"Stupid, gising na." Nag unat-unat ako at nagkusot ng mga mata. Parang may nararamdaman akong sobrang lambot, malamig at...
Bakit parang ang dami kong dantayan? Oh my gosh...
"Hindi ka pa ba tatayo r'yan?" bungad ni Gio. Bigla akong napabangon no'ng nagsalita siya. Tinignan ko buong katawan ko at salamat dahil may damit pa naman ako. Buo pa katawan ko, 'di pa binibenta laman loob ko, at bakit ako na sa kama?!
"Anong ginawa mo sa'kin?!"
"Wala."
"Anong wala?!"
"Kung ano man 'yang nasa isip mo, masyado kang assuming."
"Pa'no ako napunta rito?!"
"Binuhat kita. Alangang ginapang mo mula first floor hanggang dito sa kama ko."
Ang aga-aga naman ito bubungad sa'kin. Nagising buong kaluluwa ko. Pero teka, bakit ang dilim pa sa labas? Akala ko umaga na? Wala pa namang araw.
"Anong oras na, Gio?"
"3:25."
What the heck? Alas otso pa ang pasok ko. Ewan ko sa tukmol na 'to kung anong oras 'yong kanya. Bakit ako ginising nito ng ganitong oras? Bwisit naman!
"Sasamahan mo 'ko lumabas." Dagdag niya at saka umupo sa tabi ko. 'Wag kang magbabalak ng kung ano-ano. Hindi pa tayo kasal. Choss! Kung buhay si mommy kanina pa 'ko sinampal no'n HAHAHA!
"Labas? Ganitong oras gagala ka? Hindi pa bukas mga malls."
"Common sense naman. Mukha ba 'kong magma-mall sa suot ko at sa ganitong oras?"
Sabagay, naka-shorts lang kasi siya at t-shirt saka nakasapatos. Mukha rin siyang jeepney driver sa morning towel na nakasabit sa balikat niya. Maliban sa mukhang jeepney driver eh mukha rin siyang magsa-sideline.
Napahiga na lang ako ulit. "Eh saan ba kasi kita sasamahan?"
"Magbihis ka na," utos niya. Ang layo ng sagot. O sige may patutunguhan 'yong convo nating dalawa.
Bigla niyang hinila ang unan ko kaya napabangon ako ulit.
"Hoy ano ba?!"
"Bumaba ka na lang after mo magbihis." At nauna na siyang bumaba. Tumayo na 'ko at nag-cr, naghilamos. Hindi ako magpapalit dahil wala naman akong gamit dito. Buti sana kung kasya mga briefs at boxers niya sa'kin. 'Yong uniform ko pa rin 'yong suot ko hanggang ngayon. Feeling ko ang dugyot ko na.
Pagkatapos ko sa aking sarili ay saka na rin ako dumiretso sa kusina kung nasaan siya.
Ganda ng kitchen panget lang 'yong may-ari.
Umupo na 'ko at nasa harap na 'ko ng lamesa. May mga pagkain na rin. "Ikaw ba nagluto nito?" nasasabik kong tanong. "Oo. Happy breakfast," aniya. May scrambled eggs, hotdog at saka plain rice. May gatas at kape rin. Mas maayos pa ang luto niya kaysa sa'kin. Kumain na kami ng sabay. Medyo awkward kasi walang nagsasalita sa'min.
"So... Uhm... Saan nga kita ulit sasamahan?"
"Magjo-jogging tayo."
"Pa'no 'ko makakapag-jogging at nakatakong ako?"
"Kinuha ko na mga gamit mo. Na sa sala."
Tinignan ko nga sa sala at hindi nga siya nagsisinungaling. Nandoon nga ang mga maleta ko. Paano niya naman nakuha ro'n 'yon? Hindi naman siya kilala ro'n sa bahay.
Bumalik ako sa kusina.
"Paano mo nakuha 'to?"
"May babae ro'n sa bahay niyo kanina. I asked for her permission for you to stay here and she agreed. Pero bago siya pumayag, na-hotseat muna ako. Ano mo 'yon?"
"Yaya ko 'yon."
Feeling ko binenta ako ni yaya rito ah.
"Nasaan si Tabby?"
"Sino 'yon?"
"'Yong pusa ko. Sana sinama mo na rin sa pagkuha ng gamit."
"Ayoko ng pusa."
Aba, ayaw din naman siguro ni Tabby sa'yo. At mas lalong ayaw din ng amo ni Tabby sa'yo. Inirapan ko na lang siya at tumuloy na sa pagkain. Pag balik ko tapos na siya.
"Ang bilis mo naman kumain."
"Dalian mo na lang din d'yan. Ang dami mo kasing chechebureche sa buhay," pagrereklamo nito. Paubos na rin naman 'yong pagkain ko. Infairness masarap siya magluto kahit simpleng breakfast lang. Maya-maya lang rin ay tapos na 'ko. Hindi ko na rin iiwan 'to rito sa lamesa. Ako na lang din maghuhugas.
"Hurry up stupid." inis niyang sabi. Ibato ko kaya sa'yo 'tong mga plato. Nakakagigil ka ha. Hindi rin yata tinuruan kung paano maghintay.
"I'm done." Pinunas ko ang kamay ko sa palda ko. Kumuha na rin ako ng mga damit para magbihis. Grabe! Pati mga sapatos ko nandidito. Pati mga make-ups ko. Bakit parang buong laman ng kwarto ko dinala niya? Fifty days lang din naman ako rito. Para akong naglayas o 'di naman kaya pinalayas. Kaloka.
Naligo na 'ko at pinagantay ko ulit siya ng mga fifteen to twenty minutes. "Matagal ka pa ba?" He annoyingly knocked on the bathroom door.
Bakit ba madaling-madali 'to? Wala naman sa'kin 'yung mga paa niya at pwede na siyang maunang mag-jogging.
"Almost..."
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga.
"Done." Lumabas na 'ko ng banyo at nginitian siya. Maayos na at ready nang mag-jogging. Lumabas na kami ng bahay niya at naglakad-lakad muna. Pasikat na nga rin ang araw. Kamusta na lang sa class mamaya kung kakayanin ko bang magising. Antukin pa naman ako.
"Tara na." Yaya niya at nagsimula na siyang mag-jogging. Pinauna ko siya. Ayaw ko kasing may kasabay ako or may nanunuod sa'kin. Feeling ko mukha 'kong tanga pag nagjo-jogging. Hindi ko siya maabutan. Ang haba ba naman kasi ng biyas niya.
"Hanggang saan tayo?" tanong ko.
"May pupuntahan tayong park," sagot niya.
Makalipas ang trenta minutos...
Parang hihiwalay na sa'kin 'yong mga binti ko.
"Teka—Sandali—Gio," hingal na hingal kong tawag sa kanya. Masyado kasi siyang mabilis at hindi ko siya basta-basta naaabutan. Tumigil siya at bumalik sa'kin.
"Bakit?"
"Pwede magpahinga muna tayo? Hindi ko na kaya eh."
Nginisihan niya lang ako. "Stupid na nga weak pa. Halika na." Sabay hila sa'kin papunta sa isang malilim na puno. Doon, nagpahinga kami. Nagpahangin at inenjoy ang view. Sobrang linis dito. Wala ring masyadong tao sa part na 'to.
"Gio, may tubig ka ba?"
"Nakalimutan ko."
"Stupid ka rin pala."
"Ano?" Napatigil siya sa pagpupunas ng pawis niya.
Ang hot niya.
Aish! Ano ba?! Mukha siyang adobo ngayon sa pawis niya.
"Wala."
"Fine—Wait lang ah." Paalam niya sa'kin nang makatayo siya.
"Saan ka pupunta?"
"Saglit lang," sabi niya at umalis. Ewan ko kung saan siya pupunta. Pero bahala siya marunong naman siya bumalik. Basta ako magpapahinga lang muna.
Nagmamasid-masid lang ako habang wala pa siya. Tamang pahangin lang din at soundtrip. Dala ko kasi 'yong earphones ko. Habang nagpapatugtog ako, may nakakuha ng atensyon ko. Isang couple at familiar ang isa sa kanila sa'kin.
Ang liit nga naman talaga ng mundo.
Ang sakit.
May pumatak na luha sa pisnge ko. Para akong sinasaksak. Malabo mata ko pero nakita ko pa kayo, ikaw, Clyde.
"Ice cream?" ani ni Gio nang makabalik siya. Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko na sunod-sunod nang tumutulo saka ako humarap sa kanya. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala ang loko.
"Nand'yan ka na pala. Bakit ang tagal mo?"
He looked worried. "Bakit ka umiiyak?"
"Wala. May namimiss lang ako," dahilan ko. Ayaw ko kasi pagusapan pa ang nakita ko. "Naghanap lang naman ako ng ice cream na-miss mo na agad ako." Sabay abot nito sa'kin. Hindi ko alam kung matatawa ako o mabubwisit.
"Hindi ikaw. Assuming ka rin eh 'no."
"Eh sino ba?"
"Parents ko. Nakakita kasi ako ng complete family. Nainggit lang ako," paliwanag ko. Naglakad na kami ulit habang kumakain. Stress reliever ko talaga ang ice cream. Buti naisipan niyang maghanap ng makakain pero ewan ko ba hindi pa niya sinamahan ng panulak.
"What happened to them?"
"Maiiyak lang ako kapag kinuwento ko eh."
"Hindi mo pa nga sinasabi sa'kin umiiyak ka na, kanina pa."
"Mga angels na parents ko. Alam kong binabantayan nila tayong dalawa at lagot ka raw sa kanila kapag may nangyaring masama sa'kin. Namatay sila sa sunog. Naiwan kasi si mama sa office ng company nila at naunang nakalabas si papa. Since, wala si mama, agad na bumalik si papa sa loob. Nandoon ako no'ng nangyari 'yon five years ago nang nakalipas. Naghintay ako sa labas kahit gusto kong sumunod kila mama't papa sa loob."
"Then?"
"Ayun. Hindi na sila nakalabas. And then, nakita na lang ng nga bumbero ang mga katawan ng parents kong hindi na humihinga."
"I'm sorry."
"Don't be sorry. Alam mo minsan iniisip ko na mas okay na rin 'yon kasi hindi na sila mahihirapan sa pagtatrabaho. Hindi na sila mase-stressed an–"
"No. Paano ka? Hindi okay 'yon."
"I know. Pero wala akong magagawa eh. Kinuha na sila ni Lord agad sa'kin. Swerte mo nga kasi may nanay at tatay ka pa eh."
Biglang naging cold aura nanaman siya. Napaka-moody talaga nito. "My dad's a jerk," aniya.
"Ha? Ang swerte mo na nga eh. May ari ng school daddy mo. Nabigyan ka niya ng magandang bahay sak—"
"Womanizer 'yon at stepfather ko lang siya. 'Yong tunay kong dad na sa iba rin. Si mommy na lang saka ang ate ko ang natira sa'kin." Putol niya sa sasabihin ko.
"Swerte ka pa rin. Buti nga ikaw may natira pa eh. Ako ni kapatid wala."
"You have me," he sincerely said. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Iiwan mo rin naman ako pagkatapos ng fifty days. Pero ang sarap sa ears no'n. Nakaka-flutter ng puso.
"You have me. But I don't know if I have you." Dagdag niya. Napatigil ako bigla. What the? Ano ba mga pinagsasasabi mo? Hindi ko na alam isasagot ko ro'n. "Why are we having dramas here? Ikaw kasi sinimulan mo eh," aniya.
"Hoy! Sinabayan mo naman—Teka—Anong oras na pala?"
"8:30 na."
Oh my gosh! May class pa pala ako! Late na 'ko!
"Hala! Tara na umuwi na tayo! May pasok pa." Pagmamadaling sabi ko habang hinihila na siya.
"Sabado ngayon. Tignan mo nga phone mo. Tsk!"
Umirap nanaman siya. Tumigil ako saglit at tinignan nga ang phone ko.
"8:32 AM - Saturday"
Ang saya naman.