LEVEL 5

1563 Words
Malayo-layo na rin ang nalakad namin ni Gio pauwi sa kanila. Ubos na 'yong ice cream at 'yong ibang kinain namin. Oo, binusog na niya 'ko sa pagkain. Ayan, nililinaw ko na. Baka kasi ibang busog ang maisip niyo eh. Malapit na rin kami sa kanila nang tumunog 'yong cell. ko. "Rose Calling..." Pasimple niyang sinisilip ang screen ng phone ko. What's up with him? "Who's that? Kabit mo?" tanong niya nang tuluyan ko na lang ipinakita sa kanya ang screen. Kaloka. Nakita mong "Rose" 'yong pangalan sasabihin mong kabit. Duh. Boyish lang 'yong natawag sa'kin pero hindi 'to tomboy 'no. Baka malaglag pa panga mo kapag nakita mo 'to lalo na kapag nakaayos. "Loko. Hindi. Bestfriend ko 'to. Pang babae po kaya 'yong name." Inilapit ko pa sa kanya ang phone para makita niya. Baka mabaliw siya at hindi maniwala eh. "Better be," maawtoridad niyang sabi at inirapan ako. Alam mo? Minsan napapaisip ako kung lalaki ba talaga siya o bakla eh. Sinagot ko na 'yong phone dahil baka magtampo ang kaibigan ko or baka ano ang isipin kapag 'di ko sinagot. Mabilis pa naman mag-alala sa'kin 'yon si Rose. Love na love ako no'n eh. "Bakit ka napatawag?" tanong ko agad nang sagutin ko ito. Maingay sa kabilang linya kaya hindi ko gaanong marinig ang boses ni Rose. Para akong baliw dito na hello nang hello tapos hindi ako pinapansin. Ano na naman kayang ginagawa nito? Nakakarinig ako ng malakas na musika mula sa kabilang linya. Parang may party. [Rose: "Saan ka?"] "Nag-jogging kasama si Gio." sagot ko kay Rose. Ang tagal bago magsalita muli si Rose sa kabilang linya. Baka anong iniisip nito dahil kasama ko ang isinusumpa ko nakaraang araw. Halata rin sa boses niyang nag-aalala nga siya. Hindi nga pala kasi ako nakauwi kagabi sa bahay. [Rose: "Hmmm... Umuwi ka na. Baka may nakakalimutan ka yata..."] Teka, parang meron nga. 'Di ako nakapagsalita agad at inisip ko muna 'yong nakalimutan ko. Ano nga ba 'yon? Hindi pa naman ako matanda pero minsan talaga napaka-ulyanin ko na. [Rose: "Hey, nand'yan ka pa ba?"] "Uhm—Oo. Sige, uuwi na lang ako r'yan," I responded. Hindi ko maalala pero nasa dulo ng dila ko 'yong gusto kong sabihin. [Rose: "Okay. Ingat. Mukhang marami ka rin yatang kaylangang ikwento sa'min."] Narinig kong may mga bumungisngis sa kabilang linya bago niya ibinaba ang tawag. Magkakasama ba sila ngayon? Habang may katawagan ako, nakatitig lang si Gio. 'Di ko alam kung nagdududa ba siyang bestfriend ko nga kausap ko o lalaki. Ilang minuto na rin kayang nakataas ang kilay niyang mas pak na pak pa kesa kay Blaire? Bakit niya ba 'ko binabantayan? Tumunog ulit 'yong phone ko. Text Message (1) >>Rose Agatha>Gio Bugok<< "Stupid, are you coming back here?" Coming back? Parang hindi ko na alam kung ano isasagot ko r'yan ah. Babalik pa nga ba 'ko? O, move forward na lang. Kaylan ba kasi 'to matatapos? Ayan. Nagda-drama na naman ako ngayon. Hays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD