Pumasok ako ng room at nadatnan ang iilang estudyante palang.
Sabi ko na nga ba ang aga pa. Inayos ko ang salamin ko at suminghap. Panibagong araw na naman ng pa-gaaral.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at inilabas ang libro ng Major Sub ko. Minsan naiisip ko, nakakasawa pala talaga ang ganito.
Pero no choice diba? Para rin naman ito sa Future ko.
Ilang minutong pagbabasa ng libro, hindi ko na pinapansin ang mga estudyanteng nagsisipasukan sa Room. Focus ako sa pagbabasa. May exam kasi kami ngayon dito sa first na subject na to.
Nang mapabaling ako sa mga kaklase ko, dumami na sila. Wala talagang may gustong tumabi sakin. Bakit? Dahil geek nga daw ako.
Nagbasa nalang ulit ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Hindi ko ito pinansin. Amoy ng babae ang scent nya.
Napasulyap ako ng pasimple sa baba at nakita ang sapatos nya. Babae nga.
Nagbasa nalang ulit ako.
"Good morning Class"
"Good Morning Prof."
Bati nila ng dumating na si Prof. Tinabi ko na ang librong binabasa ko at napasulyap sa babaeng naglakas loob tumabi sakin.
Familiar to uh?! Si .. ano nga ba to?
"Hoy! Yellow pad paper daw Nerd!" Siko nya sakin
Kumuha naman agad ako at sinulatan na ng pangalan pero napatigil ako ng makita ang nakalahad na palad ng katabi ko.
"Penge!" Sabi nya.
May bubble gum pa syang nginunguya! Ano ba yan.
Pinilas ko ang isang pirasong papel at inabot sakanya, pinagpatuloy ko naman ang pagsusulat ng pangalan ko ng mapatingin ako sa ID nya na nakapatong sa Lamesa.
Diara F. Shiward
Sht. Sabi na familiar to eh!
Nagsimula ng magsulat si Prof sa white board ng mga sasagutan kaya naman sinimulan ko na ang pagsasagot.
Napatigil na naman ako ng sikuhin na naman ako ng katabi ko.
Napatingin ako't tinaasan sya ng kilay.
"Pagaya!" Bulong nya
Tinakpan ko ang papel ko't medyo lumayo sa kanya. Pero napasigaw ako ng ..
"Sh*t. Ano ba?!"
Tinapakan nya ang paa ko.
Napatingin samin si Prof at nagtanong "May problema ba Mr. Emirate?"
Tiningnan ko ang babaeng katabi ko na si Diara ang pangalan ayon sa ID nya, at isusumbong ko na sana ng makita ko ang tingin nyang hindi maganda.
Nakakakilabot at nakaka .. takot!
"Wala po. Prof" sagot ko at yumuko.
Hinila naman bigla ni Diara ang papel ko at nilapit sa kanya. Mabilis syang magsulat. Lahat ng sagot ko kinopya nya! LAHAT talaga! Kung may talent sya, siguro yun ay ang pag susulat ng mabilis at pagkuha ng papel ko ng biglaan.
Pwede na syang maging snacher! Nakakainis.
Nang nagcheck na kami, perfect ako. At sya din perfect! Magtataka pa ba kayo? Nagulat nga mga kaklase namin. Pero syempre tinakot nya ko na pag pinagkalat ko na nanggagaya sya, malalagot ako sa kanya. Ano naman kaya ang gagawin nya? Eh sanay na akong ma-bully. May iba pa kaya syang kayang gawin?
Matapos ang subject na yun, ang dami pa nyang ginawang kalokohan sakin. Pero syempre hindi nalang ako umaangal. Kasi isang beses na umangal ako, susuntukin na sana nya ung salamin ko at buti nalang nahara ko na.
At kanina din recess, pinatong nya ung dalwang paa nya sa thigh ko at imassage ko daw! Babae ba talaga to? Eh hindi nga man lang kami close eh! Ganto pa sya makaasta!
At ngayon naman ang tahimik na nya. Tulala lang sya. Math na subject namin eh. Siguro mahina sa math. Karamihan sa kaklase kong babae, mahina sa math. Baka isa sya don.
Nang matapos na akong mag-sagot ng mga problem, kinuha nya ung notebook ko at inabot ang notebook nya.
"Sagutan mo din!" Utos nya
"Teka, sumosobra ka na huh?" Pikon kong sabi
"Sige, gusto mong basagin ko yang salamin mo!" Sagot nya
Umiling na lang ako at bumulong "Mapapalitan ko naman agad ito"
"Ano ano?! Binubulong bulong mo dyan!" Asar na sabi nya
"Ano nangyayari dyan Ms. Shiward?" tanong bigla ng prof namin
"Hoy! Ikaw sumagot non." bulong nya pa sakin
"Wala po prof." marahan kong sagot
At tumalikod na uli ang prof namin.
"Ano uli yung sinasabi mo?" tanong nya na naman. Kailan ba to matatahimik
"Wala. Sabi ko, bakit hindi ka magsagot ng sarili mo?"
"Eh kasi masyado na kong magaling. Kaya sinusubukan ko yang talino mo. Sabi nila magaling ka, weh? sige nga sagutan mo nga yan, pag yan hindi perfect basag yang salamin mo!" Sagot nya
Tch. Ganito ba talaga mga babae?! Grabe! Kung ganito man, HINDI na talaga ako mag-aasawa!
At dahil wala akong choice, sinagutan ko na din! Nakakahiya sa talino nya eh!
She's a big bully!! That's why i hate girls!! Other than my siblings and my mom, ofcourse.
"Hoy! San ka kakain?"
Tanong ni Diara after mag bell at lumabas ng prof namin.
Ano bang pake nya?
"Bakit?" tanging nasagot ko
Inabutan nya ako ng candy na galing sa bulsa nya at sinabing "Iyo nalang, yan ang sikreto ko sa pagiging matalino ko. Sipsipin mo para madagdagan din talino mo" sabay kindat at alis nya
Wow, sana nga ganun kadali makuha ang talino. Sa candy?
Habang tinitingnan ko ang candy, namumukhaan ko sya.
Wait, katulad to nung ..
Biglang kong kinuha ang mga pagkain sa ilalim ng lamesa ko. Nasira na ang mini cake kaya tinapon ko na agad iyon.
Pero yung mga candy na kagaya ng inabot ni Diara ang naiwan. Sakanya kaya galing to?
Imposible. Mukha namang walang tamis sa katawan iyon.
Nilagay ko nalang din ang inabot nya kasama ng mga candy sa ilalim ng lamesa ko at naglakad na palabas ng room.
Bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko ang familiar na boses ng mga lalaki.
Ayoko ng gulo, kaya tumalikod agad ako bago nila ako makita.
At buti nalang hindi nila ako napansin. Napalunok ako ng madiin.
At napahawak sa dibdib. Medyo kinabahan ako don.
Minsan, gusto kong tanungin ang mga taong nang-bubully. Ano kayang napapala nila sa ginagawa nila? Na fufulfill kaya ang kaligayahan nila kapag nakakasakit at nakakapagpa-iyak sila?
Kasi kung oo, wala silang pinagkaiba sa mga taong kriminal.