Malakas na tumikhim si Trevor na naroon sa tabi ko nang marahil ay marinig niya ang sinabing iyon ni Gabriel. Pareho kaming napatingin dito at nakitang deretso ang atensyon niya sa harapan, pero ang tainga nito ay umaabot sa banda namin. "Kung hindi ko lang alam na pinsan mo iyang pastor na 'yan ay baka napagkamalan ko nang may gusto sa 'yo 'yan, panay dikit sa 'yo," bulong ni Gabriel kung kaya ay mahina akong natawa. Kawawa naman si Trevor, pati si Brandon ay ganoon din ang pang-aakusa. Napanguso ako, hindi ko na rin pinansin o dinugtungan pa ang sinabi ni Gabriel at baka lalo lang lumala ang trust issue nito sa bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin. Hindi pa nagtagal nang magsimula rin ang MC, marami itong sinabi at nagpasalamat sa mga sponsor na humaligi sa bachelor's party

