LEVEL 2

1563 Words
"Bakit bangag na bangag ka?" Bungad sa akin ni Blaire nang makaupo ako sa seat ko. Nago-groggy pa kasi ako dahil anong oras na rin ako nakauwi sa bahay. Hindi pa naman ako sanay magpuyat ng sobra. May assignments pa man din kami kaya inabot na rin ako ng alas kwatro ng madaling araw para lang tapusin. Eh kasi naman, isang nakakabwisit na gabi dahil sa pangyayaring 'yon. "Mamaya ko na lang i-kwento." Yumuko ako sa table dahil sa sobrang antok. Hindi naman ako gaanong kita ng teacher namin kaya okay lang hehe. Gusto ko pang matulog. Napataas naman ang kilay ni Blaire. "Baka naman kung saan-saan ka pa pumunta kagabi." "Parang gano'n na nga." Sagot ko rito at saka humikab ng pagkalaki-laki at nagunat-unat na rin. Nakakaburyo rin kasi 'yong subject at 'yong subject teacher namin ngayon sa History. "So saan ka pa galing kagabi?" tanong muli ni Blaire. "Alam mo, wala rin akong ideya eh." "Anong nangyari?" "Ewan ko rin eh." Napapatulala na lang ako dahil sa sobrang kabangagan saka naman ako binatukan ni Blaire dahil sa mga nakukuha niyang sagot. Hindi pa ba obvious na wala ako sa wisyo at inaantok ako? "Parang tanga naman 'to. Ano nga?" "Kalma mo nga 'yang puso mo. Iku-kwento ko mamaya." Napairap na lang siya at nakinig na ulit sa teacher naming puro buhay ang ikinu-kwento. History yata ng buhay niya ang gusto niyang ipaalam sa'min kaloka. Mukhang kalahati lang din ang interesado. Si Holly ay palihim na nagbabasa ng e-book at si Rose naman ay naglalaro ng mobile games niya. Ang ibang kaklase ko ay may kanya-kanyang mundo. Tapos ako? Ewan ko ba. Nananaginip na yata akong na sa higaan ako. Gustong-gusto ko pa matulog eh. Bwisit na Gio kasi. Maya-maya may kumatok sa bintana kung saan malapit ang pwesto ng aking upuan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Gio sa labas. Speaking of the dumbass devil, ano na namang ginagawa niya rito?! Wala akong perang pangbayad sa mga ipapabili niya. May sinasabi siya sa labas ng bintana pero hindi ko naman maintindihan kaya inirapan ko na lang at hindi na pinansin. Istorbo. Bahala ka r'yan. Umalis na rin siya at mukhang badtrip pa yata. Aba, badtrip din ako sa kanya simula pa kagabi pagkatapos niya akong pagbayarin sa pagkain niya. Nagalaw ko pa ang ipon ko dahil sa kanya. Maka-idlip na nga lang. Canteen "Oh my gosh! So ang magiging father-in-law mo is 'yong may-ari ng school?" kilig na sambit ni Rose. "Shut up. Anong father-in-law? Eh hindi pa nga kami gano'n na magkakilala eh. At saka wala akong balak 'no. Mamaya may kung anong masama pa ang gawin sa'kin no'n." Kinuwento ko na sa kanilang tatlo ang nangyari kagabi — kung paano nagtagpo ang landas namin ng hayop na Gio. Wala akong pakealam kung sikat siya o anak pa siya ng presidente ng Pilipinas. Basta, ayoko sa kanya. "Malay mo, siya na magalis niyang heartache mo," ani ulit ni Rose. "Ipakilala mo nga sa'min 'yan," singit ni Holly na tapos na ring nguyain ang egg sandwich niya. Napapangiwi na lang ako sa kanila. Mukhang suportado pa sila kay Gio. Hello? Ako kaya ang kaibigan niyo rito. Argh! And speaking of the ramen, coffee lover and ice cold bastard dumbass devil... Again. "Jasmine!" Tawag sa'kin ng inis na inis na boses mula sa malayo. At alam ko kung kanino 'yon. Agad akong napatayo nang makalapit siya sa table namin. "Ano na namang gusto mo?" salubong ko sa kanya at imbis na sagutin ako, hinawakan niya ang braso ko at hinila papalabas ng canteen. Sinusundan kami ng tingin ng mga babae at panigurado mga chikababes 'to ni Gio. Anak siya ng may-ari ng school kaya imposibleng hindi siya kilala. "Ano ba? Bitawan mo nga 'ko!" Dinala niya 'ko sa likod ng school. Maraming puno at mga bulaklak dito at maraming benches. Masasabi kong mukhang garden at perfect for dates ang ganitong klase ng spot. Ngayon ko pa lang nakita 'to. And as far as I know, bawal ang mga students dito. "Bakit hindi mo 'ko pinansin kanina?" Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya. "Hindi mo ba nakita? May klase kami kanina. Istorbo ka." He crossed his arms and smirked. "Hindi ka naman nakikinig." he said. Guilty ako ro'n ah. Well, totoo naman 'yon. Sino ba naman kasing gaganahan sa gano'ng klase na puro talambuhay ang topic? "Is that how you treat your new boyfriend?" he continued. Naririnig ba nito mga sinasabi niya? "Alam mo, hindi ka lang pinaglihi sa yelo na umiinom ng kape at nagpapainit sa ramen. Kasing kapal mo rin talaga 'yong notes ko sa Math dahil sa mga sinasabi mo." "Haven't you heard last night? You're now my stupid grumpy li'l baby. So shut up. We're couple now. And that's a deal, stupid." Bakit ba trip na trip ako tawaging "stupid" nito? Nakakainis. "'Wag ako ang pagtripan mo ha. Hindi ako natutuwa sa'yo." "Not another word, stupid." "Isa pang tawag mo sa'kin ng stupid. Isusum—" Walang ano-ano'y idikit niya 'ko sa puno at saka ko naramdaman na lumapat ang mapula niyang labi sa akin. Hawak niya ang aking mga balikat at hindi na 'ko pinagsalita. Nanglambot ako bigla at tila tumigil ang mundo ko. Hindi ako mapakali na ewan. Alam mo 'yong parang gusto mong maihi na sa sobrang kaba na hindi mo maintindihan kung ano ba dapat maramdaman mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umiingit ako at pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas niya. Ang tagal na ring magkadikit ng mga labi naming dalawa. Oh my gosh. Help! He stole my first kiss! Maya-maya lang din ay inalis na niya ang pagkakahalik sa akin. Agad ko siyang nasampal at aminado akong hindi ako makapagsalita. Bigla ring uminit ang aking mga pisngi sa nangyari. Gaano na ba kasira ang utak nito ni Gio? "Why did you do that for?" natatawang sabi nito. "Gago ka ba?! Bakit mo 'ko hinalikan?!" "It means, you're mine now. Na-virginan ko na. Pa'no ba 'yan?" He smirked. Hindi ko na alam sasabihin ko. Pinaghahampas ko na lang siya habang sa kaloob-looban ko eh gusto kong mangumpisal sa harap ng mga magulang ko. Mama, papa, sorry po. Alam kong nakita niyo 'yon. Hinawakan niya ang mga braso ko na nagpatigil sa'kin kakahampas sa kanya. "Hey stop. Hahaha!" Pang-aasar niya pa sa'kin. "You dumbass devil! Hindi ako interesado sa'yo!" "Mga babae talaga. Masyadong pabebe. Sila na nga mamahalin, sila pa ayaw at galit." What did he just said? Kayong mga lalaki, kayo na nga rin 'tong minamahal pero iniiwan niyo pa. Pathetic species. "Oh, Jassy, ang cute mo. Mukha kang pokemon na nagagalit." "Tigilan mo na nga 'ko!" "No. I won't, stupid. Hangga't hindi pa fifty days hindi kita titigilan." Sabay gulo niya na naman sa buhok ko. Ewan ko kung aso ba tingin sa'kin nito at laging ginaganito ang buhok ko. Argh! Sana may dumating na UFO at nang makuha na siya. "Bakit fifty days?" "Bakit din ba matanong ka?" tanong niya rin pabalik. Ewan ko kung makakakuha ba kami parehas ng matinong sagot. "Bakit din ba hindi mo 'ko masagot ng maayos?" "Maiba naman tayo. 'Yong iba laging thirty days eh. Gagawin kong fifty days ang akin. Wala, trip ko lang dagdagan ng araw. — Oh wait..." Hindi kuntento sa thirty days ang lintek. "Ano nanaman 'yon, pinaglihi sa yelo na umiinom ng kape at nagpapainit sa ramen?" "Do not fall in love with me. That's a rule, okay?" Dagdag nito. Wow. GGSS ka rin pala 'no? Taas ng confindence. As if namang ma-fall ako sa'yo. Gwapo ka, maraming nagkakagusto sa'yo at imposibleng wala kang natitipuhan sa mga babaeng habol nang habol sa'yo. Kaya 'wag ako ang lokohin mo, Gio. Iba na lang. Sawa na puso ko na mapaglaruan. "Why would I be if I'm not interested? Baka ikaw pa ma-fall sa'kin 'pag nagkataon." Napangisi ako. Ang yabang ko naman sa sinabi ko. Kahulog-hulog ka ba talaga, Jasmine? Kung kahulog-hulog ka, bakit ka iniwan? Minsan na nga lang maging assumera, may isip pang humahadlang huhu. He glanced at me — giving me that head-to-toe look. "Well, let's see. See you later, stupid." Ginulo niya muli ang buhok kong kakaayos ko lang. "STOP CALLING ME STUPID!" Naglakad na siya pabalik ng campus at iniwan niya 'ko ritong magisa sa likod ng school. Naupo muna ako sa bench at inisip kung ano nang mangyayari sa buhay ko simula no'ng makita ko siya kagabi. Napapatulala ako sa mga bulaklak at hindi mawala-wala sa isip ko kung paano nangyari ang halik na 'yon. Bakit ako umiinit? Hindi naman nakakalagnat ang halik diba? Hays. Vaughn Gio Rivas, sa susunod 'wag kang magda-drive ng naka-shades. Gwapo ka rin sana kaso para akong tatangayin ng hangin sa sinabi mong 'wag akong mahuhulog sa'yo. Sabi rin nila na lahat ng tao na darating sa buhay natin ay may rason. May dahilan kung bakit pinagtagpo. Pero sa dinami-dami namang pwedeng maka-cross paths, bakit itong si Gio pa? Anong dahilan at silbi naman nang pagdaan niya? Bigyan ako ng sakit sa ulo? Napakamot na lang ako ng ulo. Saan na ba 'yong tatlo? Makaalis na nga rito. Mamaya may makakita pa sa'kin. Speaking of makakita... Wala bang cctv rito? Nanlaki ang mata ko nang marealize ko 'yon. Dyos ko po! Sana wala kundi malalagot talaga kami sa principal. Ayaw ko namang mapunta sa guidance. Waaah! Gio ginugulo mo na agad ang nananahimik na buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD