"Is it true?" Dinig kong boses sa paligid ko, gising man ang diwa ko ay nananatili akong nakapikit. Kagigising ko lang din naman, naalimpungatan yata ako dahil sa pagdating ng isang presensya. Masakit pa rin ang ulo ko, pero hindi na iyon katulad noong huli kong gising na halos mahati sa dalawa ang ulo ko. Kahit papaano ay kaya ko iyong tiisin, ramdam ko pa rin ang pagpintig ng bawat ugat sa utak ko ngunit tolerable naman kung kaya sa tingin ko ay ayos lang din. Hindi ko nga malaman kung ilang oras akong nakatulog. Ganoon ba iyon katagal para maabutan ko ang pagdating ni Gabby? Unless na lang din kung gumamit siya ng private chopper para makarating dito nang ganoon kabilis, samantalang mahigit pitong oras ang naging biyahe namin noon nang magpunta kami rito. Naguguluhan man ay hinayaan

