"Akala ko ba ay maghihintay ka?" Pinagtaasan ko ito ng kilay, siya namang mahina niyang pagtawa. "Bakit? Pwede ka naman siguro tayong mag-date habang hinihintay kita," pangangatwiran pa nito. Napaismid na lamang ako, kasabay nang pag-alpas ng mumunting ngiti sa labi ko. Gabriel is such an unbelievable, para bang sa isang iglap ay ganito na ang nangyayari na hindi ko na nga halos masundan ang mga ginagawa nito. Kung sabagay din, bakit ko pa nga ba kailangang mag-move on kay Gabby? Sa higit apat na taong naglagi ako sa States ay iyon din ang panahon na nagmu-move on ako, nawala na rin iyong pagmamahal ko kay Gabby. Literal na wala nang natira kung kaya ay hindi ko na kailangan pang isipin ang sasabihin ng iba. In the first place, this is my life and not theirs. Mayamaya lang nang tumango

