Shit! Si Diara Shiward! Sabi na nga Familiar sya. Bakit ko nga ba nakalimutan un? Siguro masyado na talaga akong nagfocus! Grabe. Kaya pala sa twing tinatawag nya akong nerd ay hindi man lang ako nakakaramdam ng inis. "Ano? Di ka na nakapagsalita. Naalala mo na?" Si lennon Nag nod ako. At naalala ko rin ang pag-akbay nya at ung sinabi nyang boyfriend nya ako. Nag-init ang pisngi ko. Tumayo ako't hinarap ang dalwa. "Bakit? Nagblublush ka pare! Iw. So gay" mataray na sabi ni Lennon "Hahaha. Bagay sayo Len." Sabi naman ni Rol "Sinabi nya kasi sa mga kaibigan nya na Boyfriend nya ako pero pinahiya ko sya. Sht mga pare, baka last day ko na to" seryosong sabi ko Mapapatay ako. "Hahahaha. Sigurado yan! Si Diara pa pinahiya mo? Lagot ka! At saka ngayon lang ako nakarinig na may pinakilala syang boyfriend nya sa kaibigan nya. Galit iyon sa lalaki. Pero ma-swerte ka Kai! Kaso hindi na ngayon" "Paktaaay ka~" pang-aasar pa nila Huminga ako ng malalim. Patay talaga ako. Iniba ko nalang ang usapan at nang napansin kong magtatanghali na, napagpasyahan ko naring umuwi. Nagpaalam na ako kay Dad at Lolo. Habang naglalakad papauwi. Oo naglakad na ako pauwi. Badtrip kinulang ang pera ko kaya sa jeep lang ako nakasakay at isang street pa lalakarin ko pero okay lang. Madilim ang kalangitan. Mukhang uulan. Kaya hindi naman ganoon kainit. Habang naglalakad, may naririnig akong yabag ng kung sino sa likod ko. Kaya naman napapalingon ako. Pero wala naman. Naglakad uli ako't bigl--- "HHHMMMM!!" Pumiglas ko. May humila saking kung sino sa eskinita at hinalikan ako. Hard. Nang makalayo ay inayos ko ang salamin ko at unti unting nakilala ang babaeng humalik sakin. Ang nagnakaw ng first kiss ko. Sht. "D-diara?" Nanginginig kong sabi Nakangiwi sya at nakataas ang isang kilay. "Wala ka ng kawala sakin Mr. Emirate!" Halos di bumuka ang bibig na sabi nya Yumuko naman ako't napakamot sa batok. "Sorry talaga sa ginawa ko kanina Di-diara. Ayaw ko lang tal--" "Sshh. Basta simula ngayon, akin ka. Akin ka lang. Nerd!" Nakangiti nyang sabi Ano bang pinagsasasabi nito? Sht. Napatrouble pa! "Pero .." "Sige pa. Itanggi mo pa ko, trouble abot mo hindi lang basag ang salamin mo" seryosong sabi nya Pinisil nya ang pisngi ko kaya medyo dumulas ang salamin ko sa ilong ko. "Ang cute mo talaga!" Nakangiti nyang sabi Nag-init naman ang pisngi ko. Nagpaalam na sya at naglakad narin ako pauwi. Nalilito ako, sobrang bilis ng pangyayari. Kahit kailan hindi ko pinangarap na magkagirlfriend hanggat wala pa akong trabaho. Pero bakit ngayon mukhang ayaw ng tadhana na sundin ko ang gusto ko. Mayayari din ako kina Lolo pag nalaman nila to. At hindi man lang ako tumanggi. Pero bakit nya ginagawa to? Gaya nga ng sabi ni Lennon, galit sya sa lalaki pero bakit ako? Ni hindi ko sya nililigawan pero .. Nakakabaliw ka Diara!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD