"Kuya! Kuya! Hindi ka pa kumakain! Masama ba ang pakiramdam mo?" Katok ni Mama sa labas ng kwarto ko. Wala akong gana. Yan nalang palagi ang nangingibabaw sa isip ko. Pati narin sa puso ko. Mababaliw na talaga ko, matapos ung paglalaban namin ni Dru nung Friday, nanghihina na ako. Ang bilis lang nang panahon! Dahil ngayon, friday na naman. At last day na ng Month na ito. Ibig sabihin, isang buwan nalang ikakasal na sila. Dati, tanging tumatakbo sa isip ko na pag dating ng March, Gagraduate na ako at makakalayas na ako sa walang kwentang buhay na puro pag-aaral. Tapos ngayon, ngayon lang ako hindi nakaramdam ng excite sa graduation. Bakit? Dahil alam kong pagkatapos ng Graduation, ikakasal na sya. At ang masaklap pa, Best Man ako. Ewan ko nga ba kay Dru, bakit ako pa nakuha nyang Best m

