Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko saka huminga ng malalim. Bumaba na ako at tumungo sa kusina para kumain. Pero nasa harap ko na ang pagkain, hindi ko parin magalaw galaw. Wala akong gana. Hindi ko maintindihan kung bakit wala na akong gana. Pati sa pag aaral, nahuhuli na ang utak ko. Nakakabaliw ang mga nangyayari At isa lang ang rason ng pagbabago kong ito - Si Diara lang. Kung bakit pa kasi ako nainlove sa kanya. Sana talaga hindi ko na sya nakilala pa! Napapaisip din ako minsan, dati wala syang dating sakin. Pero ngayon sobrang lakas na. Halos sya na ang kahinaan ko. Dahil sa twing makikita ko sya, nanghihina na ako. Lalo na pag nakikita kong masaya silang magkasama ni Dru. Araw araw, wala akong ginawa kundi ang sundan sya at tanawin sya sa malayo. Tanging sa malayo ko nalang

