Chapter 38: Jacky

2161 Words

Hindi pa nagtagal nang tuluyang makapagpaalam ang babae, deretso itong tumalikod at walang lingon-lingon na naglakad palayo habang hatak-hatak ng isang kamay niya ang dala nitong maleta. Malalim na ang gabi, bukod sa buwan mula sa kalangitan ay tanging mga poste ng ilaw na lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Kung saan man siya patungo ay hindi ko alam, hangad ko na lang na mapabuti ang kalagayan niya. "Aba at ninang daw ako kasal nila ng boyfriend niya, tch." Dinig kong palatak ni Donna sa gilid ko na hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo. "Baka kamo ay ako pa ang dahilan para hindi matuloy ang kasal nila. Ewan ko rin ba, sa dinami ng lalaking manloloko sa mundo ay may mga babae ring nagpapaloko." Wala ako sa sarili kung kaya ay hindi ako makapagsalita, nakatitig lang ako sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD