Ilang oras ang nakalipas, matapos ang kabaliwang iyon ng squad ay hindi ko na alam kung paano rin natapos ang event. Sa katatawa ko pa nga ay feeling kong nag-lock ang panga ko at nananatili akong tahimik habang maiging pinagmamasdan ang kalangitan. Naroon kami ni Gabriel sa rooftop ng Malba Industry Co. Dito namin napagpasyahan na dumeretso para na rin magpahangin na kagaya ng palaging nakagawian namin noon sa Isla Mercedes, ang kaibahan lang ay hindi namin natunghayan ang sunset. Hindi bale, marami pa namang pagkakataon. Marami pa kaming sunset na panonoorin na magkasama at ilang taon man ang dumaan ay siya pa rin iyong paborito kong kasama. Siya pa rin ang gusto kong kasa-kasama ko sa panonood. Bumuntong hininga ako, kapagkuwan ay sumilay ang mumunting ngiti sa labi ko. Madilim ang l

