Hindi ko alam kung paano ko saglit na nakalimutan iyong nangyari sa mansion ng Monte Alba, ewan ko kung paano ko pa nagagawang pakisamahan si Gabriel nang hindi sumasabog dahil sa mga nagpatong-patong na tanong sa utak ko. Ang dami kong gustong itanong, gusto kong ilabas iyong mga bumabagabag sa akin ngunit hindi ko naman magawang sabihin iyon kay Gabriel. Ayokong ipaalam sa kaniya iyong napag-usapan namin ng kaniyang ina. Natatakot kasi ako sa mga posibilidad na mangyari, natatakot ako lalo sa katotohanan na baka alam din ni Gabriel iyong issue sa magulang ko at ng magulang ni Gabby. Malamang ay may idea rin siya sa kung bakit ako pinakasalan ni Gabby. Hindi lang dahil sa matinding galit at inggit nito, kung 'di dahil may malalim pang rason. Ayokong malaman na hanggang ngayon ay napupu

