Chapter 3: Jacky

3041 Words
Gabby? Gabriel Monte Alba? Saan ko nga ba narinig iyon? That name sounds so familiar in my head. Hindi ko nga lang magawang alalahanin iyong mga pangyayari sa buhay namin na magkasama kaming dalawa. Hindi ko mawari kung tunay bang siya ang asawa ko kagaya ng sinasabi niya. What if kinukuha lang nito ang loob ko? Wala akong makapang alaala namin sa utak ko na minsan kaming nagkasama. Basta ang huling naalala ko ay madilim na lugar, mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan, mahangin kasabay nang malakas na pag-ulan. Hindi ko maalala kung sino ang kasama ko noong gabing iyon— o kung tama bang siya ang kasama ko sa kotse— o kung ako lang ang mag-isa sa biyahe? Wala akong maalala, ano man ding pilit kong umalala ay literal na sumasakit lang ang ulo ko. Sa tuwing gusto kong umalala ay parang bumabaligtad ang sikmura ko, kasunod nang marahas na pagpintig ng mga ugat sa sentido ko na para bang ano mang oras ay sasabog na lang bigla ang ulo ko. I felt so hopeless. Disappointed din ako sa sarili ko kung bakit humantong ako sa ganito. Pakiramdam ko ay pinagdadamutan ako, masyado akong pinagkaitan ng mundo. Pilit akong nangangapa kung anong klase ako ng tao. Kung sinu-sino ang mga kamag-anak ko, kung kailan ang birthday ko, kung kailan kami ikinasal ni Doc. Gabriel. O kung saan kami nagkakilala, paano kami ikinasal. Saan kami nakatira? May anak ba kami? Ilang taon na ba kaming mag-asawa? Gosh, mariin kong ipinikit ang dalawang mata nang wala akong makapang masabi dahil na rin sa nanginginig ang labi ko. Tila ba sa dinami-rami ng gusto kong tanungin sa kaniya ay nanigas na lamang ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Pinili ko ang manahimik hanggang sa mamalayan ko na lang na nakalabas na pala si Doc. Gabriel sa kwarto— ang lalaki na umaangking asawa ko siya. Honestly, ayokong pangunahan ang nararamdaman ko. Ayokong maramdaman na kahit papaano naman ay para akong napanatag sa katotohanang iyon. Ayokong magpakain sa emosyon ko dahil sa presensya at sinabi ng lalaking iyon. Ang daming what if sa utak ko. Tipong wala na nga akong maalala ay dumadagdag pa sa sakit ng ulo ko ang mga katanungan ko na hindi ko rin naman masagot-sagot. Huminga ako nang malalim, but just like what I said; totoong nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi nagkamali ang pakiramdam ko na parang may something sa kaniya, iba kasi 'yung naramdaman ko nang makita ko ito kanina. I felt secured and protected, knowing din na isa siyang doctor, pakiramdam ko ay mabilis lang din akong gagaling. Kasi nandiyan naman siya para tulungan ako, para mas mapabilis ang pagbalik ng alaala ko. Naniniwala ako na siya ang magiging dahilan na para bumalik ako sa dati and yes— may parte na naniniwala ako kay Doc. Gabriel. Sana lang ay hindi ako ipahamak ng paghahangad ko. Puno man din ng pangamba ang utak ko ay mas nagtiwala ako sa pagtibok ng puso ko, iyong tipong nagpapatunay na matagal ko na siyang kilala at nakasama sa buhay. Ramdam kong malapit ang loob ko sa kaniya at hindi ko maramdamang natatakot ako. Kaya hindi na rin ako magtataka kung madala man din ako sa mga sinabi niya kanina. Muli ay mahina akong napabuntong hininga sa kawalan bago tuluyang nawala sa ulirat. Hindi ko na ulit mabilang kung ilang oras akong natulog at nakahiga sa hospital bed na iyon. Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong dinadalaw ni Doc. Gabriel, marahil ay para tingnan. Kahit pa nga sa pagtulog ko ay damang-dama kong binabantayan niya ako na siyang rason para mas mahabag ang puso ko. Ilang araw pa ang nakalipas. Sa palaging pagturok nila sa akin ng kung anu-ano ay madali lang akong manghina at mabilis na makatulog. Isang beses nang magising ako ay madilim na ang kalangitan mula sa labas ng bintana na naroon sa loob ng kwarto. Ewan ko nga kung oras lang ba ang itinulog ko, o literal na isang buong araw na. Ganoon palagi ang nararamdaman ko, tila ba isang buong araw akong tulog kung kaya ay nagiging madali lang ang pagdaan ng oras sa akin. Hindi ko namamalayang mas napapatagal ako rito. Umawang ang labi ko nang halos manuot sa pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko, sobrang nangangalay ang leeg ko kung kaya ay nagpasya akong bumangon. Dahan-dahan ay umahon ako sa pagkakahiga ko at mahigpit na napakapit sa gilid ng kama. Pinili kong sumandal sa head rest ng hospital bed na kinalalagyan ko, gaano man din kadilim sa labas ay siya namang salungat dito sa loob ng kwarto. Masyadong masakit sa mata ang puting-puting ilaw na tumatama rin sa kulay puting dingding. Tila ba ang kabuuan ng kwarto iyong ay nagliliwanag, hindi na ako magtataka kung ito iyong maliwanag na nasa panaginip ko noong una akong magising dito. Ngunit sino naman iyong humila sa kamay ko? Si Gabby? Well, hindi rin naman kataka-taka. Saan man ako tumingin ay purong puti ang nakikita ng dalawang mata ko, kaunti na lang din ay masasabi ko nang nasa langit na ako. Mayamaya lang nang magbaba ako ng tingin sa kamay ko, partikular sa suot kong singsing. Ito nga kaya ang wedding ring namin ni Doc. Gabriel? Marahan kong iginalaw ang isa kong kamay na siyang may nakakabiy pang suero upang abutin ang singsing na iyon, saka ko iyon masuyong hinaplos nang ilang beses. Nang mahawakan pa ay hindi maiwasan na para akong napapaso, it's worth more than a life. Magkano ba ito? Teka, kung doctor siya ay malamang na may sinabi ito sa buhay. What about me? I mean, anong klaseng buhay ang mayroon ako bago ako nawalan ng memorya? Saang angkan ako galing? Mayaman din ba ako? Or kahit may sinabi man lang sa buhay? O baka naman isa ako sa mga mamamayan na kayang kumain ng dalawa hanggang tatlo sa isang beses, pero kung ganoon nga— bakit ako pinakasalan ni Doc. Gabriel? May kinalaman ba ito sa arrange marriage? Pero hindi, nangyayari lang naman ang fix mariage sa dalawang pamilya na may sari-sariling kumpanya kung saan ang isa ay nangangailangan ng tulong, kaya bilang kapalit ay ang pagpapakasal ng anak. Kung hindi naman, marahil ay baka ipinagkasundo kaming dalawa. Hindi kaya ay nabuntis lang ako ni Doc. Gabriel? Kaya kinailangan nito akong panagutan at itong pagpapakasal namin ay sapilitan lang dahil ang totoo ay ayaw naman niya talaga. That means, may anak na ako? But what if... nasakto lang din na nagmahalan kaming dalawa? Iyong tipong nauna siyang ma-inlove sa akin or vise versa, then ipinaglaban lang niya ako sa pamilya nito? Iyon bang against all odds? Sa kaiisip ay umawang na lamang ang labi ko sa kawalan ko ng pag-asa, makailang ulit akong napahinga nang malalim. Ang dami kong side option na maaaring iyon nga ang totoo, pero hindi ko lang din talaga magawang paniwalaan. Ang gulo na ng utak ko, pero mas hinahangad ko pa rin ang katotohanan. Baka sakali na maalala ko nga. I was just scared for myself, I felt like I'm blinded by the truth. Gising ako at mulat ang mga mata ngunit wala akong maintindihan sa mga nangyayari sa paligid ko. I wish na mabilis lang ang pagbalik ng alaala ko. I just hope I can handle this, or at least survive. Umimpis ang labi ko para sa isang mapait na ngiti. Hindi pa nagtagal nang kaagad ding lumipad ang atensyon ko sa doorknob ng pinto nang gumalaw iyon, hudyat na may papasok. Nangunot ang noo ko, saka pa hinintay ang pagpasok ng tao mula sa labas ng kwarto. Expected ko man din ay nagulat pa rin ako ng mukha ni Doc. Gabriel ang nasilayan at nabungaran ko, mabilis lang din na nagtagpo ang mga mata namin. Animo'y ako kaagad ang hinahanap ng paningin nito mula sa apat na sulok ng kwartong iyon. Samantala ay hindi naman matigil-tigil ang noo ko sa pagkakakunot nito habang pinagmamasdan ang dahan-dahan niyang paglapit sa gawi ko. Nakatitig lang ako sa kaniya. Kalaunan nang huminto ito sa gilid ko na ilang dangkal ang layo sa kinauupuan kong kama kung kaya ay maagap ko siyang tiningala. Nananatili lang akong tahimik na tinatantya kung ano ba ang pakay nito ngayon. Malamang naman din na patungkol iyon sa kalagayan ko. Mahina siyang tumikhim, nagawa ko pang masundan ng tingin ang pagnakaw nito ng tingin sa nakaawang kong labi dahilan para makagat ko iyon. Kasabay nito ay ang pagkurap-kurap ko. "Here is the results," panimula niya na totoong hindi ako nagkamali sa hula ko. Hindi ako umimik, bagkus ay marahan lamang akong tumango bilang sagot sa kaniya. Sandali rin ako nitong tinitigan na para bang nakadikit na sa mukha ko ang atensyon niya, kaya hindi maitatanggi ang pag-iinit ng pisngi ko pati na rin ang batok ko. Gaano man din ako naaapektuhan ay pinanatili ko ang walang emosyon kong mukha, naging malamig ang pakikitungo ko sa kaniya. Asawa marahil ang turing niya sa akin, pero kailangan ko pa ring manigurado at mas humanap pa ng matibay na ebidensya. Ayokong magtiwala na lang kaagad, kasi kung may isa man akong kakampi sa madilim kong mundo ay walang iba iyon kung 'di ang sarili ko. Sa kalagayan ko na walang maalala, pakiramdam ko rin kasi ay buong mundo ang kalaban ko. Wala man akong matandaan o maalala ay utak ko lang din ang kasangga ko, kaya kailangan kong mag-ingat maging sino man ang umaangking kamag-anak ko. Mas mainam na magtiwala ako sa mga intinct ko— it's better to be sure than sorry. "The blood test and neuroimaging result says... you have dissociative disorder," mabilis na segunda ni Doc. Gabriel. Mas lalo lang nagsalubong ang dalawang kilay ko, tanda nang labis kong kalituhan. I was expecting na may amnesia ako, pero disorder? "Dissociative disorder?" hindi makapaniwalang palatak ko, kasabay nang pagkamangha ko sa narinig habang maang siyang pinagmamasdan. "Yes. It is a mental illnesses that involve disruptions or breakdowns of memory, consciousness, awareness, identity and perception. So, sa kaso mo— mayroon kang dissociative amnesia— wherein occurs when a person blocks out certain information, usually associated with a stressful or traumatic event, leaving them unable to remember important personal information," mahabang paliwanag ni Doc. Gabriel sa akin na paminsan-minsan ay binabasa kung ano man ang nakasulat sa papel na hawak nito. Bumuka ang labi ko para sana magsalita, pero kaagad ko rin iyong itinikom nang wala akong makapang tamang salita. Well, obvious naman na may amnesia nga ako. In the first place ay expected ko na iyon, hindi na ako nagulat ngunit nagkaroon ng takot ang puso ko. Gaano ba kalala ang natamo kong amnesia? I mean, gaano kalala ang nangyaring aksidente? Paano kung hindi na bumalik sa dati ang alaala ko? Paano kung hindi na mangyaring maalala ko pa ang nakaraan ko? Natatakot ako, ang daming what ifs sa utak ko. "I'm... scared..." buntong hininga ko sa tunay kong saloobin na hindi ko na rin napigilan pa ang sarili, marahil din ay kitang-kita ni Doc. Gabriel sa mukha ko kung gaano ako nababahala sa isiniwalat niyang iyon. "It's normal, Jacky," casual na sagot nito na hindi maalis-alis sa mukha niya ang labis na pag-aalala, baka natatakot lang din ito na magwala na naman ulit ako. Honestly, gusto ko ngang magwala at maglupasay ngunit sa katotohanang wala naman din akong mapapala ay naging malaki ang pagpipigil ko sa sarili. Bagkus din ay natuon ang atensyon ko sa huling binanggit niya. Jacky... parang normal na lang din kung tawagin ako nito. It feels like sobrang tagal na naming magkasama at magkakilala. And right, asawa niya nga pala ako. Kaya kung tawagin ako nito sa pangalan ko ay tila ba kilalang-kilala na niya ang buong pagkatao ko. Mayamaya lang mas sakupin niya ang espasyong nakapagitan sa aming dalawa na kulang na lang ay dumukwang ito sa pagkakaupo ko na naging dahilan para mas tingalain ko ito. Gaano man sumasakit ang batok ko ay mas gusto kong makita ang mukha niya. Gusto kong mapanood ang pagdaan ng bawat emosyon sa dalawang mata nito, katumbas kasi nito ay ang paghaplos sa puso ko. Roon ko rin makikita kung nagsasabi nga ba siya ng totoo, o kung sincere ito sa akin at tunay nga na iyon ang nakikita ko sa kaniya. Hindi maitatanggi ang paulit-ulit na pagkahabag ng puso ko, kasunod nang malalakas na pagtibok nito kung saan damang-dama ko ang pagtataas-baba ng dibdib ko. Maging ang paghinga ko ay ramdam ko rin ang pagiging payapa sa reyalisasyong iyon. "Your memories still exist but are deeply buried within your mind and cannot be recalled." Sa narinig kay Doc. Gabriel ay parang nagpantig ang parehong tainga ko. I knew it— so, parang wala ring pag-asa na makaalala pa ako? Well, natatakot lang din ako na hindi na nga bumalik ang alaala ko. "However, the memories might resurface on their own or after being triggered by something in the person's surroundings," ani Doc. Gabriel na para bang nababasa nito ang itinatakbo ng isipan ko ngayon, kaya kahit papaano ay para akong nabunutan ng tinik. Napakurap-kurap ako sa harapan nito, saka pa madaling nag-iwas ng tingin nang hindi ko makayanan ang mainit at malagkit na paninitig niya sa akin. Natuon ang atensyon ko sa kahabaan ng kamay nito, lalo ang suot niyang singsing na katulad ng akin. Nagulat na lang din ako nang umupo ito sa gilid ng kamang kinaroroonan ko dahilan para maagap kong iurong ang mga binti ko, hindi sinasadyang mas bigyan siya ng espasyo kung kaya ay nagawa niyang makaupo nang maayos na halos maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. Ayoko man din siyang bigyan ng pansin ay huli na nang mag-angat ako ng tingin dito, sa kadahilanang pareho na kaming nakaupo ay kaagad na nagkapantay ang mga mata namin. Hirap akong napalunok habang halos pigilan ko ang sariling paghinga. Lalo ngayon na ang kalahating katawan nito ay nakadukwang sa akin, ang isa niyang kamay ay ginawa nitong suporta na nakatukod sa gilid ng mga binti ko kung kaya ay para lang akong napapaso sa init na nararamdaman. Kanina lang ay nanlalamig ako. Ngayon ay para akong iniiyaw na ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng tila kuryente sa kaibuturan ko na galing pa sa katawan ni Doc. Gabriel. But at some point, nagugustuhan ko iyon— it makes me feel warm and alive. "Don't be scared, Jacky, though it is a normal feeling for a person with amnesia. Just remember that I'm always here for you," malamyos niyang pahayag, rason para magalak ang kalooban ko. "And you're safe now." "But how is dissociative amnesia treated?" tanong ko na ayaw nang pagtuunan ng pansin ang kaninang sinabi niya. He got me there all right. Naramdaman kong safe ako sa kaniya, mas dumagdag pa tuloy iyon sa pagwawala ng puso ko. Wala sa sarili nang mapanguso ako habang maang pa rin na naghihintay ng sagot dito. "You know, dissociative amnesia has been linked to overwhelming stress..." dagdag ni Doc. Gabriel, kaya napatitig ako sa mukha niya. Maaliwalas ang itsura nito, ang dalawang mata niya ay sumasalamin sa taong napupuno ng pag-asa at dedikasyon na para bang gusto niya na iyon din ang maramdaman ko ngayon. Malalim iyon at punung-puno ng emosyon, kumikinang pa ito sa paningin ko. Matangos ang ilong nito habang may natural na mapulang labi. Makinis ang kaniyang balat, wala siyang mustache or kahit balbas kung kaya ay tanaw na tanaw ko ang paggalaw at pag-igting ng panga nito, partikular ang bawat pagtaas at baba ng kaniyang adams apple. "Stress..." pag-uulit ko sa mahinang boses. Tumango ito. "Stress might be the result of traumatic events— such as war, abuse, accidents, or disasters that the person has experienced or witnessed." "Am I that stressed? Abuse, huh? Really? Am I being abused or what? Kailan at paano?" sunud-sunod kong tanong na naging mitsa para matahimik si Doc. Gabriel. Nakita ko pa ang pagkibot ng labi nito sa hindi ko malamang dahilan na nagmukha lang siyang modelo sa isang sikat na men's magazine. Hindi na nga ako magugulat kung bukod pa sa pagiging doctor ay isa rin siyang sikat na ramp model sa ibang bansa. "You're mentally tired, Jacky. Ayoko na ma-stress ka pa lalo, kaya hindi muna kita masasagot," sagot nito dahilan para mawalan ako ng pag-asa. "But I need an answer." "No rush, please, Jacky. This is not the right para problemahin mo pa iyan. For now, you need to rest and gain more energy para mapadali lang ang paglabas mo rito, 'coz I know you're sick of seeing white and hospital machines." "Yeah, right." Mas lalo akong napanguso. Bakit hindi na lang niya sabihin, hindi ba? Kung ma-stress man ako ay problema ko na iyon, total ay stress naman na talaga ako sa kawalan ko ng memorya. But anyway, naiintindihan ko rin ang side niya. Gusto lang nito na mapabuti ang kalagayan ko, marahil ay natatakot din ito sa magiging kahinatnan ko. Bulgar na napahinga ako nang malalim, siya namang marahan na paghaplos ni Doc. Gabriel sa hita ko kung kaya ay saglit akong nagbaba ng tingin doon. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil doon na para bang nais nitong iparating na hindi ko kailangang mag-aalala. Nariyan siya at gusto nitong ipagpasakaniya ko na lang ang lahat ng nangyayari, mayamaya lang nang muli ko siyang balingan. "Asawa kita, hindi ba?" segunda ko, rason naman para maagap siyang tumango. Ipinakita pa nito sa akin ang singsing na suot niya na siyang itinaas pa nito sa ere dahilan para tingnan ko iyon. Kalaunan nang abutin niya ang kamay kong nasa kandungan ko at saka iyon hinawakan, kasabay nang masuyo nitong pagpisil. He knows how to manipulate my emotions at isa iyon sa kinatatakutan ko ngayon. Him, being this sweet and caring. Mas lalo lang lumalala at dumarami ang what ifs sa utak ko— I'm sorry, I just want my memory back as soon as possible. "Yes. I am your husband, the one and only." "Ibig sabihin ay isa ka sa makakatulong sa akin. Tell me, anong nangyari noong gabing naaksidente ako? Ikaw ba ang kasama ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD