"Okay ka lang ba?" Dinig kong pagtatanong ni Daddy Melvs nang makalapit siya sa gawi ko. Tiningala ko ito nang lumapit siya sa akin, siya namang marahan niyang pag-upo sa espasyong nasa tabi ko. Hindi ako umimik, bagkus ay naging kibit ang balikat ko at saka pa lalong pinahaba ang nguso. "You know, it's okay, Gab. Sabi nga nila— hindi lahat ng tao ay maiintindihan tayo," dagdag niya ngunit nagmukha lang din na nakatahi ang labi ko na nananatili iyong nakatikom. "Huwag mong hahayaan na lamunin ka ng galit..." Sa narinig ay awtomatiko akong napalingon kay Melvin, bulgar pang nangungunot ang noo ko habang maigi siyang pinagmamasdan. Hindi lang ako makapaniwala sa mga sinasabi niya kahit ganoon ko ito nakilala. Well, Melvin is a man of few words. Isa pa sa nakakagulat na marinig ko siyang

