Chapter 5: Jacky

3057 Words
Sa buong biyahe namin ni Gabby ay nananatili lang akong tahimik, hindi ko na rin nabilang kung ilang oras na kaming naglalakbay sa kahabaan at walang katapusan na kalsada. Basta ay inabot na kami ng dapit-hapon sa daan, kaya rin ay kitang-kita ko ang papalubog na araw sa kanlurang bahagi. Pinaghalong dilaw at kahel ang kulay ng kalangitan, sa bawat paglipas pa ng minuto ay doon nagbabadya ang kadiliman. Ganoon pa man ay naging payapa ang kalooban ko. Sa nakabukas na bintana mula sa gilid ko ay langhap na langhap ko ang sariwang hangin. Malamig iyon sa pakiramdam na siyang nanunuot sa balat ko, ramdam kong binubuhay nito ang natutulog kong diwa. Pagkatapos kong makulong sa apat na haligi ng hospital na iyon ay para bang ngayon lang ako nakawala at ganito ko ma-appreciate ang paligid. Malayo na kami sa siyudad kung kaya ay bibihira na lang ang nakikita kong mga sasakyan, madalas ay puro tricycle at mga private car na lang. Kaya rin ay marami akong pagkakataon na mapagtuunan ko ng pansin ang mga ibong nanghahalina sa bawat punong nadaraanan namin. Ang ganda lang— iyong tahimik at kapayaan sa paligid ay sumasalamin sa pagkatao ko ngayon. Iyong tipong sumasabay na lamang ako sa ihip ng hangin; sa agos ng buhay. Iyong ako mismo ang nangangapa at dumedepende sa mga nangyayari sa paligid ko. Kung saan sa tingin ko ay makakabuti sa akin ay doon ako, hinayaan ko saglit na ipahinga ang isipan ko dahil sa totoo lang na kahit wala akong maalala ay damang-dama ko iyong pagod sa utak ko. Kaya ngayon ay gusto ko na lang muna ang manahimik. Well, sa palagay ko ay ayos lang naman kung dedepende ako sa ibang tao— lalo kay Gabby. And as long as nariyan si Gabby, kasi literal na pinanghahawakan ko ang mga salitang binibitiwan niya. Partikular na asawa ko ito, kaya marapat lang na pagkatiwalaan ko siya. Ganoon naman talaga 'di ba ang role ng isang asawa? Ang alagaan ang kaniyang kabiyak, suportahan at mahalin. Lahat iyon ay nakita ko kay Gabby, ramdam kong higit pa sa importanteng bagay ang halaga ko para sa kaniya and it made feel overwhelm. Napanguso ako sa reyalisasyong iyon habang maang na tinatanaw sa malayo ang unti-unting paglubog ng araw, mula pa rito sa patag ay kitang-kita ko rin ang pagkislap nang malawak na karagatan hanggang sa tuluyang lamunin ng dilim ang kabuuan ng lugar. "You're loving the view, hmm?" untag ni Gabby na binabasag ang katahimikang namumutawi sa pagitan naming dalawa. "No wonder, tuwang-tuwa ka rin noon sa tuwing dinadala kita rito." Ang takbo ng kotse ay hindi ganoon katulin, iyong sakto lang na para bang nirerespeto nito ang kaninang pagmamasid ko sa paligid at pinagpapantasyahan ang mga bagay na ngayon ko na lang ulit nakita. Sa narinig pa ay mabilis akong tumango bago umayos ng upo. Doon ko lang din siya nilingon mula sa pagitan ng leeg at balikat ko, kaagad pang bumungad sa paningin ko ang magandang hubog ng kaniyang panga. Naroon din sa labi nito ang ngiting animo'y maging siya ay natutuwa na pinapanood ako. "Dito pala tayo unang nagkakilala?" maang kong pagtatanong na madaling tinanguan ni Gabby. "Yup." Mas lalo siyang napangiti, tila ba may naiisip mula sa nakaraan namin. Bukod sa magandang paligid ay hindi maipag-aakilang magandang tanawin din ang gwapo niyang mukha. Bakit pakiramdam ko ay he's too much for me? Pakiramdam ko ay napakalayo naming dalawa, iyon bang ang hirap niyang abutin? Kulang na lang ay masabi kong langit siya at lupa ako. Higit doon ay isa siyang doctor, hindi naman maitatangging may sinabi ito sa buhay. What about me? Am I on the average level of life? O iyong tipong masasabi kong may sapat ng katayuan sa buhay? Naging kibit ang balikat ko. Sa isipin pang iyon ay hindi maiwasang alalahanin ko kung saang pamilya ako nanggaling. Gusto kong malaman kung tunay bang mag-isa na lamang ako sa buhay, kaya wala man lang ni isa ang bumibisita sa akin sa hospital. "Bukod ba sa 'yo... may iba pang malapit sa akin?" Hindi ko na rin nagawang pigilan pa ang sarili at iyon na ang lumabas sa bibig ko, ayoko na ring bawiin dahil nasabi ko naman na. Isa pa, gusto ko talagang malaman. Uhaw na uhaw ako sa parteng iyon ng buhay ko kung ano ba talaga ang totoo, kasi kung ganoon nga ay si Gabby na lang din pala ang natitira sa buhay ko. Siya na lang iyong tao na naiwan na gusto pang kumapit sa akin. Sa narinig ay sandali akong binalingan ni Gabby, isang sulyap lang iyon dahil naging abala na ito sa pagliko niya sa isang tabi. Mayamaya lang nang dahan-dahang huminto ang kotse sa tapat ng isang antigong bahay dahilan para tingalain ko ito mula rito sa loob. Mataas iyon ay higit pa roon ang dalawang palapag, malawak din na malapit ko nanh maihalintulad sa isang mansyon. Madilim man ay sapat ng liwanag ang ilang ilaw na naroon sa iba't-ibang bahagi ng nasabing bahay para mas makita ko iyon ng buo. Tantya ko pa ay matagal na itong bahay, marahil ay alaga lang din ng mga caretaker kung kaya hanggang ngayon buhay na buhay pa rin itong tingnan. Lahat ng haligi nito ay sementado, tila ba inihahanda sa ano mang sakunang mangyayari sa isla. Purong puti at salamin ang nakikita ko roon, tanaw ko pa rito ang enggrandeng hagdan mula sa malaking glass window na sinakop ang unang palapag hanggang sa pangalawa. Sa kamamasid pa ay hindi maiwasang mapanganga ako sa labis kong pagkamangha. Akala ko kasi ay mumunting kubo o bahay-bakasyunan lang ang tinutukoy ni Gabby. Ngunit naaalala ko ngayon na hindi lang basta at simple ang buhay mayroon siya. Lahat sa kaniya ay higit pa, hindi kulang at hindi sapat kung 'di sobra pa sa sobra. Gosh, bakit ba pakiramdam ko ay isa akong gold digger? "I told you, Jacky, don't stress yourself too much. Hindi mo kailangan na pilitin ang sarili mo na makaalala. This is an advice from your doctor, so please, listen to me," mahinahong pahayag ni Gabby dahilan para mabalik ako sa reyalidad. "I just want to know though. Hindi naman ganoon kalaking impormasyon ang hinihingi ko." Napalabi ako, kapagkuwan ay madaling nag-iwas ng tingin at saka pa napabuntong hininga. "Nalulungkot lang kasi ako na wala man lang ang nagtangkang dalawin ako sa hospital." Matapos patayin ni Gabby ang engine ng kotse ay doon ko narinig ang mabigat nitong paghinga nang malalim na hindi ko malaman kung para saan, marahil ay nahihirapan din siya sa sitwasyon ko. Ako nga ay hirap na hirap, siya pa kaya na siya lang din ang nakakaintindi sa akin? Lalo pa at napakatigas ng ulo ko para hindi sumunod sa kaniya. Well, gusto ko lang naman talagang malaman para hindi na ako ganoon nag-aasam at umaasa. Masakit na sa parte ko na wala akong maalala, masakit din na parang pinagkakaitan pa ako sa katotohanan. Kung tutuusin ay tama naman ako, hindi iyon ganoon kalaking bagay para ipagkait pa sa akin. After all, deserve ko naman ding malaman kung totoo bang may pamilya pa ako o wala. Kasi alin man sa dalawa ang sagot ay nauna na akong masaktan na wala man lang ang nagpakita para mag-alala sa akin. Wala man lang ang nagkusa na bisitahin ako para sabihin sa akin ang totoo dahil sa ginagawa ni Gabby ay para lang din akong mababaliw, para lang akong naghihintay sa mga bagay na ikasasakit ko. Pero kung sabagay, wala rin pala akong choice in the first place. "Honestly, ayaw kitang biglain. Ayoko rin na sabihin muna sa 'yo ito, pero since nababagabag ako dahil nalulungkot ka..." Naramdaman ko ang pagdukwang sa akin ni Gabby. Nang lingunin pa ito ay halos lumuwa ang dalawang mata ko nang matantong ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin na nagagawa ko nang malanghap ang mabango nitong hininga. Rason din para mapakurap-kurap ako habang maiging sinusuklian ang paninitig niya sa akin. Kalaunan nang marinig ko na lang ang pagkalas ng seatbelt ko dahilan para magbaba ako ng tingin doon. Hindi ko napansing siya na mismo ang nagtanggal doon na naging mitsa rin para kahit papaano ay nagagawa ko nang makahinga nang maayos ngayong malapit siya. "Wala ka ng pamilya, Jacky," buntong hininga nito, kaya mabilis ko lang din siyang tiningala. Bumalatay ang kalituhan sa mukha ko, kaya bulgar na nagsalubong ang dalawang kilay ko. Hindi pa makapaniwalang tinitigan ko ang mukha ni Gabby, pilit kong hinahanap kung tama bang nagbibiro lamang siya ngunit ang seryoso niyang mukha ang nagsasabing hindi. Mas in-expect ko ang sagot na iyon, mas gusto ko iyong marinig kaysa sabihin nitong mayroon ngunit wala man lang ang bumisita sa akin. Kahit papaano ay naibsan ang sakit sa puso ko, kahit papaano ay naiintindihan ko kung bakit siya lang ang nag-aalaga sa akin ngayon. "Ang pagkawala nila ang naging rason para maikasal ka sa akin," dagdag niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. "Although, we're college sweetheart... so, yeah, pareho nating gustong magpakasal." Sa pagdadalamhati ng puso ko sa reyalisasyong mag-isa na lang talaga ako sa buhay ay marahas akong napahinga nang malalim. Iyon na lang ang magagawa kaysa maghangad pa ng ibang bagay. Nasabi na nito ang gusto kong sagot, kaya marapat lang na manahimik na ako. Kalaunan nang abutin ni Gabby ang baba ko, saka pa niya iyon masuyong pinisil upang kunin ang atensyon kong nawawala na sa huwisyo. Rason iyon upang matitigan ko ulit siya, roon ay nakita ko ang pakikisimpatya niya sa nararamdaman ko ngayon. "Tama na muna ito, ayokong nalulungkot ka. Marami pa naman ang pagkakataon, okay?" malambing nitong banggit, sa nanghahalina niyang boses ay napatango ako. "Okay." Ngumuso ako, kasabay nang pagbagsak ng balikat ko dahilan para matawa si Gabby. "C'mon, wifey. Don't do that." Tumatawa man ay bakas sa kaniya ang tila pagbabanta. "Do what?" takang pagtatanong ko. "That pouty lips... it makes me want to kiss you, real bad." Sa narinig ay awtomatikong umimpis ang labi ko, kulang na lang din ay bumagsak ang panga ko sa sahig ng kotse. Halos lumubog pa ako sa pagkakasandal ko mula sa gilid ng pinto habang sinusuklian ang paninitig sa akin ni Gabby, lalo pa nang bulgar niyang dilaan ang natutuyo nitong labi. Hindi maiwasan na mag-init ang dalawang tainga ko, patungo sa magkabilaan kong pisngi. Halos magtaasan din ang buhok ko. Pakiramdam ko pa ay ang init bigla gayong malakas naman ang hangin sa labas na malayang nakapapasok sa loob ng kotse. Nang makita ni Gabby ang reaction ko ay natawa na lamang siya, nagawa pa nitong haplusin at guluhin ang buhok ko. Roon ko natanto na iyon ang palagi at nakasanayan niyang gawin sa akin sa tuwing may pagkakataon siya. "My bad. Na-miss lang kasi kita," kaagad niyang bawi, kapagkuwan ay umayos din ng upo. "Let's go, Jacky. Lumalalim na ang gabi. You might catch a cold." Naunang bumaba si Gabby sa kotse at saka mabilis na umikot banda sa gilid ko. Nang mabuksan nito ang pinto ay maagap siyang umamba sa akin kung kaya ay nangunot ang noo ko. Hindi ba ako nito ilalagay sa wheelchair? Bubuhatin ba ulit niya ako? "No need for a wheelchair. I can carry you on my own," nakangiti niyang saad na para bang nababasa nito ang hinaing ng utak ko. "Baka mabigat ako," anas ko kasi totoong nahihiya pa ako sa kaniya. Ewan ko, I feel comfortable when I'm with him. Pero sa tuwing may gagawin ito na ikinatutunaw ng puso ko ay biglang nababahag ang buntot ko. Tila ba hindi ako nasanay noon na ganito siya ka-sweet, parang iba iyong namulatan noon ng utak ko. Hindi ako sanay, parang may kakaiba ayon sa nararamdaman ko. Hindi naman ako magre-react ng ganito kung tamang nasanay na ako noon na ganito siya sa akin. Why does it feel like this is a pure dream? Na nananaginip lang ako at lahat ng ito ay purong nasa isip ko lang. "Dumoble man o triple ang timbang mo, it's fine with me, wifey," ani Gabby sa malambing na boses na halos nanunuot sa kaibuturan ko kung gaano siya ka-sweet. Here we go again, the wifey thing. Should I call him hubby? Hmm? Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili dahil sa totoo lang, bilang babae ay literal na kinikilig ako sa kaniya. Tuluyan na rin akong nagpaubaya kay Gabby at sa gusto niyang mangyari, mahigpit kong iniyakap ang dalawang braso ko palibot sa kaniyang batok bilang suporta na huwag akong mahulog. Samantala ay inihilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Naging dere-deretso ang pagpasok nito, walang kahirap-hirap niya akong dinala paakyat sa ikalawang palapag ng nasabing bahay. Ang daming katanungan sa utak ko patungkol sa bahay na ito, pero bukas ko na lang din itatanong. Mayamaya lang nang buksan nito ang isang pinto, kaagad niyang pinasadahan ng kaniyang daliri ang switch ng ilaw dahilan para malaya ko ngayong nakikita ang kabuuan ng kwarto. Saka pa lamang din ako ibinaba ni Gabby at pinaupo sa dulo ng kama. Doon din ako nagkaroon ng chance na matitigan ang loob ng kwarto, purong kulay puti rin ang nakikita ko sa paligid na hindi nalalayo sa nakagisnan ko sa loob ng hospital. Pakiramdam ko ay para lang akong lumipat ng ward. Napanguso ako, kalaunan nang mailing na lamang din ako sa kawalan. "What do you want to do first? Maligo o kumain?" tanong nito na dinudungaw ako sa pagkakaupo ko. "Hmm, may pagkain na ba?" sambit ko sa naturang nang-aasar na himig. Natawa si Gabby. "Wala pa, pero magluluto ako." "All right. Magpapahinga muna ako, saka ako maliligo mamaya," sagot ko. Tumango ito bago saglit na lumuhod sa harapan ko, nagulat na lang ako nang marahan niyang tinatanggal ang suot kong sapatos. Wala sa sarili nang mapagmasdan ko si Gabby, hindi ko na napigilan at kusang umalpas ang mumunting ngiti sa labi ko. "Thank you," usal ko sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig niya. "Small thing, Jacky. And you're always welcome." "I mean, thank you for staying with me. Kahit wala na 'yung pamilya ko ay pinili mo pa rin amg manatili sa tabi ko. Kaya thank you," paglilinaw ko dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. Kumibot ang labi ni Gabby, hindi ko mawari kung para sa isang ngiti ba o anong emosyon ngunit naging sapat na sa akin ang pagkislap ng mga mata nito, tanda nang labis niyang kagalakan ngayon. Nakakataba lang din ng puso ang mga simple nitong galawan. Hindi halata sa pagkatao niya ang pagiging sweet, madalas kasi ay seryoso ang mukha nito na para bang ang lalim ng iniisip niya. Kaya isa sa dahilan kung bakit ako sumama sa kaniya ay para mas makilala ko ito ng lubusan, kung para saan niya ba ito ginagawa. At the same time, gusto kong mapanatag habang nasa bisig niya ako. Gusto ko ng maraming oras para makasama siya. Napahinga ako nang malalim, bakit ba kahit wala pa akong naalala ay parang madali ko na lang siyang mahalin? Mabilis lang nito nakuha ang loob ko. "That's my duty as your husband, Jacky." See that? Hindi ko ba alam kung bakit ang tamis ng dila nito, ang sarap lang niyang pakinggan kapag ganitong nagwawala at nagsasayaw ang mga paruparo sa tiyan ko. Hindi maitatanggi na grabe iyong kakiligan ko. "Anyway, the word... wifey. Iyon ba ang endearment natin? Should I call you hubby then?" maang kong pagtatanong habang pinagtataasan siya ng kilay. That's right, ayaw talaga akong tantanan ng kaluluwa kong hindi matahimik. Sa sinabi ko pa ay malawak na napangiti si Gabby, kasabay nang sunud-sunod niyang pagtango na parang isang bata na nabigyan ng lollipop. "Hubby is pretty good, so yeah, call me hubby. It's like Jacky-wifey and Gabby-hubby." Mahina akong natawa. "Corny." Hindi pa nagtagal nang makalabas si Gabby, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang paligid. Bukod sa isang lamesa at couch na nasa gitna ay wala na akong ibang makitang gamit, maski palamuti sa dingding ay walang nakasabit. Bahagya ko pang nalingunan ang dalawang pinto na magkatabi na sa tingin ko, isa roon ang walk-in closet habang ang isa ay ang banyo. Dahan-dahan nang tumayo ako, sa hirap kong ituwid ang isang tuhod ko ay nawalan ako ng balanse dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Ahh," daing ko ngunit maagap akong napakapit sa gilid ng kama. "Gosh, ang sakit!" Halos mapangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot sa balakang ko. Ganoon pa man ay hindi ako tumigil doon, sa ilang ulit kong sinubukan ay nagawa ko ring makatayo. Ilang beses pa akong nagpalakad-lakad sa kwarto habang paika-ika. Kasabay nang bawat panunuot ng sakit sa mga tuhod ko. Nang mapagod ay bumagsak ako sa wheelchair at ilang ulit na nagpakawala nang mabibigat na buntong hininga, pakiramdam ko ay nakipag-marathon ako sa mga kabayo ay habol-habol ko ang hininga ko. Kalaunan nang dumeretso rin ako sa banyo upang makaligo na, naging pahirap man sa akin ang kalagayan ko ay hindi iyon alintana sa akin. Mas nanaig ang kagustuhan ko na mapabilis ang paggaling ko at pagbalik ng alaala ko, lalo itong pilay ko sa tuhod ko. Sa kadahilanan pang may benda ang leeg ko ay hanggang dibdib ko lamang iyong tubig nang maupo ako sa bathtub. Sa ilang minuto na naroon ako ay hinayaan kong lamunin nang malamig na tubig ang bawat ugat at kasulok-sulukan ng katawang lupa ko. Sandali akong pumikit, saka pa pinilit ang sarili na umalala. Inuna kong alalahanin kung papaano at bakit ako naaksidente hanggang sa mapamulagat na lang ako nang animo'y sirang plaka sa pandinig ko ang ilang sigaw. "I will never forgive you!" Sa katahimikang bumabalot sa paligid ay palakas iyon nang palakas. Puno ng hinanaing at galit ang bawat sigaw na iyon— galing iyon sa utak ko kung kaya ay halos pigain ko ang ulo ko nang hawakan ko iyon dahil sa paulit-ulit na kumukirot ang ugat ko roon. "I swear in hell, hinding-hindi kita mapapatawad. Hanggang sa mamatay ako ay baon ko ang galit ko sa 'yo, you made me feel stupid and dumb. I hate you, I f*****g hate you to death, Gabby..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD