LEVEL 3

1562 Words
Nakabalik na 'ko sa room at kasama ko na ulit 'yong tatlo. Magdi-dismissal na rin mamaya. Sa wakas at makakauwi na 'ko. Sana naman hindi ko na makasalubong si Gio sa daan o kahit saan man. Sana lamunin na rin siya ng lupa. Am I too harsh? I don't care. Dapat lang sa kanya 'yon. Hmp! "Saan ka ba galing?" muli na naman akong tinanong ni Blaire. "Long story," walang gana kong sagot. Biglang singit din ni Holly habang nanlalaki ang mga mata. "Anong ginawa niyo ni Gio?" "Nag make-out na ba kayo?" Rose asked calmly. Sunod-sunod agad ang tanong nila samantalang ilang minuto lang naman ako nawala. I defended myself. "Seriously?! Mukha ba 'kong easy-to-get? Wala kaming ginawa ah." Mga iniisip ng mga 'to kakaiba eh. Kakakilala ko pa nga lang sa tao. Kaloka. Hindi naman ako kaladkarin. Kahit magkagipitan man tayong apat hindi ko susuko 'to 'no. "Parang hindi ka naging easy-to-get ha?" Pang-aasar sa'kin ni Rose. "Ah–Uhm–Iba 'yon! Hindi na ngayon 'no. I had enough," taas-noo kong sabi sa kanila dahilan para mapangisi silang tatlo. Malay mo ngayon hindi na 'ko pumayag na papaiyakin ako ni Gio. At saka bakit naman ako iiyak? Eh hindi nga 'ko pumapayag eh. Bahala siya. Paniwalain niya sarili niyang girlfriend niya 'ko. Gano'n na ba 'ko kaganda? Hahaha! Maya-maya nag-dismissed na si ma'am ng klase. As usual, hiwa-hiwalay na naman kaming uuwing apat. Bakit kasi hindi na lang kami magsama sa iisang bahay? Buti nga sila walang problema eh. Samantalang ako, parang pusa rito na magnanakaw ng ulam at sobrang ingat nawa'y 'wag sana kami magkita ng demonyitong Gio. Nagmamadali at nagmamasid-masid ako sa paligid nang marinig ko ang pamilyar na boses. "Saan ka pupunta?" tanong ng boses na cold ang tono at alam na natin kung kanino 'yon. Sa pinaglihi sa yelo na umiinom ng kape at nagpapainit sa ramen lang naman. Napatigil ako at dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nandito na naman siya kasama 'yong kotse niyang may bahid ng takong ko. "Uuwi." "Bakit nagmamadali ka?" tanong niya muli. Pa'no ko ba sasagutin 'to ng hindi ako mapapahamak? Baka kapag sinabi kong ayaw kong makita ang pagmumukha niya masaktan damdamin niya. Ayaw ko naman makapanakit ng feels hehe. "Gutom na kasi ako eh. Kaya nagmamadali akong umuwi," dahilan ko. Naku naku! Parang mali 'yon ah. Hindi pala dapat 'yon ang sinabi ko argh! Baka mamaya dalhin niya na naman ako sa Ramen Resto tapos ako na naman pagbayarin. Hindi na talaga pwedeng mangyari 'yon. "Get in the car," utos nito sa'kin. Aba, bakit naman ako sasakay samantalang dalawa paa ko at kaya kong maglakad magisa. Strong independent woman yata 'to. Strong independent woman ba kamo, Jasmine? Eh hindi ka nga marunong magluto. "Kaya ko nang umuwi magisa. May sarili naman ak—" "Get in the car." Putol niya. Napakasuplado talaga nitong ulupong na 'to. Nakabukas na 'yong pintuan ng kotse niya at hinihintay na lang ako pumasok. Alam mo, sayang 'yong lamig ng aircon ng sasakyan. Kapag mayaman talaga walang pakealam sa mga bagay hays. "Hindi ka hihilahin ng upuan d'yan para pumasok," aniya. Bakit? Magical ba 'yong upuan nito para hilahin ako kusa? Kaloka. Hindi ko alam kung paano nangyari pero parang mina-magnet ako ng sasakyan ni Gio. Dahan-dahan din akong pumasok sa kotse habang nilalamig sa kaba. Pumasok na rin siya at umupo sa driver's seat. Nilakasan niya rin 'yong aircon na may freshener at pinaandar na. No'ng nakaraan walang freshener 'to ah? Ang sakit sa ilong. Nakakahilo. "Saan na naman tayo pupunta?" "Just wait," sagot niya sa'kin habang nakatingin sa daan. Baka kasi mamatay kami kapag sa iba siya nakatingin eh. Buti nga ngayon hindi na naka-shades at nakainom juicecolored. Naisip niya siguro kung gaano kahalaga ang isang buhay. Sana lagi niyang maisip 'yon bago mag-drive 'no? "Pwede po bang pakipatay ng aircon? Sobrang lamig eh. Ang sakit din sa ilong ng freshener mo. Hindi ka magaling pumili," reklamo ko pero in a nice way. "Edi tanggalin mo ilong mo," pilosopong sabi niya dahilan para mapakunot ang noo ko. Napakabait mo naman talaga kausap. Parang kanina lang ang saya-saya mo kausap sa likod ng school ngayon cold ka na naman magsalita. Napaka-weird. Kakaiba ang mood swings mo ha. Siguro kakaiba ka rin reglahin. Mas masahol pa sa babae kung magsungit. "Nandito na tayo." Inihinto na ni Gio ang sasakyan. Sabay kaming bumaba at ang bumungad sa amin ay isang malaking bahay. Hindi naman totally malaki na mansion, malaki lang at mukhang mayayaman ang laman ng bahay. Pero anong ginagawa namin dito? "Bahay mo?" nasasabik kong tanong. "Hindi. Bahay ng kapitbahay 'yan. Ito 'yong akin, stupid." Turo niya sa isa pang bahay na nasa likuran namin. "Ahhhh." Napakamot ako sa batok. "Hehe. Sorry. Hindi ko naman alam eh." Napahiya ako ro'n ah. Dibale babawian ko talaga 'to sa susunod. Ito pala ang bahay niya. Simple lang, parang balcony ang datingan. May garahe rin naman pala hindi pa pinasok 'yong kotse niya ro'n. Ang ganda ng labas ng bahay ni Gio. Eh 'yong loob kaya nito? Kamusta kaya? "Papasok ka ba o magpapapapak ka sa mga lamok d'yan?" Tawag niya sa'kin nang makaakyat siya. Agad akong sumunod sa kanya. "Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko ulit nang makaakyat din ako. "Ang dami mo namang tanong," sabi nito. Hindi ba 'to tinuruan ng mga magulang niya kung paano sumagot ng maayos? Kawawa naman 'to. Sabagay, nagda-drive nga ng naka-shades sa gabi eh. Pumasok na kami sa loob and boom! Gaano katamad ang isang anak ng owner ng school? 101% tamad. "Ang kalat naman ng bahay mo," ang unang lumabas sa bibig ko nang makatapak ako sa bahay niya. Wala ba siyang maid? Pfft. Mayaman pero walang pang-hire ng katulong o 'di naman kaya vacuum man lang para matanggal 'yong mga alikabok. "You mean "bahay natin"," aniya. Excuse me? May sarili akong bahay 'no. Pinamana sa'kin nina mama at papa bago nila ako iwan at hindi ko basta-basta lalayasan 'yon. "Simula ngayon, dito ka na uuwi." Dagdag pa ni Gio. "Nagbibiro ka ba? May sarili akong uuwian." Mas maganda pa ang bahay ko rito. At for sure, mas malinis ang sa akin. "Girlfriend kita at dito ka na uuwi. And as a girlfriend–Aalagaan mo na rin ako." At nagabot siya sa'kin ng feather duster. Parang alam ko na gagawin ko ah. "Linis?" Inangat ko ang feather duster. Mukhang ako yata ang magiging katulong ah? "Obvious ba?" "May kotse ka pero 'di mo magawang mag-hire ng katulong?" "Then you'll be my maid instead. Ayaw mo naman pumayag maging girlfriend ko eh," sabi niya. What the fudge? Girlfriend pa nga lang ayaw ko na eh. Maging katulong mo pa kaya? Desisyon ka! Kung ganito kagwapo 'yong amo, sige go na. Kapal ng mukha mo talaga! "Girlfriend nga hindi na 'ko pumayag eh. Maid pa?!" "O edi mamili ka. Be my girlfriend for fifty days? Or, be my maid for fifty days? And if I were you, mas pipiliin ko na lang maging boyfriend mo." He smirked. Bakit parang wala akong karapatan tumanggi? Ano na bang nangyayari? "One thousand five hundred ang sweldo ng katulong ko. Ewan ko lang kay daddy." "Aba! Anong tingin mo sa'kin bayaran?! Mas pipiliin ko na lang maging girlfriend mo kesa maging katulong ako rito." WHAT THE f**k? ANONG SINABI KO? HA? Jasmine naririnig mo ba ang sarili mo?! "Okay, then, you're my girlfriend. And please, pakilinisan naman 'tong sala." utos niya na naman sa'kin at ginulo 'yong buhok ko bago siya umakyat sa taas. 'Di ka lang pala pinaglihi sa yelo, demonyo ka nga rin pala talaga. Hindi nga 'ko nagkakamali. "Oh wait..." Bumaba ulit siya. "Ano na naman 'yon?" tanong ko. Sinara niya ang pinto at ni-lock. Aba gago 'to ah. Akala niya siguro tatakas ako. Pero gano'n na nga rin ang naiisip kong gawin. "Bakit mo ni-lock?" "Para hindi ka makatakas." "Para kang tanga." bulong ko sa sarili ko. Masungit naman itong lumingon sa'kin nang mapatigil siya sa pag-akyat. "May sinasabi ka ba?" "Wala po, boyfie." Eww. Cringe to highest level! "Wait—Ano 'yon?" "Wala. Umakyat ka na nga ro'n, supladong bingi." "Okay, my grumpy li'l baby." Sabay ngiti niya sa'kin. The heck he just called me? Aba, ngumingiti rin pala 'tong demonyong 'to. Akala ko habang buhay na nakasimangot. Tuluyan na siyang umakyat at saka ako naglinis. Napakagaling nga naman talaga, oo. Bwisit. 11:26 PM Pagod na pagod na 'ko. Nami-miss ko na rin agad bahay ko. Nag-phone muna ako saglit nang may marinig akong footsteps. Si Gio na naman 'to. Agad kong pinatay 'yong phone ko at humiga sa couch niya. Nagtulug-tulugan ako dahil ayaw ko nang mautusan. Feeling ko inaalila ako nito ngayon pa lang. Tumigil ito sa akin saglit. "Stupid, gising ka pa ba?" Ginalaw niya 'yong braso kong nakalaylay sa sahig gamit paa niya. Loko talaga 'to. Dumilat ako bahagya para makita siya, bumalik siya sa taas at may kinuha saglit. Bumalik din siya sa'kin agad kaya pumikit ako ulit. Maya-maya may ipinatong siya sa'kin, kumot. Oo, kinumutan niya 'ko. "Good night, stupid," sabi niya at saka umakyat ulit. Exercise na exercise 'yong binti ni Gio kakaakyat-baba sa hagdan. At amoy alak na naman siya. May bar ba ro'n sa taas? Nevermind. Bumangon ako ulit para kunin 'yong phone ko. Akalain mo 'yon? Mabait naman pala. Baka ngayon lang 'to. 'Wag kang papalinlang, Jasmine. Tapusin mo na lang 'yong fifty days ng matapos na rin ang problema mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD