Chapter 1: Jacky

3046 Words
"Jaquisa." Dinig kong banggit sa pangalan ko dahilan para mabalik ako sa reyalidad, sa kalutangan ko ay hindi ko namalayan na kanina pa pala ako natutulala sa kawalan. Nagbaba ako ng tingin sa mga daliri kong naroon sa kandungan ko, paulit-ulit ko iyong pinaglalaro upang pagtakpan ang panginginig nito. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa galit na namumuo sa pagkatao ko, o sadyang malamig lang din talaga rito sa loob ng kotse. Huminga ako nang malalim, siya namang lingon ko sa lalaking nasa gilid ko para ibigay ang buong atensyon ko na siyang kanina pa nito hinihingi. Ang kaninang katahimikan na bumibingi sa akin ay biglang naglaho, kasabay nito ay ang muling pagkirot ng puso ko. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha ng lalaking labis kong minahal— sa lalaking pinili kong ibigay ang sarili at sa lalaking labis kong pinagkatiwalaan— sa lalaking pinangakuan ako sa harap ng altar ng habambuhay. Sa kaisa-isahang lalaki na pinag-alayan ko ng puso at kaluluwa ko, bandang huli ay ibang ganti ang isusukli sa akin. At the end of the days, ibang pagmamahal ang ibabalik sa akin. I wonder, ganito ba talaga kapag nagmamahal? Bakit parang sakit? Kabalikat ba ng salitang pagmamahal ang mga pasakit at kalungkutan? Ng pagkasawi at paghihinagpis? Hindi ko mawari kung tunay bang kapalit ng sakripisyo ay ang walang hanggang kasiyahan, pero hanggang saan nga ba ang mararating ko? Hindi ko alam kung saan ako ba nagkulang. Ewan ko kung bakit ako nagkulang. Sa dalawang taong pagsasama naming dalawa bilang mag-asawa ay hindi ko malaman kung tama bang nagkulang ako? O baka naman sumobra pa ako sa sobra? Kasi hindi ko talaga alam, wala akong idea sa kung papaano kami humantong sa ganito? Kung hindi kulang, hindi ba naging sapat? Walang eksaktong dahilan, kaya masyado akong naguguluhan. Wala akong idea, hindi ko mawari kung paano at bakit kailangan 'tong mangyari sa aming dalawa? Minahal ko siya nang higit pa sa buhay ko, pero bakit ganito? Bakit kailangan kong danasin ang ganitong sakit na noon ay hindi ko inisip na mararamdaman ko sa kaniya? Hindi ko nga ma-imagine kung paano ko siya tinagalan at kung bakit kami tumagal ng dalawang taon. And I was thinking, for that freaking two years— hindi ba ako naging okay? I mean, hindi ba ako naging sapat? All I wanted is the best for him, palagi ko ngang inaalala ang kasiyahan niya, bakit hindi niya magawa sa akin? Why can't I be happy with my own husband? Gabby Monte Alba is so close for being perfect among perfect. Name it— nasa kaniya na ang lahat, ang yaman at tikas ng kaniyang katawan. Bonus na lang doon ang angking kagwapuhan niya, pamula sa malalago nitong mga kilay na mas plakado pa kaysa sa akin na babae. Ganoon din ang kaniyang pilikmata na tumatabon sa malalalim nitong mata. Kulay tsokolate iyon at medyo singkit kung kaya ay maihahalintulad ko siya sa itsura ng isang espanyol. Pati ang ilong nito ay patulis at matangos. Maging ang labi niyang mapupula na kay sarap titigan araw-araw at walang mintis, kung hindi ko lang naalala kung bakit ako galit sa kaniya ngayon ay hindi pa ako mag-iiwas ng tingin upang pigilin ang pagnanasang unti-unting nabubuhay sa katawang lupa ko. Kapagkuwan ay ilang beses na nagpakawala nang buntong hininga, rinig ko ang bawat paghinga ko. Kasabay nito ay ang malalakas ding pagtibok ng puso ko na walang humpay na nakikisimpatya sa nararamdaman ko. Ang dami kong iniisip, sari-sari ang emosyong lumulukob sa dibdib ko. Ngunit mas higit doon ang galit at pagkamuhi sa taong kailan man ay hindi ko naisipang kamumuhian ko ng ganito. All of a sudden, biglang bumaligtad ang mundo. Iyong ayaw kong mangyari ay heto at harap-harapan akong sinasampal ng katotohanan. Mayamaya lang nang bumaba ang atensyon ko sa panga nitong nakatiim-bagang, marahil ay naiinis na rin ito sa pagiging tahimik ko. Sa magdamag naming biyahe ngayong gabi ay literal akong naging pipi at bingi na nagmukha lang akong manequin dito. Hindi ako nagsasalita dahil ayokong mapangunahan ng galit ang emosyon ko. Galit ako, oo, pero hanggang sa loob ko lang iyon. Kasi ayokong sumabog dahil alam ko na ang magiging kasunod— ayokong umiyak. Ayokong bigyan siya ng dahilan para kaawaan ako. Awang-awa ako sa sarili ko, pero never kong ibibigay ang satisfaction niya na makita akong nagmamakaawa para sa kaniya. Ayokong magkaroon pa ng ilang rason para saktan niya ulit ako nang paulit-ulit. Kasi sa totoo lang ay sobra akong nanghihina sa katotohanang nangyayari. Ang sakit pala talaga ang masaktan ng taong labis mong minahal. Ang sakit-sakit, hindi ko masabi kung paano— basta ay parang may nawala sa katauhan ko, parang may kulang sa akin. And that lead me to realize na totoong may kulang sa akin. Tama na hindi ako nagkulang sa pagmamahal, sadyang nagkulang lang ako sa standard na mayroon siya. Sa madaling salita, hindi ko napantayan o hindi ko naabot ang gusto niyang mangyari. "Jacky," untag ni Gabby at saka pa inabot ang kamay kong naroon sa hita ko na namamahinga, marahil ay napansin niya ang panginginig ko. Tinunton ko ang kahabaan ng braso niya na nakahawak sa akin, mayamaya pa nang dahan-dahan ko ring iiwas ang mga kamay upang kumawala sa kaniya. Hindi pa nagtagal nang maang ko siyang binalingan, unti-unti ay pagak akong natawa. Gaano man kapait ang nararamdaman ko ngayon ay nagawa ko pang ngumiti, iyong ngiti na abot hanggang sukdulan ang pagkamuhi ko sa kaniya. Samantala ay seryoso lamang ako nitong tinatapunan ng tingin na para bang hindi niya pa makuha ang emosyon ko. Maang akong napabuga sa hangin, parang hindi ako kilala ng asawa ko. Sa ipinapakita niya harapan ko na sa loob ng higit dalawang taon, never niya akong kinilala. Hindi ako nito binigyan ng pagkakataon na kilalanin, kasi katulad ng palaging nangyayari— busy siya. "Ilang beses mo pa ba akong sasaktan, Gabby? Ilang beses pa para mapaghandaan ko na sa susunod," pahayag ko, sobrang ring pagpipigil ang ginagawa ko na huwag mautal. "It's not what you think, babe. Iyong nakita mo ay walang lang. Magkaibigan lang kami, walang namamagitan sa amin ni Siobeh—" "And you're calling me now babe." Maanghang akong natawa, saka pa ilang ulit na napatango sa kawalan. Grabe, ano? Ang cold na nga ng panahon, dinaig niya pa iyong yelo kung paano ako nito pakitunguhan ngayon. Babe? Really? Hindi na ba honey? That's our freaking endearment. Nagbago na pala, huh? Hindi ako na-inform. "So, ano lang pala, Gabby?" asik ko sa mahinang boses habang ikinakalma pa rin ang nagbabadya kong pagsabog. Ayokong mawalan ng kontrol, hangga't maaari ay hindi ako magagalit. Gusto kong i-maintain iyong pagiging perfect wife ko na nakilala ng karamihan na iyon ang naging basehan ko para tanggapin ako ng lipunan. "Pang-ilan na ba ito? 'Di ba ay hindi lang ito ang unang beses? Hindi ba ay hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nahuli kita? And for pete's sake, Gabby— si Siobeh-babe na naman. Ano bang mayroon kay Siobeh na wala ako?" tanong ko na nananatiling nakatitig sa kaniya. Samantala ay abala naman ang atensyon nito sa dinaraanan naming kalsada. Gabi na kung kaya ang palagid ay kasing dilim na rin ng mundo ko ngayon. May ilaw man mula sa mga street lights ay hindi iyon naging sapat, lalo at palabas pa lang kami ng Tagaytay. "Kung hindi pala kita pinuntahan dito sa Tagaytay ay hindi ko pa malalaman ang lahat." Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang may magbara sa lalamunan ko. "Nagsayang ako ng panahon sa pag-aalala sa 'yo, pero ito 'yung maaabutan ko." Sa totoo lang ay wala naman talaga sa isip ko ang puntahan si Gabby dito sa Tagaytay, sabi nga nito ay business proposal lang ang ipinunta niya rito. Nagtiwala ako, may tiwala naman ako, pero iyong tatlong araw na siyang walang paramdam? Like, asawa pa ba ako nito? Hindi ba kami kasal? Hindi ba't nagbigay siya ng karapatan sa akin na pakialaman ko siya simula nang pakasalan ako nito? Ayaw na ayaw niyang nangingialam ako sa buhay nito, but of course, as a wife, as a woman who really cares for him, nag-aalala ako. Iyong hindi man lang niya nagawang mag-update, o tawagan ako para kahit papaano ay hindi naman ako nagmumukhang tanga sa kaiisip ng kung anu-ano. Iyong kahit isipin man lang nito 'yung iisipin ko o iyong mararamdaman ko. Kahit siguro isang tawag, o kahit kapiranggot na text message na lang sana para naman hindi ako nag-aalala na baka napaano na ang asawa ko. Para kahit papaano man lang ay napanatag ang loob ko at nagkaroon ng peace of mind ang katawang lupa ko. Hanggang sa maisip ko na lang na baka tama nga ang kutob ko, minsan na akong niloko ni Gabby. Bagong kasal pa lang kami noon, katatapos lang ng honeymoon namin nang maabutan ko siyang may kausap sa telepono na akala siguro niya ay tulog na ako. Akala ko pa ay patungkol lang sa trabaho ang phone call. Hahayaan ko na sana at magpapanggap na tulog, pero iyong marinig ko siyang nagsabi ng 'I love you' at 'I miss you'? Bakit, huh? Hindi ba niya ako kasama at nami-miss ako nito? Huli ko nang ma-realize, I've been cheated on. Masakit, lalo at hindi naman para sa akin ang mga katagang iyon ngunit mas masasaktan ako kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya, kasi sa totoo lang ay nasa kaniya na ang buhay ko. Siya na iyong naging buhay ko. Pangalawa ay iyong sa opisina naman nito, kung saan saktong nakasalubong ko pa paglabas ng pintuan iyong babae niya. Si Siobeh Pareñas, ang babaeng kausap niya rin noon sa telepono sa araw pa ng honeymoon namin at ang tinatawag niyang babe. Si Siobeh ay naunang girlfriend ni Gabby bago naging kami. Sa madaling salita, ex-girlfriend. Matagal din sila at umabot ng higit tatlong taon. Siya iyong babae na maituturing na first love ni Gabby. Sabi pa ni Gabby, siya 'yung babaeng nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Siya iyong nagtiyaga na turuan ito, na imulat siya sa totoong mundong ginagalawan. Hindi ko alam kung gaano katibay ang naging pagmamahalan nilang dalawa noon, pero masasabi kong mahal na mahal siya ni Gabby na hanggang ngayon ay walang-wala ako kung ikukumpara kay Siobeh. Hindi pa roon nagtatapos ang kalokohan nilang dalawa, take note na may pangatlo pa. Iyon naman 'yung gabing hindi umuwi sa bahay si Gabby, sa maghapon niyang nasa trabaho ay wala siyang naging paalam sa akin katulad ng nangyayari ngayon. Again, as a loving wife, sa pag-aalala ko ay mulat ako buong magdamag na nagawa ko pang mabuksan ang account nito sa isa niyang account para sana maghanap ng hint kung nasaan siya. Ngunit halos madurog ako nang makita mismo ng mga mata ko ang isang video clip. Ipinasa iyon sa kaniya ng isang katrabaho nito kung saan kuha nilang dalawa ni Siobeh na naghahalikan habang nasa loob ng isang kilalang bar. Just imagine how brave he is para ipangalandakan na nangangaliwa siya, and how pathetic I am sa reyalisasyong pati mga empleyado nito ay pinagtataksilan ako. God, I'm so speechless. Sobrang hanga ko sa kakapalan ng mukha ni Gabby ngunit sa ilang beses na pagkakataon ay pinalampas ko iyon, kasi aaminin ko, ganoon ako katanga pagdating kay Gabby. Ano mang panloloko niya sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang pinapatawad. Kasi mahal ko siya, mahal na mahal ko si Gabby. Kaya hindi ko talaga mawari kung bakit kailangan niya akong pagtaksilan. Kung ayaw nito sa akin dahil hindi ko kayang maibigay iyong mga bagay na gusto niya ay sinabi na lang nito una pa lamang. Sana ay hindi na lang kami nagpakasal at hindi na umabot sa ganito. Kung mas gusto pala niya si Siobeh ay sana sila na lang iyong ikinasal. Hindi rin naman kami nagsama ni Gabby para sa tinatawag nilang arrange marriage. We're college sweetheart. Pareho naming mahal ang isa't-isa o baka iyon ang buong akala ko? Simula umpisa ay ako lang naman talaga iyong nagmamahal sa aming dalawa. Sobrang mahal ko kasi siya, to the point na sobra rin akong nabulag sa sarili kong pagmamahal sa kaniya. Kaya ngayon ay parang unti-unti nang nakakalas ang suot kong helmet. Mas mahal niya si Siobeh na baka kaya lang ako nito pinakasalan ay para maka-move on siya? Para makalimutan si Siobeh at sa akin ibuntong ang atensyon ngunit sadyang hindi nito magawa. Sa ilang buwan namin noon bilang magkarelasyon ay kaagad niya akong inayang magpakasal, saka ko lang nalaman ang tungkol kay Siobeh dahil sa mga natuklasan ko sa paglipas ng ilang araw. Gusto kong magsisisi, pero nauna ko na siyang minahal. Though, ako rin mismo ang humanap ng kasagutan sa lahat ng mga tanong na hindi ko maitanong kay Gabby dahil hindi niya rin magawang sagutin. Ako lahat ang kumalap ng impormasyon at lahat iyon ay kinimkim ko ng ilang taon. Sa loob ng dalawang taon naming pagsasama, literal na dalawang taon din akong namuhay sa pagiging tanga. Just imagine kung paano ko tiniis iyong katangahan ko na marahil ay pinagtatawanan na ako. Kung paano ako nagtiyaga. In the end, ako pa itong mas nasasaktan. Ako pa rin iyong talo gaano ko man ipinaglaban iyong tama. Love is just so unfair and so Gabby is— he's selfish. Sa dami nang iniisip ko ay naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng isang butil ng luha sa pisngi ko. "Jacky..." buntong hininga ni Gabby upang kunin muli ang atensyon ko nang saglit na mawala ako sa tamang huwisyo. "Hindi ko alam kung bakit ba kita minahal. Hindi ko na alam kung bakit pa kita minahal." Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mas lalong pag-iinit ng dalawang mata ko. Hindi ko na alam. Gusto kong magising na sa katotohanan, pero sa tuwing naiisip ko na maghihiwalay kami ay nasasaktan ako. Ang ending ay mas kumakapit pa ako sa kaniya. Mas gusto ko pa siyang intindihin. Ganito na ba ako katanga, huh? Mas gusto ko pang paniwalaan na darating din iyong araw na magbabago siya, na balang araw ay babalik din ito sa dati. Iyong Gabby Monte Alba na una kong minahal at nakilala. "Fine." Malakas na nagpakawala ng hininga si Gabby. "Pasensya na, pero natukso lang ako." Ngunit nagkamali ako, sa sinabing iyon ni Gabby ay tuluyan nang naputol ang litid ng pasensya ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa kung saan damang-dama ko iyong pagkapira-piraso ng puso ko. "Natukso? Ng apat na beses?" maanghang kong palatak, kasabay nang marahas kong paglingon sa kaniya. "Really, Gabby? Natukso?" Taksil ang salitang tukso. In the first place, hindi matutukso ang isang tao kung sapat iyong pagmamahal mo sa ka-partner mo. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit may mga taong hindi makuntento at palaging natutukso ang rason. Hindi pa nagtagala nang tuluyan nang umalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabilis ko lang nasapo ang bibig ko upang takpan iyon para maiwasang mapahagulhol dahilan para maging impit ang pagtangis ko. Bulgar ding yumuyugyog ang dalawang balikat ko para sa sunud-sunod kong pagluha, maging ang dibdib ko ay unti-unti nang naninikip sa mabilis na pagririgodon nito. Pakiramdam ko na ano mang oras ay bibigay ang katawan ko. Natatakot ako na kasabay nang pagkawala ko sa ulirat ay mawala rin ako sa katinuhan. Sadyang nakababaliw lang din talaga, tila ba sa lahat ng kabutihang nagawa ko— ganito ako parusahan ng tadhana. Ganito ako parusahan sa lahat ng sakripisyong ginawa ko. "But I'm trying my best, Jacky. Alam mo 'yan Lumalayo naman ako, pero hindi ko lang magawang matigilan," mahinahong sabi nito habang deretso pa ring nagmamaneho. "Lalo na ngayon... na buntis si Siobeh." Sa narinig ay sandaling huminto ang pag-inog ng mundo ko, kasunod nang pagtigil din ng pagtibok ng puso ko. Literal na napanawan ako ng kaluluwa, kaya tanging pagtitig na lang ang nagawa ko kay Gabby. Mahal ko si Gabby, but honestly— hindi ko na iyon makita pa ngayon. I was too stunned to speak. I left dumbfounded and yet furious. Mayamaya pa nang dumoble ang pagluha ko. Buntis si Siobeh? Ibig sabihin, wala pa mang desisyon ay siya na iyong pinipili ni Gabby? Paano na ako? Ano na lang ang mangyayari sa akin? "Pu—pwede ba akong magtanong?" sambit ko habang nahihirapan na sa paghinga. "Minahal mo ba ako, Gabby? Minahal mo ba talaga ako, huh? Sana naman sa ngayon ay maging totoo ka, please... kahit ngayon na lang." "I did." Nilingon ako nito, kaya kitang-kita ko pa ang pagdaan ng sakit sa parehong mata nito. Saan siya nasasaktan? Sa katotohanang ayaw niya lang talaga akong mahalin? Gaano ko man pigilan ang sarili ay mas lumakas lang ang paghikbi ko. Iyak lang ako nang iyak at wala ng naging pakialam pa sa sarili. "Minahal kita, pero hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Siobeh. I'm sorry, Jacky. I'm very, very sorry," aniya sa boses na puno ng determinasyon dahilan para pagak akong matawa. "Ihinto mo ang kotse," mariing pahayag ko at saka pa tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt ko. "Ibaba mo na lang ako, Gabby. Please, I don't wanna see you." Ever. Again. Not this time. Never. Again. Sandali niyang binalingan ang kalsada bago muling ibinalik sa akin ang atensyon at saka ulit siya titingin sa harapan. Walang tao sa paligid at literal na nilalamon ng kadilim ang kalangitan. Tanaw ko pa ang malakas na hangin na siyang hinahampas ang nagtatayugang mga puno. Ngunit hindi iyon alintana sa akin, hindi ko na iyon inisip pa dahil mas magiging panatag pa ako sa reyalisasyong malalayo ako sa kaniya— kay Gabby. I want to breathe. I just needed some space and time. "Not now, Jacky. Dito ka lang hanggang sa makauwi tayo." "No! Ibaba mo na ako, ngayon din!" singhal ko rito at tuluyan nang nagliyab sa galit ang dalawang mata ko. Mataman ko siyang tinitigan, ilang ulit pa kaming nagsigawan at nang makitang wala itong balak na huminto ay mabilis kong inagaw sa kaniya ang manibela ng kotse, rason para mawala kami sa linya ng kalsada. "Jacky!" Kalaunan nang mahulog kami sa isang bangin nang mawalan ng kontrol ang sasakyan, kasabay nang nakabibinging katahimikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD