Kapatid? As in kapatid niya si Donna Tuazon? Iyong naging private nurse ko noon sa Isla Mercedes? Iyong inakala ko pang may namamagitan sa kanilang dalawa at ilang beses ko siyang pinaghinalaan. Paanong nangyari 'yon? I mean, bakit hindi ko nalaman 'yon? Ano 'to, isa rin ba iyon sa itinago sa akin ni Gabriel bukod pa kay Gabby na pinsan niya? Well, wala namang problema sa akin iyon dahil baka nga sadya lang malihim si Gabriel o literal na nawalan na ako ng oras para intindihin pa ang mga bagay na patungkol sa kaniya. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi ko iyon nalaman nang mas maaga, kasi kung alam ko lang din ay hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras na magselos at mag-isip pa ng kung anu-ano. Hindi sana ako nilamon ng inggit ko ay Donna. Pati na rin ang paratangan silang dalawa

