Chapter 60: Jacky

2199 Words

"So—sorry," utal kong banggit na nananatiling gulat sa naabutan. "Si—sige, alis na ako." "Teka lang! Awatin mo kami!" Dinig kong pahabol na sigaw ni Paul Shin. Gusto kong matawa ngunit masyado akong balisa kung kaya ay hindi ko na sila pinansin pa. Imbes din na bumalik na lang sa taas ay minabuti ko munang lumabas ng bar upang magpahangin dahil na rin sa naninikip kong dibdib. Pakiramdam ko, ano mang oras ay mahihimatay ako sa kakapusan ko ng hangin, rason para hapuin ko ang dibdib ko hanggang sa makalabas ako ng Black Alley. Mula pa roon ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Wala sa huwisyo nang mapabuga ako ng hininga, bahagya akong lumayo at tinungo ang malawak na parking lot. Puno iyon ng mga kotse kung kaya ay hinanap ko muna iyong sasakyan nina Trevor at doon saglit na tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD