SABADO. Walang pasok si Marcela pero mga alas-nuwebe ng umaga ay pumunta sila sa Psychiatrist para sa unang session nito. Isang bagay ang nadiskubre ni Regina tungkol sa kanilang dalawa ni Marcela ay ang pareho silang mahilig sa Korean Drama. Kaya matapos ang pananghalian ay sabay silang nanood nito ng latest na drama na sinusundan nila. Nakababa lang si Regina nang makatulugan nito ang panonood. “Ano? Nakatulog na alaga mo?” nakangiting tanong ni Manang Rosy. “Opo, kaya bumaba muna ako.” “Naku eh, ganyan naman ‘yang batang ‘yan. Mahilig manood pero palagi naman nakakatulugan.” Napalingon siya sa paligid. Hinahanap ng kanyang paningin si Javier. Kaninang umaga, pagkagising ay wala na labas ng garahe ang kotse nito. Mag-aalas diyes

