"Ayoko nga dyan eh!" "Eh saan ba kasi tayo? Saan mo ba gusto?" "Wala! Gusto ko lang sa bahay! Ihatid mo na ko. Wag mo ng pansinin si Lolo, hayaan mo sya!" Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo, kanina pa kasi kami paikot ikot ni Diara dito sa Park pero ayaw naman nyang mamasyal. Inutusan kasi ako ng Lolo nya na Ipasyal ko daw itong mapapangasawa ko. "Ibili mo nalang ako ng sigarilyo!" Utos nya Napakunot ang noo ko. "Tumigil ka nga! Sa tingin mo, nakakaganda ang paninigarilyo?!" Inis na tanong ko "Eh bakit ba pinapakialaman mo ko?! Mapapangasawa lang kita sa PAPEL pero hindi dahil MAHAL natin ang isa't isa!" Sigaw nya Napayuko ako't napailing. "Wag na. Wala akong pera." Sagot ko Naupo sya sa swing kaya naman umupo din ako sa kabila. "Alam mo bang sigarilyo lang ang nagpapa

