"Bakit mo ba kasi ginagawa to?! Pag nasaktan si Kai, papatulan na kitang loko ka!" Sigaw ni Diara sakin habang nakapamewang sa harap ko "Ayoko lang kasing inaagaw ang AKIN. Sino bang gugustuhing agawan ng importanteng bagay sa buhay nya?" Sagot ko "Hindi ako pag aari ng kahit na sino Dru" sagot nya Napangiwi ako. "Pero puso mo, kanyang kanya diba?" Sagot ko naman Napasinghap sya at napailing. "Noon siguro Oo, pero hindi ko na alam ngayon" aniya Ngumiti ako't tumayo na. "Saan ka na naman pupunta?!" Tanong nya "Wala" Hindi na ko nag-intay pa ng sagot mula sa kanya at naglakad na ako palabas ng kwarto nya. Sa sobrang close nga namin ni Diara, pwede na ako sa kwarto nya at pwede na sya sa kwarto ko. Parang nung mga bata pa kami, kaso hindi parin nya maalala talaga. Tinungo ko ang sa

