"What happened to you and Venice?" tanong ko nang mapag-isa kami ni Leo sa labas ng bahay. Naabutan ko kasi ito sa may veranda nang gusto kong magpasyang magpahangin. Sakto at nandito niya, mabuti na ring magtanong dahil kanina pa ako nagtataka kung paano naging sila ni Venice na pinsan ko. Because for all I know, si Brandon ang pumagitna sa relasyon ng Warren at Venice. So, I wanna know, para rin may mapag-usapan kami habang naroon pa kami sa labas. Iniwan ko na muna saglit si Gabby sa loob. Kasama niya ang kambal nito sa ibang ina na si Paul Shin, sila lang ang nagkakaintindihan sa kabaliwan nila. Samantalang si Melvin ay tamad na pinapanood lamang sila, marahil ay nawala na rin siya ng choice sa buhay. "Why did you ask?" balik pagtatanong ni Leo, rason para mag-angat ako ng tingin d

