"Pero ano bang nangyari at bakit ka lumayas?" eksaheradong pagtatanong ni Donna nang makaupo kami sa hapag. Hindi rin halatang tsismosa ang isang 'to, pero kung sabagay ay kanina ko pa gustong malaman ang dahilan nito ngunit masyado ko lang nirerespeto ang damdamin at desisyon niya, lalo at nahihiya pa siya na magkwento. Nang lingunin ako ni Donna ay dagli ko siyang pinanlakihan ng mga mata, rason para mabilis pa sa kidlat na itinikom nito ang kaniyang bibig. Huminga ako nang malalim at saka naghain ng sariling pagkain. Nakita ko pang maliliit ang galaw ng babae, hindi maipag-aakila ang nararamdaman niyang hiya ngunit nang umpisahan nitong kainin ang luto ni Donna ay wala ng tsansa pa para sa kaniya ang ngumuya. Paano at naging sunud-sunod ang pagsubo nito, takam na takam siya kung kay

