Prologue
Huminga ako ng malalim at ngumiti, napakasarap sa pakiramdam ang lamig ng hangin, tama lamang para sa medyo maalinsangang panahon.
Ako ay tumingin sa napakagandang kapaligiran, at aking nakita ang isang ibon na lumilipad sa himapapawid. Malaya at hindi alintana ang malamig na hangin na makikitang dumadampi sa kanyang mga pak-pak.
Sa aking pagmamasid, tila ba ako ay natutuwa. Ano nga ba ang pakiramdam ng lumipad ng malaya?
Siguro ay napakasarap, biruin mo? Wala ka ng iisipin pang iba kundi ang ligar o puno kung saan ka dadapo kapag napagod ka na sa paglipad, kung saan ka sisilong kapag umulan, at kung saan ka magtatayo ng sarili mong libreng bahay. Ang sarap siguro mamuhay bilang isang ibon.
Nagpatuloyakong magmasid mula sa aking kinatatayuan, hanggang sa hindi ko namalayan, madilim na ang paligid.
Naging mas malamig na ang simoy ng hangin na syang yumayakap sa aking katawan ngayong gabi na tanging ang ilaw ng buwan at mga sasakyan lamang ang nagsisilbing liwanag upang aking muling makita ang kapaligiran. Huminga akong muli ng malalim, at kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang pagdaloy ng mga memoryang kahit na kailan ay hinding hindi ko malilimutan.
Sa isang malayong bayan kung saan sagana ang pagkain at hindi kailangan ang teknolohiya para mabuhay ay naninirahan ang isang magandang dilag na nagngangalang Celina. Si Celina ay anak ng magbubukid, salat man sa karangyaan ay masaya silang pamilya.
"Tang! Tatang!" masayang sigaw ni Celina habang naglalakad sa pilapil papalapit sa kanyang ama na kasalukuyang nag-aararo.
"Oh! dahan-dahan naman anak, madudumihan iyang uniporme mo eh. Iyan ay iyo pang gagamitin kinabukasan. Nako! magagalit nanaman ang iyong Nanang." pagsuway sa kanya ng kanyang ama. Napatawa nalang si Celina, pagdating kasi sa kanilang ina, tiklop kaagad ang tatang nila.
Si Celina ay panganay sa apat na magkakapatid, ang pangalawa ay si Antonio, o mas kilala sa pangalang totoy, pangatlo naman si Gregory o goyo, at ang bunso ay si Princess o intet.
"Totoo ba iyan tang? Naku! baka natatakot lang naman ho kayo kay nanang?" Kantiyaw ni totoy sa kanilang tatang. "Aba't itong batang 'to!" sabi nalang ng kanilang tatang at inambahan ng palo ang ngayon ay tumatawang naglalakad papalayo na si totoy.
"Oh, ano nga pala ang sadya mo anak at nagtungo ka pa dito?"
"Eh kasi po tang, gusto ko lang po sabihin na Top one po ako ngayong quarter sa eskwela at magmamartiya po tayo ulit ngayong graduation!" Masayang pabatid ni Celina sa kanyang ama. Hindi naman maiwasan ng kanyang ama ang mapaluha ng kaunti sa tuwa, sapagkat magtatapos na Top one ang panganay niya.
Si Celina ay nasa ika-apat ng baitang ng sekondarya, kaya naman napakasaya nilang lahat lalo na ang kanyang ama.
Masayang-masaya silang lahat sa balita kung kaya't ang buong mag-anak ay nagkaroon ng maliit na salo-salo sa kanilang munting tahanan. Nagluto ang kanyang nanang ng paborito nilang pritong manok galing sa mga alaga nila, at isang litro ng soft drinks para sa panulak. Madalang lamang ang ganitong salo-salo sapagkat ang ama ni Serene ay isang magsasaka, samantalang ang kanyang ina naman ay nasa bahay lamang, kung kaya't hindi sila madalas maghain ng karne bilang ulam.
Kinaumagahan ay walang pasok si Celina sa eskwelahan, kung kaya't siya ay tutulong ngayon sa bukid.
"Eto anak, dalhin mo itong basket na may lamang pagkain sa tatang mo doon sa kubo." bilin ng kanyang nanang na nagpupunas ng kamay upang hindi madumihan ang ilalagay na mga pinggan at kubyertos sa basket. Binuhat ni Celina ang basket ang nagtungo nga sa maliit na kubo malapit sa palayan kung saan nagtatrabaho ang tatang niya.
Ang lupa na kinatitirikan ng bahay nila ay pagmamay-ari ng dating amo ng nanang ni Celina sa Maynila, kung kaya't para lamang silang nagkikituloy doon. Ang mga naani na palay at mga gulay ng kaniyang ama ay napupunta sa amo ng kanyang nanang o sa talagang may-ari ng lupa, ngunit mayroon parin naman silang nakukuha. Halimbawa, sa sampung sako ng palay na maibebenta nila, tatlo ang para sa kanilang mag-anak at pito naman sa may-ari, kung kaya't para lamang silang taga-bantay kumbaga.
Nagtungo nga si Celina sa kubo, at ng mailapag niya ang basket ay sakto naman na dumating ang isa sa mga lalaking nanliligaw sa kanya, si Fernan.
Dahil sa angking kagandahan ni Celina ay madami ang mga kalalakihan na nahuhumaling sa kanya, araw-araw ay madami syang natatanggap na regalo, misan tsokolate, misan bulalaklak, minsan naman mga gamit at kung ano-ano pa. Kagaya na lamang ngayon.
"Magandang umaga Celina." masuying pagbati ni Fernan kay Celina na ngayon ang naglalabas ng mga pagkain sa basket. Tumigil ito at tumgin kay Fernan ng may maliit na ngiti. "Magandang umaga din sa iyo Fernan." sagot ni Celina at nagpatuloy sa pagbababa ng mga pagkain sa basket.
"Siya nga pala, heto oh Celina, bulaklak para sa iyo." Naka ngiti at puno ng pag-asa ang mga mata ni Fernan habang nakatingin kay Celina na nakatingin sa bulaklak na hawak niya. Tinanggap naman ito ni Celina at nagpasalamat, pagkatapos ay nagpaalam na upang bumalik sa kanilang bahay pagkatapos umupo ng kanyang tatang sa upuan at nagsimulang kumain.
Mahal na mahal si Celina ng lahat ng tao sa paligid nya, ngunit bago paman nya nakamit lahat ng ito ay isa rin sya sa mga hindi pinapansin na babae sa kanilang eskwelahan noon.
Dahil sa hindi naman sila mayaman ay may mga gamit pambabae na minsan ay hindi na nya ginagamit pa dahil kaysa bumili ng ganoon ay pambili nalamang nila ng ulam kaya naman madalas syang tumpulan ng tukso dahil minsan hindi sya nagpapabango o naglalagay ng pulbos sa muka at kapag naglalaro ang kanyang mga kaklase ay madalas na sya ang parusa.
"ang matatalo ay hahalikan si Celina!" "mangkukulam"
"mabaho"
"alipin"
Madalas naririnig ni Celina ang ganyang salita, minsan pa nga ay binabato sya ng kung ano-ano, lapis, papel, notebook, pati libro hindi nalamang sya lumalaban dahil para saan pa? Ganoon parin naman ang mangyayari kung kayat nasanay na lamang siya.
Sa paglipas ng panahon ay ganoon parin ang nangyayari, ngunit ng si Celina ay tumuntong ng sekondarya ay natuto na syang mag-ayos ng kanyang sarili, at doon nagsimula ang panibagong yugto ng kanyang buhay. Nagbago ang pananaw nya sa buhay, kung noon ay panay ang tukso sa kanya ngayon naman ay panay ang pagpuri sa kanya, ngayon ang kadalasan na lamang nyang naririnig ay "Celina ikaw na ba yan?" "Napakaganda mo naman Celina" "Celina may nobyo ka na ba?" "Celina maari ba akong umakyat ng ligaw?" .
Naging masaya si Celina sa mga pangyayari dahil hindi na sya tinukso pa. Ngunit nagsimula naman siyang tila mairita sa tuwing may nagtatangkang manligaw sa kanya. Maliban sa oare-pareho sila ng sinasabi, hindi din siya tinatantanan ng mga ito hanggat hindi ngumingiti o nagsasalita.
"Oh, parang ang bilis mo yata bumalik?" takang tanong ng kanyang nanang ng makita na pumasok sa loob ng bahay nila si Celina na may hawak na basket at bulaklak.
"ako napo diyan nang." Sagot nalang ni Celina ng may ngiti sa labi habang dahan-dahan na kinarga ang natutulog niyang kapatid na si Princess o mas kilala sa palayaw na intet. Hindi na lamang nagkomento ang kanyang nanang at ibinilin na lamang kay Celina ang bunso nila at nagtungo na sa kusina upang magluto at mag-ayos din.
--------